"Xander." Bahagya niya lang iyon nasambit pero alam niyang umabot iyon sa pandinig ng lalaki. Mas lalo siyang napaluha nang makita ito. Gusto niya sanang lumapit at yumakap rito pero hindi niya maigalaw ang mga paang basang-basa sa loob ng suot niyang sapatos.
He didn’t answer her. Seryoso pa rin ang mukha nito sa pagkakatitig sa kanya pero nakita niya ang bahagyang pag-igting ng panga nito.
“Sorry.” Mahina nitong turan.
Sa narinig ay mas lalong namalisbis ang mga luha niya. She knew that he is also suffering a lot. He is not sorry only dahil lang sa nabasa siya ng ulan ngayon.
His tone is deep... and lonely.
Pinayungan siya nito at kahit na ganoong magkalapit sila ay iniwasan ng lalaking mahawakan siya o madaitihan man lang.
Iginiya siya nito sa may backseat ng sasakyan at nang mabuksan iyon ni Xander ay tumambad sa kanya ang nag-aalalang ina.
"Ma?" Pumasok siya at agad na yumakap dito ng mahigpit. Gustong-gusto niyang umiyak ngayon pero hindi naman niya iyon magagawa sa harapan ng kanyang mama. Lihim niyang pinunas ang mga luhang namamalisbis sa kanyang mga pisngi at hinigpitan ang yakap rito.
"Sorry. Di ka nasundo ni Daddy mo at di kita napuntahan agad." Mahigpit ding yumakap sa kanya ang ina. Mabuti na lang at naka-jacket ito.
Pinigilan niya ang pagsigok ng sumagot. "Okay na po ako Ma.” Pinayapa niya muna ang sarili bago bumitaw at saka nilingon si Xander sa kanyang likuran.
"Ate," Tawag pansin ni Xander sa atenyon ng ginang. "Pasok muna ako sa loob." Sa mama niya ito nakatingin na tinanguan naman ng kanyang mama. Kahit sulyap ay hindi man lang nito ginawa sa kanya hanggang sa maisara nito ang pinto ng sasakyan at tumalikod sa kanila at tinungo ang pinto ng 7-eleven.
"Magpunas ka muna. Heto, may dala akong tuwalya." Untag ng mama niya sa kanya ng lumipas ang ilang segundo na nakasunod lang siya ng tingin kay Xander na noon ay nasa loob na ng convenience store.
Tumango siya at kinuha sa ina ang tuwalyang inaabot nito.
Ages doesn't change him a bit, she guessed.
Saglit niya lang itong natitigan pero bumalik ang dating familiarity nito sa kanya na parang kahapon lang niya ito huling nakita.
His eyes were still the same. Maitim na parang nanunuot sa kalooban mo ang bawat tingin. But she saw the laugh lines on the corners of his eyes. Bagamat medyo madilim ang lugar na iyon ay nakita niya iyon kanina. Natatandaan niyang may ganoon na ito noon pa man.
Maliban sa paglaki ng katawan nito at tila pagdagdag ng height ay tila walang nabago dito. He still has that wavy hair na hilig niya dating suklayin and his nose, it is the same prominent nose na dinadangkal niya dati, while his lips, the shape of it, it is still enchanting as ever lalo na kapag nakangiti ito.
Parang nakasimangot pa din ito kapag di nakangiti but once emitted a smile, still the sweetest that someone will see.
Habang nagpupunas siya ng katawan ay nakita niya ito sa counter. Ang babaeng kahera na nag-asikaso sa kanya kanina ang nasa harapan nito.
Napasimangot siya.
Para itong namatanda sa kakatitig sa lalaki at si Xander naman ay ngumiti pa. Pati ang tatlong iba pang customer na ang dalawa ay babae ay kay Xander din nakatingin.
Hindi niya maiwasang manibugho.
Siya ay saglit pa lang itong nakikita at hindi man lang natapunan nito ng ngiti pero ang mga ito ay pinagsasawaan na ang hitsura ng lalaki lalo pa at umupo pa ito sa isang silyang naroon.
"Galit ka ba?" Narinig niyang tanong ng mama niya. Bigla siyang napalingon dito.
"Why would I?" Iling niya.
Tiningnan lang siya nito ng may pagdududa bago nagsalita. "Bilisan mo magbihis kung gusto mo ng makaalis dito. Ito ang damit mo." Iniabot nito sa kanya ang nakabalot na damit sa brown paper.
"What is this, Ma?" aniya ng makita ang laman ng supot.
"Hayaan mo na. Matutulog ka din naman pag-uwi mo e kaya pajama na ang dinala ko."
"Ma naman e." Kung sa ibang pagkakataon sana nangyari na kailangan niyang magsuot ng pajama sa labas ng bahay ay wala namang problema sa kanya. Pero iba ngayon.
"Sige na. Okey na yan."
Mabigat man sa kalooban ay isinuot niya nalang ang spongebob squarepants design niyang pajama na tanging dala ng mama niya. Tinted naman ang salamin ng sasakyan kaya hindi siya kita sa labas kahit magbihis siya roon.
She is now wearing yellow pajamas.
Ilang sandali lang pagkatapos niya ay siya namang paglabas ni Xander mula sa convenience store bitbit ang isang plastic na may lamang mga pagkain at cup beverage sa isang kamay habang sa isa ay hawak naman ang payong na sa mga dulo ay malakas ang tubig ulan na tumutulo.
"Drink this bago tayo umalis." Baling ni Xander sa kanya sabay abot ng cup chocolate na bitbit pagkapasok nito sa sasakyan. "Tama lang ang init niyan para mainom mo. Kailangan mainitan ka na para hindi ka magkasakit. And these are biscuits, baka nagugutom ka na."
"Thank you." mahina niyang sagot dito. Lumingon siya sa kanyang mama. Tumango lang ito pero wala siyang emosyong nakita rito. Same with Xander.
Habang umiinom ay di niya maiwasang di tumingin sa rearview mirror kung saan niya nakikita ang mukha ng lalaki sa harap ng manibela. Sa labas nakadiretso ang tingin nito.
He is very distant.
Nang matapos siya sa pag-inom ay medyo guminhawa ang kanyang pakiramdam. Noon ay nagsimula na ring umandar ang kotseng sinasakyan matapos niyang magbigay ng go signal na tapos na siya.
Tahimik lang sila sa biyahe nila. Si Xander ay nakatingin ng diretso sa kalsada. Ang mama niya ay sa labas ng bintana sa gawi nito nakatingin. Siya naman ay hindi alam kung saan ibabaling ang mukha.
There he is. Napakalapit na lang sa kanya pero ni hindi niya man lang pweding mahawakan o matingnan.
Araw-araw ay kasama ito sa mga panalangin niya na sana ay magkita na sila muli pero ngayong nandito ito sa harapan niya ay di man lang siya makapagsabi kung gaano siya nagpapasalamat at nagkita na sila ulit.
She held her breath. Mahalatang ng mga kasama niya kung bubuntung-hininga siya dahil napakatahimik sa loob ng sasakyan.
She looked out of the window. Hindi ganito ang inisip niyang mangyayari sa muli nilang pagkikita. Iniisip niyang parang katulad lang noong bata pa siya ang magiging tagpo nila pero sino ba ang niloloko niya? Of course, everything will change.
Ganoon kalaking distansya ang ginawa sa kanilang dalawa ni Xander ng fourteen years. It's too painful. Ni hindi manlang ito tumitingin sa kanyang gawi.
Ini-slouch niya ang sarili sa upuan para maiwasan niyang makita ito. Dumikit siya sa bintana at sa labas tumingin. Dahil sa bigat ng damdamin niya ay hindi niya napigilang lumuha.
Suminghot-singhot siya.
"Sinisipon ka na Uela. Wag kang masyadong dumikit sa pinto dahil malamig diyan."
Ipinagpa-pasalamat niya na nakapatay ang ilaw sa loob ng sasakyan kaya hindi makikita ng mama niya na tumutulo din ang mga luha niya. Umusog nalang siya ng bahagya papalayo sa pinto pero sinigurado niyang hindi niya pa din makikita si Xander mula sa kanyang pwesto.
Masasaktan lang siya lalo kung makikita nga ito pero hindi naman ito sumusulyap sa gawi niya.
Wala nang narinig na anumang ingay sa loob ng sasakyan maliban sa paminsan-minsang pagsinghot ni Uela.
Sa buong biyahe ay nanatiling tumutulo ang mga luha niya. Hinayaan niya lang ang mga iyon dahil mas mahahalata lang ng kanyang mama sa tabi niya kung maya-maya ay magpupunas siya ng mukha.
Pinanatili niya ring sa labas ng bintana ang kanyang tingin hanggang sa pumasok ang sasakyan sa isang pribadong subdibisyon.
"Here we are." Anunsyo ni Xander pagkarating na pagkarating nila sa bahay nila.
Nagmamadali siyang lumabas ng sasakyan kipkip ang bag niya at ang brown paper bag na pinaglalagyan ng mga basa niyang damit. Hindi siya lumingon para hintayin ang mama niya o kahit tapunan ng tingin si Xander hanggang sa makapasok siya ng bahay.
Inabutan niya roon ang kapatid niya habang nanonood ng t.v sa sala.
"Are you okey?" Baling nito.
Hindi niya ito pinansin at dumiritso na siya sa kwarto niya sa taas.
Naiwan itong nakakunot ang noo.
Pagkapasok niya sa kwarto ay dumiritso siya kaagad sa banyo bitbit ang mga dala. Inilapag niya lang ang mga iyon sa sahig at naligo siya.
Binalikan niya sa isip ang naging pagkikita nilang dalawa ni Xander kanina.
Hindi ganoon ang pinangako nito sa kanya noon. Natatandaan niyang sinabi nitong hindi na siya iiyak ulit sa susunod nilang pagkikita pero ang nangyari kanina ay kabaliktaran sa sinabi nito na ikinalulungkot niya.
He is very indifferent.
After all, nagkamali yata siya sa kanyang hinuha na walang nagbago rito. Maaaring sa physical apperance, oo, pero sa ugali nito, she doubts. He was not like that towards her when they were young.
Kung gaano siya ka-clingy dito noon ay ganoon din naman ito ka over protective sa kanya kaya lagi itong nakadikit saan man siya naroon. They were inseparable that time. Pero ngayon, kahit tingin lang ay ipinagdamot na nito sa kanya.
Ipinilig niya ang ulo ng maalala ang pag-iwas nito sa kanyang tingin. Siya lang ba ang nasasaktan ng ganito? She waited half of her life just to see him again pero pag-iwas lang ang makukuha niya? That is unfair.
Tinapos niya ang kanyang pagligo at nagpalit ng ibang pajama. Nang maiayos ang mga dala kanina at matuyo ang buhok niya’y agad na rin siyang nahiga sa malambot niyang kama.
It's a reward after her long days of work pero ang tulog ay naging napakailap sa kanya. Ilang beses na siyang nagpabaling-baling ng higa pero hindi siya dinadapuan ng antok. Kahit ang antok ay iniwasan siya.
Ganoon pa man ay pinili niya pa ring manatili sa pagkakahiga. Besides, she has a lot of thinking to do.
.....