8. Chapter
“Ay siya nga pala Izzy, may isa pa akong magandang balita kaya huwag ka nang umiyak.”
Excited akong malaman kung ano ang good news niya sa akin. Hindi ko maiwasang ngumiti na hanggang tenga kahit na masakit ang pisngi ko. Simple lang naman ang kaligayahan ko. Bigyan lang ako ng pagpapahalaga, o simpleng regalo ay sapat na sa akin.
Kaya nang sinabi ni Ninong Ardy na dito muna ako hanggang graduation ng high school ko ay tuwang tuwa na ako. May pahabol pang good news.
“Izzy, birthday mo sa susunod na araw ’di ba?”
Oh, oo nga pala no, ngayon ko lang naalala na kaarawan ko na pala. Kasi naman sa sobrang lungkot ng buhay ko, parang wala na akong pakialam sa kinabukasan, ika nga nila, ‘there’s nothing to look forward to’. Si Ninong Ardy ang nagbigay ng dahilan para kahit papaano ay nakakasabik ang bukas.
“Magpapa reserve ako ng private resort sa Batangas.”
Napanganga na lang ako dahil hindi ako makapaniwala. Para sa akin, gagawin yun ni Ninong Ardy?
“Ako na rin ang magpapa-aral sa’yo sa kolehiyo.”
Lalong sumaya ang puso ko. Hindi ko akalain na makakapag college pa ako bukod sa wala naman pakialam si nanay at tatay kung makapag aral ako ay may sabit pa sa grades ko, masyadong mababa para maka pili ng gusto kong kurso. Gusto ko sanang maging teacher kaya Education sana ang kursong pipiliin ko. Suntok sa buwan pa sana ang planong iyon pero dahil sa sinabi ni Ninog Ardy ay may assurance na ako.
“Salamat po Ninong… salamat po sa lahat.”
Napatingin ako kay Miguel. Bakit kaya hindi siya masaya? Para sa akin naman kasi ang good news ni Ninong kaya siguro.
“Kaya kumain ka na riyan at magpalakas.”
“Opo Ninong,” masayang sagot ko.
Kinagabihan, naalala ni Ninong na wala nga pala akong tutulugan dahil ang tatlo lang ang kwarto ng kanilang bahay.
‘Tabi na lang po kami ni Lola Nena,” sabi ko kay Ninong para hindi na siya maabala pa dahil sobra sobra na ang pagmamalasakit niya sa akin.
‘Sige. Ito nga pala ang mga damit mong iba. Dala dala ni Mareng Ana. Bukas, punta tayo ng mall para makabili ng mga damit at iba mo pang mga gamit.”
“Ay naku po Ninong,huwagna po kayong mag-abala pa, sobra sobra na po ang tulong niyo. Pupunta na lang ako ng bahay at kukunin ko ang mga gamit ko doon. Kakaunti lang naman ang mga iyon at malapit lang ang bahay kaya kayang-kaya ko na yan.”
“Ay iyon nga, Izzy. Kakaunti lang ang gamit mo. Ang dalagang gaya mo ay marami na’ng pangangailangan. Ano ba naman yang mga magulang mo, hindi ka man lang bigyan ng maayos na uniporme at sapatos.”
“Ah graduating naman na daw po ako Ninong at konting tiis na lang at hindi ko na yun magagamit. Kung bibili ako ng bago ay sayang naman daw dahil isang taon lang magagamit.”
“Ay dapat lang naman talaga na taun-taon ay bumibili ng gamit. Ilang taon na ba yang uniform mo?”
“Mag aapat na taon na po Ninong–”
“Ano? Apat na taon!”
Grabe lang ang sigaw ni Ninong sa akin nang marinig niya na mag-aapat na taon na ang damit ko. Naka-kunot ang noo niya parang galit siya sa akin. Hindi ko naman kasalanan na sobrang tipid nila Nanay at Tatay. Kaya lang naman madaling naluma ang uniform ko dahil isang pares lang ang meron ako. Naluma na sa araw-araw kong paglalaba– ika nga eh ‘wash and wear’.
“Ok lang naman Ninong at aayos pa naman. Saka yang uniform Ninong ay huwag ka ng bumili, magtatapos na ako ng high school.”
‘O, siya sige. Basta bukas punta tayo ng mall at bibilhan kita ng mga damit at mga ibang gamit mo.”
“Ninong, huwag na po. Pupunta na lang nga ako sa bahay Ninong. Sayang din ang ga gamit ko doon.”
“Ayun na ngaa, ayoko nang bumalik sa bahay niyo at mainit pa ang dugo ng mga magulang mo sa’yo kaya. Hayaan mo na kung ano mangmga gamit mo don May mahalaga ka pa bang mga naiwan? Dinala ni Mareg Ana ang mga gamit mo sa eskwelahan.”
Napa-isip ako saglit. Bukod sa mga gamit sa school ay wala naman akong mga mahahalagang gamit.
“O siya, matulog ka na,” ang sabi ni Ninong at pumasok na ako sa kwarto ni Lola Nena. Dito lang naman sa first floor ang kwarto niya, malapit sa kusina dahil hindi na niya kayang umakyat pa ng hagdan.
Tulog na si Lola Nena nang pumasok ako. Nagpalit na ako ng pantulog at tumabi na sa kanya. Malaki ang kama ni Lola Nena dahil baka mahulog siya at mabali pa ang buto-buto dahil marupok na ito.
Napaka lambot ng kama niya, malayong malayo sa papag na hinihigaan ko. May sarili nga akong kwarto pero parang kwarto lang din yun ni Cinderella, kasi sira na ang bubong at kung malakas ang ulan ay bumabaha sa aking kwarto at maghapon akong malilimas ng baha. Kaya pinili ko na ring wala masyadong gamit dahil maliit lang ang kwarto ko at mababasa lang ng ulan.
Hindi nagpapatay ng ilaw si Lola Nena, ito ang isa sa mga bagay na dapat ay sanayin ko, ang matulog na may ilaw. Ilang oras na akong naka tanaw sa kisame at hindi pa rin ako dalawin ng antok. Namamahay yata ako. Medyo mainit din sa kwarto ni Lola Nena dahil manipis na ang kanyang balat kaya siya ay lamigin. Ok lang naman dahil naka tapat sa akin ang electric fan at naisipan kong mag sando at maikling shorts na lang ang suotin.
Habang naghahanap ako ng sando at maikling shorts, napa buntong hininga na lang ako habang pumipili ng masusuot. Talaga palang puro luma na ang mga damit ko. Hindi ko naman pinapansin dahil sa bahay lang naman ako at hindi lumalabas kaya wala akong pakialam sa kung ano man ang itsura ko. Parang nakaramdam ako ng awa sa sarili. Butas-butas ang sando ko at mga shorts. Kupas din ang mga pang alis kong mga damit. Nakakahiya kung makikita ako nila Ninong Ardy at Miguel sa ganitong kasuotan. Bukas pa naman ay mag mo-mall kami, hindi ako presentable, magmumukha akong basahan. Alam kong hindi naman nila ako hahamakin at ikakahiya pero nakakahiya lang talaga na wala akong presentableng maisusuot. Ah bahala na. Alam naman nila ang totoong sitwasyon ko, kaya bahala na.
May malaking salamin din si Lola Nena na kita ang buo kong katawan simula ulo hanggang talampakan pero ang salamin niya ay anttque na, napaka elegante ng disenyo, panahon pa yata ito ng Kastilla. Pero kahit anong ganda ng salamin ni Lola Nena, ganun naman ka-payak ang suot ko. Kitang kita sa salamin na ito kung gaano ako kaawa-awang babae. Butas-butas ang aking sando at lumang luma na ang maikli kong shorts.
“Maganda ka naman Frenzy, bawi na lang tayo sa kagandahan, kahit pa may blackeye ka,” ang sabi ko sa harap ng salamin at ngumiti.
Bumalik na ako sa tabi ni Lola Nena at niyakap siya. Tulog na tulog pa rin ang pinakamamahal kong lola. Hindi pa rin talaga ako makatulog kahit anong gawin ko. Hindi kasi ako sanay na matulog sa ibang bahay.
“Salamat po sa lahat ng biyaya Niyo sa akin. Sa lahat ng undeserved blessings. Mahal Niyo pa rin pala ako kahit papaano,” maikling panalangin ko bago ako pumikit Matutulog na talaga ako dahil balak kong linisin ang kwarto ni Miguel dahil kakaiba talaga ang amoy. Maayos naman ang kwarto niya, pero alam kong may igaganda pa yun pag nalinisan. Marami pa rin kasing nagkalat na kung ano ano.
Kinabukasan, dahil gabing gabi na talaga ako nakatulog at masyadong masarap sa kama ni Lola Nena at biglang lumamig gawa ng umulan ng malakas kaya napasarap ang tulog ko. Lumabas na ko ng kwarto lahat silang tatlo ay naroon na sa kusina. Niyaya nila akong kumain. Nakatitig sila Ninong Ardy at Miguel sa akin. Bigla kong naalala na mukha nga pala akong busabos sa suot kong butas butas na sando at maikling shorts, wala pa naman akong suot na bra dahil hindi ko ito nakasanayan sa bahay. Ganun pa man, mupo pa rin ako at nakisalo sa hapag, kunwari ay hindi ko alintana ang aking kasuotan. Sobrang awkward kaya pinili na lang naming manahimik.
“Ay ano ba namang suot yan Ineng–”
“Nay, wala po kasi siyang damit kaya aalis kami mamayang hapon para bumili ng damit. At saka parang anak ko na yan si Izzy at magkapatid na yan si Miguel,” sabat agad ni Ninong Ardy.
“Pasensya na po at nawala sa isip ko. Nasanay kasi ako sa bahay lang–”
“Ay siya kain na,” sabi ni Lola Nena at nagsimula na nga kaming kumain. Napakasarap sa pakiramdam na ramdam kong kapamilya nila ako kahit na hindi ako kadugo.
Pagkatapos kumain ay naligo na ako. Dahil maaga pa naman at wala akong gagawin, pumunta ako sa kwarto ni Miguel para maglinis. Kumatok ako nang kumatok pero walang sumasagot. Wala yata siya. Tamang-tama para pagbalik niya ay tapos na akong maglinis at surpresa ko sa kanya ang malinis at mabango niyang kwarto.
Pumasok na ako nang walang paalam. Hindi naman siguro siya magagalit sa akin. Ilang hakbang pa lang nang nakapasok ako sa loob ay biglang sumara ang pinto at may pumulupot na bisig sa aking bewang.
“Anong ginagawa mo rito?” bulong niya sa tenga ko na ubod ng senswal.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil nagulantang ako sa mabango niyang halimuyak, bagong paligo at ramdam ko pa ang basa niyang balat, at ang malapad niyang dibdib na nasa aking likuran.
Parang may kung anong bumuhay sa p********e ko.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. PAKI FOLLOW PO AKO PARA SA MGA NEW STORIES FOR FREE