11. Chapter “Bukas na lang Izzy. Hayaan mo hindi ako galit. Sa katunayan nga niyan ay may regalo ako.” “Talaga? Ano ‘yun?” bulalas ko dahil excited ako sa birthday gift ni Miguel. Kasi sa tuwing birthday ko, bongga ang regalo niya. Hindi naman ako na-excite dahil galante si Miguel pero ‘yung maalala niya ako sa birthday ko ay napaka saya ko na, lalo pa at alam niya kung ano ang gusto ko. Ako kasi, tuwing birthday niya ay palaging friendship letter, handmade na crafts gaya ng keychain o binurdahang panyo na natutunan ko pa kay Lola Nena, o ang paborito niyang home made siomai lang ang regalo ko. Iyon lang naman kasi ang kaya ng budget ko. Nauunawaan naman niya ang sabi pa nga niya ay ‘it’s the thought that counts’. Huwag na raw akong mag-abala pa sa birthday niya dahil ang presensya ko

