10. Chapter “Ano na? Ituloy na natin? Tutal alam na ni Papa. Gets na niya kung anong ginagawa natin…” Seryoso ba talaga si Miguel? Pero sa mga mata niya ay alam kong seryoso siya. Umiling-iling ako. Kahit pa nananaig ang tawag ng laman pero hindi pa ito ang tamang panahon. “Hindi pwede Miguel. Huwag tayong mapusok. Ayoko magsisi sa huli.” Pero ayaw pa rin niyang bumitiw bagkus lalo pa niyang hinigpitan at diniinan ang kapit niya sa akin at pag pako ng magkabila kong pulsuhan sa kama. Ramdam ko ang gigil niya, ang pagnanasang ako ay maangkin. “Bakit, Guel? B-bakit ako? Magulo ang buhay ko—” “Kailangan ba may dahilan?” Agad niyang pagputol sa sinasabi ko. Lalong tumalim ang kanyang titig. “Dumating na ang scholarship approval letter ko, nakapasa ako ng full scholarship sa UP.” Lumuwa

