Prologue
This is Adonis Series 4
STORY OF NATASHA ABUELO AND NOAH MONTECLARO. ❤️
PROLOGUE
Maingay ang paligid habang tinatahak ko ang daan pauwi ng bahay, hawak ang payong ay nagmamadali akong baybayin ang lubak na daan habang nagtatakbuhan ang mga bata.
Papalakas na ang ulan ngunit hindi alintana ng mga tao rito ang paparating na bagyo.
Patuloy sila sa pagragasa sa daan.
Karamihan sa mga nakikita ko ay nagsusugalan sa gilid, sa kabilang parte ay nag-iinuman habang kumakanta.
Sa madaling salita ay parang fiesta dito sa lugar kung saan ako nakatira.
Isinara ko ang payong ng maka-uwi ng bahay. Ngunit ang bumungad muli sa akin ay si inang na may hawak na baraha.
Nagsusugal sila dito sa loob ng bahay kasama ang mga chismosang katulad niya, itinabi ko ang payong sa likod ng pintuan. Hindi pa man ako nakakalayo ng tawagin ni inang ang pangalan ko.
”Natasha!” nilingon ko si inang na nasa sala, dinig ko na ang malakas na ulan habang hinihintay ang kanyang sasabihin.
”Po?”
”Lumapit ka dito!” bumuntong hininga akong lumapit kay inang, nang nasa gilid na niya ako ay madali nitong inilahad ang kanyang palad.
”Pahingeng pera!”
”Po?”
”Nabibingi ka ba ngayon, natasha? Hindi ba't sweldo mo ngayon sa panederya!”
”Opo inang, pero ipambibili ko ng gamot ito kay amang..”
”Ako na ang bibili, akina!”
Hindi ko gustong i-abot kay inang ang pera, nasa harapan siya ng baraha at alam ko'ng maaaring matalo lamang ang aking pinaghirapan sa loob ng dalawang linggo.
”Wag na po kayong mag-abala, ako na po ang bibili sa labas..” masamang tingin ang pinukol niya sa akin, sa oras na ito ay batid ko'ng wala na akong magagawa.
”Pinangungunuhan mo ba ako sa bahay na ito, natasha!”
”H-hindi po sa ganon, ina..”
”Kung ganon, amina iyang pera mo!”
Masama ang aking loob ng dukutin ko ang mahigit tatlong libo sa aking lumang bag. Mangiyak-iyak ko'ng inabot iyon kay mama habang dinaramdam ko ang gutom sa aking sikmura.
”Ito lamang ba?”
”O-opo..” gumagaralgal ang aking tinig.
"O, sya! May mga gulay doon sa kusina, lutuin mo at pakain muna ang iyong amang!”
Mabigat ang aking katawan ng talikuran ko si inang, sa bahay na ito ay dakilang panganay ako. Hindi lang panganay, kusinera, taga-laba at linis ng paligid.
Sa edad ko'ng disi-siete ay hindi tumatalab ang salitang sosyal sa akin.
Kumakayod ako hindi para sa sarili, kundi para na rin sa aking pamilya na hindi ko alam kung pamilya ba ang turing sa akin.
”Ate!” ang bunsong babae ay lumapit sa akin, nakangiti. ”Naibili mo ba ako ng tsinelas?” tumango ako dito, bahagyang nakangiti.
”Oo, naroon sa gilid ng pinto. Kunin mo na lang..”
"Yes!” masaya siyang tumakbo palabas, tinungo ko ang lamesa kung saan naroon nga ang mga nakabalot na pinaghalong gulay.
Maya-maya lang ay muling sumisigaw ang bunso ko'ng kapatid, papasok siya ng kusina.
”Ate, hindi ito ang gusto ko!” nagmamaktol ang dose anyos na si chloe. Isang simpleng tsinelas lamang ang naibili ko dahil ipinagkasya ko lang iyon sa kupit ko kanina, hindi ko maibibili ang nais niyang mamahaling sandals para sa kanyang pag-aaral.
”Sa susunod na lang bibilhin ni ate ang gusto mo, hm?”
”Ayoko!” inihagis niya sa sahig ang isang pares na tsinelas. ”Sa'yo na iyan, wala din naman palang silbi ang pangako mo!” tumalikod na siyang umirap sa akin, nagbabara ang lalamunan ko habang unti-unting tiningnan ang tsinelas na nabili.
Kung sila ay kaya nilang mag-aksaya ng pera sa mga ganitong bagay, pero ako. Halos hanapin at habulin ko ang pera para lamang maibigay at mapasaya sila. Ngunit ni katiting na pasalamat ay wala akong narinig.
Nagpakawala ako ng mabigat na hininga, pinulot ko ang tsinelas at inilapag iyon sa gilid.
Bago ako makapag-umpisa ay pumasok na si inang sa kusina.
”Aba't ang kupad mo namang kumilos, natasha!” sa tono ng boses niya ay alam ko'ng talo ito sa sugal, pinapanalangin ko sana na hindi nadamay ang ibinigay ko'ng pera kanina sa kanya.
”Tatlong libo lamang ang binigay mo sa' kin, hindi ba't nasa apat na libo ang sahod mo!”
”Pag-budget ko po kasi 'yung natira ko'ng pera..”
"Ah ganon, ikaw may budget habang kaming narito ay walang pera?!”
”Ibinigay ko na po ang sweldo sa inyo, nasa isang libo lamang po ang gamot kay amang..”
”Aba't paanong isang libo, bibili ako ng isang buwan niyang gamot. Paano ako makakabayad ng kuryente kung kulang itong ibinigay mo!”
”Nag-bali po ako noong huling linggo di' ba? Nabayaran na po ang kuryente..”
Kinalampag niya ang mesang nasa harapan ko. ”Marami akong binili sa perang iyon, hindi pa ako nakapag-bayad!” napapikit ako dahil sa problemang ibinabato niya sa akin, hindi porket panganay ako ay dapat akuin ko na ang lahat. Hindi niya man lang ba ako tutulungan sa mga gastusin, mas gugustuhin niya pang ipatalo iyon sa sugal.
"Akina ang pera mo!”
”Inang..”
”Hindi mo ibibigay!” mahigpit na hawak sa braso ang natamo ko, bumabaon ang mahahaba niyang kuko doon habang nanlilisik ang mata sa akin. ”Pinapakain ka naman doon sa trabaho mo hindi ba!”
”P-per in--”
”Sabi ng akina!” sapilitan niya akong kinapkapan, ngunit dahi lumayo ako ay hindi sadyang naitulak ko si inang.
”Aray ko!” bumagsak ang pang-upo niya sa sahig, nakangiwi habang hawak ang kanyang balakang. Nag-angat siya ng tingin sa akin, masama ang titig.
”Lumalaban ka na sa akin ngayon?!” tumayo siya.
”H-hindi po inang, h-hindi ko sinasadya..”
”Wala 'kang silbi!” hinila niya ang aking buhok, halos umiyak ako ng kaladkarin niya ako palabas ng bahay. Doon lang lumabas si amang na nahihirapang i-abante ang gulong ng sakay niyang wheel chair habang tawag ang pangalan ni inang.
”Helda!” dinig ko ang boses ni amang mula sa labas, ngunit si inang ay galit sa akin at pabagsak akong itinulak sa labas ng baro-barong naming tirahan.
”Umalis ka dito, huwag na h'wag 'kang babalik hangga't wala 'kang pera!”
Umaagos ang luha sa aking mga mata, bago pa ako makatayo ay nag-martsa na si inang papasok ng bahay.
Doon ko lang naramdaman ang tubig ulan na dumadaloy sa aking katawan.
Hindi ko alam kung bakit kailangan maging malupit sila sa akin, wala akong ginawang masama. Lahat ay minamabuti ko at ibinibay ang abot na makakaya.
Ngunit para sa kanila ay wala akong silbi.
Binaybay ko ang daan patungong trabaho, basang basa ako habang nilalakad ang madulas na kanto. Madilim at patak lang ng ulan ang maririnig.
Ang liwanang na pinapakawalan ng kidlat ang siyang nagbibigay liwanang sa dinaraanan ko.
Lumiko ako patungong highway, malapit na ako sa paniderya ng biglang manlabo ang aking paningin.
Nahihilo ako hangga sa umakmang matutumba ang aking katawan.
Ngunit dahil sa kamay na humawak sa akin ay nagkaroon ako ng lakas tumayo.
"Hey, woman!” iritable ang boses ng lalake, nilingon ko siya kahit pa na nahihilo ang aking pakiramdam. ”Muntik ka ng masagasaan!”
Hindi ko alam ang sinasabi niya, hindi ko rin alam na sa edad ko'ng ito ay makakasalamuha ako ng gwapong tulad niya.
He's chinito eyes sparkle on the lights of road.
Basa na rin siya ng ulan habang kunot ang noo niya.
”Noah, pumasok ka na!” may tumawag sa kanyang ginang doon sa gilid, naaninag ko ang kotse doon na nakaparada habang nakatingin ang taong nakasakay doon sa amin.
Noah?
”Use this..” ibinalot niya ang mabango at makapal niyang jacket sa akin, bago iyon ay tuluyan na siyang lumisan kasabay ng paghupa ng ulan sa kadiliman.
***
UNROMANTICLOVE
SERIESIV
ALL RIGHTS RESERVED 2022
Don't expect too much from the story because the author is not very heroic, sorry for the errors and grammatical .
This story is just a fiction, if there is a name that resembles or a place, the event is just an incident, all the events told in the story are only from the mind of the writer.
If you don't like the story, you are free to switch to another story.
The writer's attitude is bad sometimes, she is also spoiled on f*******: and you should join her group if you support it.
The story is suitable for ages 18 and up, there are violent words here and retad often, if you continue to support, please refrain from voting and feedback on each chapter.
Thankyou,
hope you enjoy the story even though my update is a bit slow.
Follow me on f*******:: Labzaza WP