Chapter 3--- The silent world in between

2403 Words
Agad na bumaba si Uela sa kotse, hindi pa man niya napapatay ang makina ng sasakyan. It was hard for him to see her hurting pero sa ngayon ay wala siyang magagawa. All of the years of waiting and all of the years of thinking about her has just gone like that. It was not the scene he anticipated to happen on their first meeting after fourteen long years of not seeing each other. Kailanman ay hindi niya pinangarap na paiyakin at pahirapan ang kalooban nito pero hindi naman din niya pweding ma-comfort ang dalaga, may presensya man ng magulang nito o wala. He knows that she was crying during the time na nasa biyahe sila. God knows how he wanted to reach out to her, ang mayakap ito at sabihan na wag na itong umiyak, ang mapunasan ang mukha nitong puno ng luha, ang mahaplos ang buhok nito at tapikin ito sa likod. But he can't do anything about it. It was immoral for him to do such things and it was immoral for him to love her. Bumuntung-hininga siya. Kanina pa niya iyon pinipigilang lumabas. "Salamat sa pagmamaneho, Xander." Narinig niyang wika ni Letecia pagkalabas nila ng sasakyan. "Walang anuman iyon, Ate." Bahagya lang siyang ngumiti dito at nagpanabay na silang lumakad papasok sa loob ng bahay. "Sigurado akong pagod ka na din. By the way, di ka pa kumakain dahil sa pagmamadali natin kanina. Tatawagin ko si Aida para mapaghandaan ka." Tukoy nito sa kasambahay na siguro ay nasa late fifties ang gulang. He already met her earlier. "I'm fine. Ako na ang bahala. Sanay akong maghanda ng pagkain." Tumango ang ginang. "Okey, sige. Mauuna na akong magpahinga sa inyo." Binalingan nito si Elly na nakaharap pa rin sa t.v. "Samahan mo muna ang uncle Xander mo dito, Elly." "Sure, Ma." Lumakad siya papunta kay Elly na noon ay nakahiga sa mahabang sofa. Inukopa niya ang pang-isahang upuan kaharap nito. "Anong nangyari kay ate? Bakit umiiyak iyon?" Baling nito. Dumilim ang mukha niya at nilinga ang hagdan paakyat. He doubts kung bababa pa si Uela para kumain. "Baka dahil lang sa ulan. Sinisipon na siya kanina sa sasakyan pa lang." "Okey." Balewala nitong tugon at muling humarap sa pinapanood. "Punta lang ako ng kusina, Elly. Kumain ka na ba?" "Tapos na uncle. Thanks." Tiningnan niya ang pagkaing naroon. Walang may sabaw. Uela has not eaten anything yet. Siguradong gugutumin iyon hanggang umaga lalo na at nalamigan pa ito sa labas. Kumuha siya ng maliit na kaldero at nilagyan iyon ng kaunting bigas. Gagawa siya ng lugaw para mainitan naman ito. Habang nakasalang ang niluluto niya ay kumain naman siya ng tinatakpang pagkain sa lamesa. Nang malaman niya kanina na hindi masusundo ng kanyang Kuya Ramon si Uela ay nag-alala na siya hanggang sa tuluyan itong hindi na makontak ni Letecia. He ran off to his car nang malaman niyang bumaba ito ng bus na wala man lang suot na jacket pagkatapos ng mga minuto ng paghihintay nila. The night was sure to be cold dahil sa sobrang lakas ng ulan. Si Letecia naman ay sumunod sa kanya sa pag-aalalang hindi niya makilala ang anak nito dahil sa tagal daw na hindi niya ito nakita bukod pa sa hindi siya familiar sa lugar at baka maligaw pa siya. Tama nga at hindi siya sanay sa lugar, pero si Uela, hinding hindi niya ito malilimot kailanman. Hindi pa man niya nakikita ang mukha ng babaeng nakatayo kanina sa labas ng convenience store ay alam niyang si Uela na iyon. His heart just knew her. Lumalakas lagi ang kabog nito kapag nakikita niya ang babae at nang lumingon ito sa kanya kanina, she still makes him see that slow-motion scene. Akala niya noong teenager siya ay guni-guni niya lang iyon kapag nangyayaring nakikita niyang nag-i-slow motion ito pero kanina napatunayan niyang totoo pala. He smiled to himself. He could have embraced her then kung hindi niya lang napigil ang kanyang sarili. Hindi gugustuhin ng sinuman sa pamilya nila na malaman ang malalim pa rin niyang damdamin para sa dalaga. He went upstairs bitbit ang isang tray na napapatungan ng mangkok ng lugaw. Sinahugan niya iyon ng mga gulay at nilagyan niya ng itlog sa ibabaw. Sa tagal niya sa Amerika ay natutunan na niyang alagaan ang sarili sa pamamamgitan ng pagkain ng mga lutuing nakakain lang dati sa Cebu partikular na ang luto ng kanilang kusinera na si Aling Socorro at ng kanyang mama katulad na lang ng lugaw na iyon. Ganoon din kasi ang madalas niyang kainin noong kasama niya pa ang mga ito, lalo na kapag nilalamig o may sakit siya. "Xander, ano yan?" Sumalubong sa kanya si Letecia na noon ay kakalabas lang sa master's bedroom. "Para kay Uela. Hindi kasi siya lumabas para kumain." "Ako na ang magdadala sa kanya. Nakakahiya naman sayo nagluto ka pa." Matabang nitong sabi at inabot ang dala niyang tray. "Mabuti pa ay magpahinga ka na din. Hindi ka pa nakakapag-pahinga simula ng dumating ka kanina." Bantulot niyang ibinigay rito ang hawak. Pagkabigay niya rito ng tray ay agad na rin itong tumalikod sa kanya. Sandali siyang natigil doon pero lumakad din ng marahan pasunod kay Letecia. Magkakatabi ang limang kwarto sa itaas. Ang sabi ni Elly sa kanya ay pangatlo ang kwarto ni Uela mula sa master's bedroom na nasa bungad lamang ng hagdanan. Siya naman ay ang pinakadulo ang inukupang kwarto. Nilagpasan niya si Letecia na noon ay kumakatok na sa pintuan ng kwarto ng anak. "Uela, May dala akong pagkain para sa'yo. Buksan mo muna ang pinto." Narinig niyang sabi nito bago siya pumasok sa inuokupang silid at isinara iyon. Pabagsak siyang nahiga sa kama kapagkuwa'y nilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng kwarto. Everything inside the house depicts money and luxury. Mapait siyang napangiti. Oo nga at napakalaki ng naitulong sa kanya ng pera. Natulungan siya nitong mamuhay ng normal at komportable pero alam din naman niyang there is more to life than money. It's true indeed dahil nakakaramdam pa rin siya ng malaking kakulangan sa kanyang sarili sa kabila ng yamang tinatamasa ngayon. Tumayo siya at tinungo ang banyo. Freshening up might do something better to him. Ang piping hiling niya lang ngayon ay kainin sana ni Uela ang lugaw na niluto niya. ..... Umaga na. Marahang iniangat ni Uela ang kamay para mai-off ang alarm clock na gumising sa kanya na nasa bedside table. Namimigat ang talukap ng kanyang mga mata at masama din ang pakiramdam niya. Magkaganoon pa man ay pilit niyang iniangat ang kamay upang maabot iyon. Nang sa wakas ay nai-off ang alarm clock ay unti-unti niyang iniangat ang sarili mula sa pagkakahiga. Maaga ang pasok niya at malayo pa ang kanyang biyahe kaya kailangan niya ring gumayak ng maaga. Sinalat niya ang sariling leeg ng maramdamang mainit ang ibinubugang hangin ng kanyang ilong. She is having a cold. Pinilit niyang umupo para sana pumunta ng banyo pero umikot ang kanyang paningin. Upang mapakalma muna ang nararamdamang pagkahilo ay ipinikit niya ang mga mata at nanatili sa pagkakaupo ng ilang minuto. Nang humupa iyon ay saka niya binuksan ang lamp shade at dahan-dahang tinungo ang banyo. Matapos doon ay bumalik siya ulit sa kanyang kama at muling nahiga. Sa sitwasyong ito ay hindi siya makakapasok sa kanyang trabaho. Pinang-hihinayangan niya ang araw dahil marami sana siyang magagawa sa opisina kung makakapasok lang siya pero nang maisip na makakasama nila si Xander ay agad na nabawasan ang panghihinayang niya. At least she has an excuse now to stay at home although nag-aalala siyang hindi rin ito makakausap katulad ng nangyari kagabi. Bumalik siya sa pagkakahiga at binalingan ang mangkok na naroon. Ipinasok iyon ng kanyang mama kagabi habang nakahiga na siya. Nagkunwari siyang tulog noon at wala sanang balak alamin pa kung ano ang dala ng ina kung hindi lang nito sinabi bago lumabas ng silid na si Xander ang nagluto ng lugaw na dala. Napangiti siya sa naisip. He's still the same thoughtful person she knew. Ang kaalamang nag-aalala sa kanya si Xander ang naging dahilan kung bakit siya nakatulog ng maayos pagkatapos niyang kainin ang ihinanda nito. Masarap ang luto nito, katulad ng lasa ng lugaw ng lola Milagros niya. Siguro dahil sa tagal nitong nakasama ang kanyang abuela kaya nagaya na nito ang mga paboritong ihain ng matanda. Nang makalabas nga ang mama niya kagabi ay agad niyang kinain ang dala nito na hindi naman nagtagal ay naubos din. Pero kahit na kumain siya ng mainit kagabi ay heto siya at dinapuan pa rin ng lagnat dahil sa pagkakababad sa lamig. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang makatulog ulit. Maaaring paggising niya ay mawala na rin iyon. ..... Dahil sanay sa maagang gising, madaling araw palang kinabukasan ay nagising na si Xander kahit halos hatinggabi na siya dinapuan ng antok noong gabi dahil sa pag-iisip. He reached for his cellphone. It shows four fifteen a.m. His day usually starts at this time. Una niyang tinungo ang banyo upang mag-toothbrush at maghilamos bago lumabas ng silid para pumunta ng kusina para maghanda ng almusal. Sa Amerika, palibhasa ay mag-isang namumuhay ay sanay siyang kumikilos mag-isa sa umaga katulad ng pagluluto ng pagkain bago siya maghanda papunta sa kanyang opisina. Tahimik ang buong pasilyo pagkalabas niya ng silid. Nang mapadaan sa silid ni Uela ay saglit siyang tumigil at nakiramdam. Araw palang ng huwebes iyon at alam niyang malayo pa ang pinapasukan nito kaya nagtataka siya kung bakit wala pa rin siyang naririnig na pagkilos mula sa loob. Gayunpaman ay lumakad siya pababa ng hagdan papunta sa kusina na noon ay maliwanag na at inalis sa isip ang pagtataka. Nadatnan niya doon si Aida na may kinukuhang kung ano sa ref na sa tingin niya ay siya nitong lulutuin para sa almusal ng mga amo nito. "Good morning." Diretso siyang pumasok sa loob ng kusina. Gulat itong napalingon. "Ay. Good morning din, sir. Ang aga niyo po a." Nginitian niya ito. "Sanay lang ho." "Gusto niyo bang magkape muna?" "I'm fine. Ako na ang gagawa." Natahimik ito at inilagay sa lababo ang kinuha sa ref. "Sige ho, pero kung may kailangan kayo pwede ninyo akong tawagin." "Salamat. By the way, anong oras ba nakauwi ang kuya? Gising na ba siya?" "A, si sir Ramon ho ba? Aba e, parang di yata umuwi kagabi, Sir. Hindi ako nagbukas ng gate kagabi." Kumunot ang kanyang noo. Ang sabi ni Letecia kagabi ay mali-late lang ito ng uwi kaya di masusundo si Uela, pero lumipas pala ang magdamag na hindi ito umuwi? May nangyari ba dito? He reached for his shorts pocket pero wala pala doon ang cellphone niya. Nakalimutan niyang bitbitin iyon pababa. Kailangan niyang matawagan ang kapatid niya dahil ilang araw lang ang ilalagi niya dito sa Manila. Kailangan niyang makausap ito as soon as possible tungkol sa bagong partnership with a foreign company bago naman siya umuwi ng Cebu. It would have been better kung nakausap na niya ito kagabi pero inabot nalang siya ng alas dose ng hatinggabi ay wala siyang narinig na makina ng sasakyang dumating hanggang nakatulog na lang siya. "Ganoon ba? Sige, salamat." Kinalimutan niya ang maghanda ng almusal. Lumabas siya ng kusina at tinungo ang hagdan pabalik sa kwarto upang kuhanin ang naiwang cellphone. Just as he was turning his room doorknob ay noon naman siya nakarinig ng nahulog na kung ano mula sa kwarto ni Uela. Bumalik siya sa harapan ng kwarto nito at kumatok pero nang hindi siya nakarinig ng sagot ay pinihit na niya ang seradura. Nakabukas iyon. "Uela, is everything okey?" Wala siyang narinig na sagot mula sa loob kung hindi mahinang ungol. Binuksan niya ng malaki ang pinto. Tanging liwanag na nanggagaling sa lamp shade sa bedside table nito ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto. "Uela?" Tawag niya nang makitang bakante ang kama ng dalaga at maya-maya pa ay tuluyan na siyang pumasok sa loob nang makarinig ulit ng ungol. Nagmamadali niyang tinalunton ang boses na iyon hanggang sa may banyo. Doon niya nakita na nakalugmok si Uela sa harapan ng bowl at sumusuka. Agad niya itong dinaluhan at hinagod ang likod. Mainit ito. "Hey, hey. Are you okey?" Tanong niya sabay hawak sa mukha ng babae. Iling ang isinagot nito sa kanya. "Anong masakit sayo?” Luminga-linga siya. Ano ba yung bumagsak? Nagduwal ito ulit. Hinayaan niya itong magsuka habang panay pa rin ang haplos niya sa likuran nito. Nang matapos si Uela sa pagsusuka ay inalalayan niya ito sa lababo para makapag-mumog at hilamos. Noon niya lang napansin ang nagkalat sa sahig na mga shampoo bottle at ang mga sabon mismo. Iyon marahil ang narinig niyang kumalabog kanina. The girl is in a real mess. Hindi sana nangyari ang ganito kung hindi lang ito naulanan kagabi. Kung may dala lang sana itong payong o kahit jacket man lang na panlaban sa lamig ay baka nakaiwas ito sa sakit. Huminga siya ng malalim. Kung hindi rin sana nito kailangang mag-commute araw-araw ay hindi sana ito naaabutan ng ganoong ulan sa labas. His jaw tightened. It was all his fault. Inalalayan niya itong makabalik sa kama pagkatapos nitong maayos ang sarili. Itinaas niya ng bahagya ang unan nito sa ulo at inayos niya ang pagkakakumot dito. "I'm sorry at di kita napuntahan agad kagabi." Mahina niyang bulong na kahit siya ay di alam kung maririnig nito ang boses niya. "Please stay still. Kukuha lang ako ng gamot at pagkain mo." Bago siya lumabas ay inayos niya muna ang nagkalat sa loob ng banyo at pagkatapos ay binuksan niya ang medicine cabinet na naroon. Kumuha siya ng paracetamol at ibinulsa muna iyon bago bumalik ng kusina para maghanda ng makakain ng dalaga. Kumuha siya ng mga kailangang ingredients sa cabinet at sa ref habang nakatingin sa kanya si Aida. "Magluluto din kayo?" "Para kay Uela. Nilalagnat siya ngayon." Sagot niya dito habang patuloy sa paghihiwa ng gulay na isasahog niya sa gagawing soup. "Naku po. Kaawa-awang bata naman. Paano e, ang lakas-lakas ng ulan kagabi. Kung bakit kasi ayaw pa ring payagang magmaneho ang batang iyan. May sasakyan naman diyan, kinakalawang na lang tuloy." Bahagya nagdilim ang kanyang mukha pero patuloy lang niyang ipinagpatuloy ang ginagawa. "O siya. Diyan ka muna. Dito muna ako sa pini-prito ko." Tukoy nito sa itlog na kasalukuyang nakasalang. He made chicken soup. Nang maluto iyon ay nagsalin siya sa mangkok at dinala iyon sa silid ng dalaga. .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD