Marahang pagkilos ang ginawa ni Uela ng maramdaman ang mahinang tapik sa braso niyang natatakpan ng kumot.
"Uela, wake up. Dinalhan kita ng chicken soup." What a soothing voice is it that she's hearing? Anghel na ba ang naririnig niyang nagsasalita?
Naliliyo man ay pinilit niyang iminulat ang mga mata, and there, she saw him again.
Nakaupo ito sa gilid ng kama niya at may bitbit na tray ng pagkain. Inilapag muna nito ang tray sa paanan niya at tinulungan siyang umupo habang nakasandal sa pinagpatong-patong na mga unan.
"You're here." Masakit man ang ulo niya at nahihilo pero hindi pwedeng hindi niya ito kausapin. She had waited too long para lang palagpasin pa ang isang pagkakataong hindi ito nakakausap katulad kagabi.
"Shhh. Humigop ka muna ng sabaw." Iniumang nito sa kanyang bibig ang kutsarang may lamang sabaw.
"I-I want to t-talk to you." Naluluha niyang wika.
"We will talk. Magpagaling ka muna ngayon."
"Y-you will just leave again." Mahina niyang sambit. Katulad ng nangyari labing-apat na taon na ang nakakaraan ay alam niyang aalis lang ito ulit at kapag nangyari iyon ay baka tuluyang hindi na niya makita ito. Ayaw niyang mangyari iyon.
Halos nakapikit man ay nakita niyang bahagyang ngumiti ang binata na ikinapanatag niya. Why does he has that gentle smile as always na parang lahat ng kapanatagan ay ipinapangako nito sa kanya?
"Hindi ako umalis kailanman." Narinig niyang sabi nito. Hindi niya alam kung dahil lang sa may sakit siya pero nahimigan niya ang paggaralgal sa boses nito. "Kumain ka na para makainom ka na rin ng gamot."
Ibinuka niya ang bibig at isinubo ang laman ng kutsarang nakaumang sa kanya. Masakit man ang ulo at katawan niya ay hindi naman maiwasan ni Uela na maging masaya sa sitwasyon nilang iyon. Kasama niya ito ngayon na parang walang masamang nangyari dati. Naroon ito sa silid niya na parang walang piping batas na nagbabawal ditong pumaroon.
Ang labing-apat na taon nilang hindi pagkikita ay tila nabura agad ng sandali. Kahit ang hinanakit niya noong nakaraang gabi dahil sa malamig nitong pakikitungo at hindi nila maayos na pagkikita ay dagli ring nabura.
Kasalanan man o hindi, tahasan niya nang inaaming mahal niya ang kaharap- ang adopted son ng lola niya.
.....
"Xander?" Gulat na tanong ni Letecia ng sa paglabas nito ng kwarto ay siya ang nakita galing sa silid ni Uela. "Bakit galing ka sa kwarto ni Uela?" Lumakad ito palapit sa kanya habang ang mga mata ay kababakasan ng hindi maipaliwanag na pagdududa.
Huminga siya ng malalim bago ito sinagot. "Nagdala lang ako ng pagkain para sa anak niyo, Ate. May lagnat siya ngayon."
Tinapunan lang nito ng bahagyang tingin ang dala niyang tray bago siya nilagpasan at pumasok sa silid ng anak.
Pakiramdam niya ay may kabayong sumipa sa sikmura niya sa nakitang tingin ni Letecia sa kanya. Malinaw na pinagdududahan siya nito. Napakasakit niyon sa kanya pero alam naman niyang kasalanan rin niya.
May sumungaw na luha sa kanyang mga mata habang tinitingnan ang pagsara ng pintuan sa kanyang harapan.
Bumaba siya papuntang kusina at nadatnan doon si Elly na nasa harapan ng hapag-kainan.
"Uncle, kain tayo." Alok nitong itinaas pa ang hawak na kutsara.
Tumango siya at tinungo muna ang lababo upang ilagay ang mangkok na pinaglagyan ng pagkain ni Uela.
"Ako na yan, Sir. Upo na kayo. Tinawag ko na si Ma'am Letecia at anumang oras ay bababa na rin iyon." Maagap na saway ni Aida nang makita ang kanyang bitbit. Lumapit ito sa lababo at kinuha sa kanya ang kanyang dala.
"Salamat." Sagot niya dito at umupo sa tabi ni Elly.
"Uncle." Untag ni Elly. "Natatandaan ko noong bata pa ako, kuya ang tawag ko sayo diba? Pwedeng ganoon nalang ulit? Parang ang awkward ng 'uncle' eh. Bata pa kayo."
"I don't think that's going to work." Iling niya.
"Bakit hindi? Si Ate nga, Xander lang ang tawag sa inyo eh." Pangangatwiran nito.
"Elly. Respect him. He is your uncle." Sabay silang napalingon ni Elly sa pinanggalingan ng malaking boses. Si Ramon iyon at base sa bihis nito ay alam niyang kakauwi lang nito sa bahay. Paano ay suot pa rin ng may katandaan ng kapatid ang damit pang-opisina nito.
"Kuya."
Kinampay nito sa hangin ang isang kamay para pigilin siya sa kanya sanang pagtayo. "Aida, pagawa nga muna ako ng kape." Agad na tumalima si Aida na naghuhugas noon sa lababo. Hindi naglaon ay lumapit itong bitbit ang isang tasa ng kape.
"Ito na po, Sir."
"Salamat." Tiningnan siya nito. "How about you, want some coffee?"
"No, thanks."
"Patawag ang ma'am mo, Aida." Muli nitong baling sa kasambahay.
Tumalikod naman kaagad si Aida pero bago ito nakalabas ng kusina ay nagsalita siya.
"Nasa kwarto siya ni Uela."
Kumunot ang noo ng ginoo nang marinig ang sinabi niya.
"May sakit ang anak niyo, Kuya. I happen to pass by her room habang nagsusuka siya."
Tumayo ang ginoo. "Mauna na kayong mag-almusal. I'll just go to her room."
Sinundan niya ng tingin ang ginoo. Ramon is in his early sixties already and yet he is still look as strong and authoritarian person na pinangilagan niya dati pa man. Ilang ulit na rin naman niya itong nakita simula ng umalis ang pamilya nito sa Cebu habang siya naman ay sa Amerika pero sa bawat pagkakataong iyon ay hindi niya maiwasang humanga at mangilag dito ng magkasabay.
Katulad ng Mama Milagros niya ay maputi din si Ramon. Matangkad ito at matipuno pa rin ang pangangatawan na hindi aakalain ng sinumang makakasalamuha nito na may katandaan na ang ginoo.
Ang pamilya Aragon ang isa sa pinaka-prominenteng pamilya sa Cebu at masasabi ring isa sa pinakamayamang nakilala niya. Nagmamay-ari ang mga ito ng plantation na nagdi-distribute ng mga agricultural products sa buong Pilipinas at nag-eexport sa iba't-ibang bansa.
Ang pagpunta niya dito sa Maynila ay isa lamang sa mga business meetings na kailangan niyang asikasuhin para sa nalalapit na pagbisita ng isa nilang prospect client mula sa Amerika. Alam ng kapatid niya ang pag-uwi niyang iyon at gustuhin man niyang manatili na lang sana sa isang hotel habang naririto sa Maynila kaysa sa makita ang indifference ng mag-asawa sa kanya ay hindi naman niya mapahindian si Donya Milagros.
Ito pa kasi mismo ang kumausap kay Ramon isang linggo na ang nakakaraan na kung pwedeng sa bahay muna ng mga ito siya maglalagi sa buong durasyon ng pananatili niya sa Manila.
.....
"Ilang araw kang mananatili dito sa Maynila?"
Diretsang tanong ni Ramon habang magkausap sila nito sa balkonahe ng bahay pagkatapos nilang kumain ng almusal na parang hindi rin niya naramdaman. Paano'y kahit kakatapos lamang nilang kumain ay tila kumakalam na naman ang kanyang sikmura dahil sa pangingilag niya sa mag-asawang kaharap niya kani-kanina lamang sa lamesa.
Pareho silang magkapatid na nakatayo sa may gilid ng balkonahe at nakaharap sa labas kung saan ay umiihip pa ang pang-umagang hangin na pamilyar ang lamig sa kanya.
Nagdesisyon ang kapatid na hindi na muna pumasok sa opisina dahil sa pag-aalala sa anak na noon ay mataas pa rin ang lagnat.
"With regards with the meeting with our prospect client, our meeting will be happening tomorrow. It's the finalization of papers that might cause some delays with my stay."
It's not like him to be unsure of something pero ngayon na nalapit siya kay Uela ay parang ayaw na niyang umalis sa lugar na iyon dahil kahit paano ay napapanatag siya. He wanted to leave just like before, disappear from her for good pero may parte sa kanyang hindi kinakaya ang ideya kahit naiisip pa lang niya iyon.
Tumango-tango si Ramon.
"Gusto kitang pasalamatan sa pagsundo mo sa pamangkin mo kagabi at sa pag-asikaso mo sa kanya kanina. Pero gusto lang kitang paalalahanan na hindi ko pa rin nakakalimutan ang nangyari noon." May diin sa pagkakasabi nito ng salitang 'pamangkin'. Nilingon niya ito at tumango din. Pagkatapos ay ipinako niya ang paningin sa harap at isinilid niya ang mga kamay niya sa kanyang bulsa. Naghahanda. He bit his lower lip ng maramdaman niyang umiinit ang kanyang mga mata.
"I know that you will never forgive me for what had happened then and I know I am the one at fault, but I want you to know also that I, still, love your daughter."
Nang lumingon siya dito ay nakita niya ang pagkuyom ng kamao ni Ramon kaya inilabas niya ang mga kamay sa bulsa. Pwede naman sana siyang umiwas pero hindi niya gagawin iyon. He meant what he said at gusto niyang ipaalam iyon sa kapatid.
Natulig at natumba siya sa sementadong balkonahe ng tumama ang kamao nito sa kaliwang bahagi ng kanyang panga.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?!" Galit na duro ni Ramon sa kanya. "Pamangkin mo na ang anak ko, Xander!"
Pinilit niyang makaupo at pinahid ang dugong naglandas pababa ng kanyang labi.
"I don't want you getting near my daughter again." Kalmado pero mabigat ang salitang binitiwan nito. "Huwag mo na siyang lalapitan ulit dahil baka ma-disgrasya na naman ang anak ko ng dahil sayo. Huwag mong hintayin na ako mismo ang bumali sa mga buto mo, Xander." Pagbabanta nito sa kanya.
He seated straight pagkatapos ay tumayo rin sa tulong ng railing.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa inyo at kay Uela pero hindi ko ginusto ang nangyari noon." Nagsusumamo ang boses niya na pakinggan ng kaharap. "Aksidente ang nangyari at maniwala kayong mas gugustuhin ko pang ako ang nasaktan kaysa sa ang anak ninyo."
Matalim siya nitong tiningnan at tumango. "Sana nga ay ikaw nalang at hindi ang anak ko." Makahulugan nitong sabi sabay talikod sa kanya.
Naiwan siyang nanghihina hindi dahil sa suntok na natanggap kung hindi dahil sa sakit na nararamdaman sa mga salitang natanggap mula kay Ramon.
Sana nga ay siya nalang ang nasaktan noon. Sana nga ay siya nalang ang nanganib ang buhay at naratay sa hospital ng ilang buwan matapos ang aksidente na dumurog sa puso niya ng libong beses.
Pero kahit naman hindi ay parang mas higit pa ngang sakit ang naranasan niya dahil hanggang ngayon ay pinapasan niya pa rin ang paninisi ng mag-asawa sa nangyari kay Uela labing apat na taon na ang nakakaraan.
.....