bc

My Rival

book_age18+
173
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
friends to lovers
brave
drama
twisted
bxg
first love
friendship
school
sassy
like
intro-logo
Blurb

Nang dahil sa kanya natuto akong maghamal, ngunit nagawa ko siyang talikuran dahil sa isang taong karapatdapat sa kanya. Ayokong masaktan ang taong iyon pero nasaktan pa rin nang sa huli ay ako pa rin ang ipinaglaban niya.

Jhasselle was my bestfriend, but she fall in love with Jayree, the man I loved. Jhasselle think that I take what she have and treat me as her Rival. Ngunit para sa akin, siya ang isa sa taong ayokong masaktan kahit na sa tingin niya ay inagaw ko lahat nang mayroon siya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 ELHAICA POV "Future girlfriend!" Muntik ko nang mabitiwan ang hawak kong pagkain sa pagsulpot niya. Nandito kasi ako sa garden upang iwasan sila Jayree pero heto nakita pa rin ako. "A-Ah b-bakit?" tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at tumabi sa pagkakaupo At nagsimulang magdaldal. Ewan ko ba kung bakit hinayaan ko siyang tawagin na ganoon. Its been 6 years since I meet him and be a friend. Ngayon teenager na kami hindi pa rin siya nagbabago. Napaka-childish niya pa rin at lagi siyang nakikipag kwentuhan sa akin kahit iniiwasan ko siya. "Lhaica, may dumi ba ako sa mukha?" biglang tanong niya. Napaiwas ako nang tingin at uminom ng tubig. Bakit ko nga ba siya tinitingnan? "Your blushing!" pang aasar niya. "Shut up Jayree," seryoso kong sabi at tumayo. Its been a years, he's being sweet at me. Lagi niya akong pinupuntahan sa school ko, sa girls school. Laging may dalang bulaklak, chocolate at ano pa. Akala nang iba boyfriend ko siya. Kahit di naman, kung tatanungin nila ako kung manliligaw ko ba siya? Hindi ko rin alam, ewan ko kung anong ginagawa niya. Nalilito na ako sa nararamdaman ko. Hindi naman ako manhid para di maramdaman na gusto niya ako mula pa noon. Sa tuwing ginagawa niya iyon, inaanim kong naaapektuhan na ang puso ko. Im starting to fall for him, but I need to stop my feelings. Hindi kami pwedi, ayokong makasakit nang damdamin ng iba. May isang taong karapatdapat sa kanya at hindi ako iyon. "May problema ba Lhaica?" nag aalala niyang tanong. Tumabi siya sa akin sa pagkakatayo. Napansin kong tumingin siya sa akin. "Hindi ka ba napapagod sa kakasunod sa akin? " bahagyang tanong ko sa kanya. "Kahit kailan Lhaica, hindi ako mapapagod," seryoso niyang sabi. Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ako sanay na ganito siya ka-seryoso. "Paano kung sabihin kong, pagod na ako na lagi kang nandiyan,” seryoso ko ring sabi pero bakit tila ang sakit? Tumingin ako sa kanya, kaya nakita ko ang pagkabigla sa sinabi ko. "Kung ano man iyong mga ginagawa mo, mas mabuting itigil mo na Jayree," sabi ko at bahagyang umiwas ng tingin. "Dahil hindi na ako natutuwa." Hindi ko ata mapigilang mapaiyak sa sinasabi ko dahil maging ako nasasaktan. "Hindi ko ata kayang sumuko nang ganoon na lang Lhaica," natatawa niyang sabi, ngunit dama ko ang pag iiba nang boses niya. Umiwas ako nang tingin. Ano ba itong nangyayari sa samin. "Sa higit ilang taon kong panunuyo saiyo, ngayon pa ba ako susuko? Hindi na nga ata kita gusto lang eh," nakangiti niyang sabi "Dahil sa tingin ko mahal na kita Lhaica." DUG DUG DUG! Napalunok ako ng paulit-ulit sa sinabi niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nanginginig na sa subrang kaba. "Mahal na mahal kita lhaica at hindi ako ganoon kadaling sumuko. " Tinitigan niya ako pero hindi ako makatagal dahil kung di ako iiwas, makikita niya akong umiyak. "Alam kong hindi ka pa handa Lhaica. Sa ngayon bibigyan kita nang panahon upang makapag-isip. Masakit man para sa akin ito pero kakayanin ko. Bata pa tayo kaya alam kong magbabago pa ang nararamdaman natin. Ngunit kapag nagkaharap uli tayo At ganito pa rin kita kamahal, asahan mong hindi ko na bibitawan ang kamay mo." Unti-unti niyang binitiwan ang kamay ko. Nakatingin lang ako doon. Nasasaktan ako. Tama ba itong nagyayari? Ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Mag iingat ka palagi huh? Tandaan mong minahal kita Lhaica. Kung ano man iyang iniisip mo, naiintindihan ko. Sige, maiwan na kita," paalam niya sa akin. Tumalikod na siya sa akin, kasabay no'n ang pagtulo nang luha ko. I feel broken. Parang ako iyong pinakatangang babae sa mundo na pinakawalan ang isang taong nagmamahal sa akin. 'Jayree, kung alam mo lang kung gaano din kita ka mahal..' "Excuse me miss, nandito na po tayo sa Airport." Napatingin ako bigla sa babaeng flight atendant. Nakangiti siyang nakatingin sa akin habang sinasabi iyon. Bahagya pa akong napatingin sa mga upuang katabi nang sa akin. Nakita kong wala nang mga nakaupo dito, mukhang ako na nga lang ang natitira. Napangiti na lang ako nang bahagya at napailing. "Oh, thank you," tanging sabi ko at tumayo na. Tumango lang siya sa akin bago ako lumabas sa eroplano. Nawala sa isip ko na nandito na pala ako sa pilipinas. Napapikit ako nang malanghap ko ang simoy ng hangin. Tatlong taon na ang lumipas pero naalala ko pa rin ang bagay na iyon. Naaalala ko pa rin siya. Kumusta na kaya siya? Hays! "Lhaica! Here!" Napatingin ako sa tumuwag sa akin at napangiti ako ng makilala ito. My mom. "Mom!" Naglakad siya palapit sa akin maging si Daddy at niyakap nila akong dalawa. "I really miss you! I'm happy to see you again, my baby," naiiyak na sabi ni mommy. Bahagya akong natawa sa kanya. Ginulo naman ni dad ang buhok ko. "You're now a lady, you're so beautiful my daughter," sabi ni Daddy. "Tss, noon pa dad maganda na ako hahaha!" "Yeah right, lets go. " "Si ate nga pala nasaan? Akala ko sasalubungin niya rin ako," tanong ko nang di ko makita si ate Marissa. Naglakad kami patungo sa kotse na dala nila saka pumasok. "May biglaang meeting sila kaya hindi siya nakasama sa amin," sabi ni Mommy habang katabi si Daddy sa harapan ng kotse. "Lhaica," tawag sa akin ni dad kaya napatingin ako sa kanya. "Is it true, that you're going to continue your studies at Montero University?" Natigilan ako sa tanong ni daddy. Bahagya akong umiwas nang tingin sa kanya at tumango. Kaya narinig kong napabuntong-hininga siya. "Alam mo naman siguro kung anong klaseng paaralan iyon. Kaya nga noong nandito ka pa, sa girls school ka namin pinag aral. Tapos ngayon magugulat na lang kami na doon ka magpapatuloy sa pag aaral mo, sigurado ka ba?" seryosong sabi ni Daddy. Hindi agad ako nakasagot. "Is there anything problem?" nag aalalang tanong ni mommy. I sighed. "Ate Jasmine wants me to study there," sabi ko at pareho silang natigilan. "I need to obey her, you know that." Hindi na sila muling nagsalita. Alam ko naman kung bakit, dahil maging sila kailangang sundin si ate Jasmine kung ano man ang sinasabi nito sa kanila. Hindi naman sa magagalit si ate, ngunit talagang kailangan naming sundin kung ano man ang dapat niyang sabihin. Hindi ko totoong kapatid si Ate Jasmine, pero bago siya naging isang Montero naging isang Reyes muna siya. Sa amin lumaki si ate Jasmine at inakala niyang kapatid talaga namin siya. Nalaman na lang namin bigla na inilayo siya sa mga Montero at ang ina ko ang inutusan na ilayo siya. Dating magkalaban sa gang ang ina ko at ina ni ate Jasmine. Kaya ginawa nilang ilayo si Ate Jasmine upang masaktan ang ina nito. Si ate Jasmine ay isang kilalang gangster leader at kasama niya sa gang ang totoo kong kapatid na si ate Marissa. Ang gang na tinatawag nilang Lady bloods. Ngunit ngayon, isang nakakataas na pinuno na si ate Jasmine, isa na siyang Mafia Empress. Napabuntong-hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin sa loob ng Montero University. Ang tanging alam ko, ay siguradong magkikita kaming muli. 'Jayree,' sambit ko sa kawalan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.1K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

Dangerous Spy

read
299.5K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

YOU'RE MINE

read
894.3K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook