7. Chapter

1145 Words
7.chapter “Kumpare, bitawan mo si Frenzy.” Ang boses ni Ninong Ardy ang nagbigay pag asa sa akin. Pagod na ako sa buhay. Pero ang gaya ni Ninong na nagmamalasakit sa akin ay isa sa mga dahilan para manatiling lumaban. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. Basta ang alam ko lang ay pagod na ako kahit kakagising ko lang. Gusto ko matulog masakit, mahapdi ang suntok ni Tatay. Huminto na rin ang ngay ng paligid. Mabuti naman, payapa na akong makakapag pahinga… Nagising na lang ako sa isang malambot na sofa. May kamay na humahawak sa akin. Nagulat man ako pero saglit lang iyon dahil napagtanto ko agad na kamay ito ni Miguel. Nasa sala ako ng bahay nila ni Ninong Ardy at nasa tabi ko lang si Miguel. Babangon na sana ako nang pinigilan ako ni Miguel. “Higa ka muna, gpahinga. Kukuha ako ng yelo para gamutin ang pasa mo.” Tatayo na sana siya ngunit hinablot ko ang kanyang kamay para pigilan siya sa pag alis. “Si Ninong Ardy? Bakit ako nandito? Saan na sila Nanay at Tatay?” sunod-.sunod kong tanong dahil mukhang matindi ang pambubugbog ni Tatay dahil nawalan ako ng malay. “Nasa barangay sila–” Dito na ako napa-bangon at ayos ng upo kahit hilo pa ako. Lumakas kasi ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang barangay. Umabot pa pala hanggang kay kapitan ang pangyayari kanina. “Kinakausap na ni Papa sina Aling Ana at Mang Sammy Boy.” Napatungo na lang ako at binitawan ang kamay niya. “Nakakahiya naman sa inyo, lalo na kay Ninong. Ang laking abala ng ginawa ko.” Ang kamay ko naman ang hinagilap ni Miguel at ngumiti habang pisil-pisil niya ang kamay ko. “Sabi naman sa’yo, hindi ka abala sa amin.” Tinalikuran na niya ako at nagtungo sa kusina at nagbukas ng freezer para kumuha ng ice cubes Nagtungo rin siya sa isang malaking estante at humugot ng ice bag. “Higa na para mabilis na matanggal yang black eye mo” sabi niya at nilapat niya sa pisngi ko ang ice bag. Napa ukot ang mukha ko sa sakit at lamig. “Grabe naman talaga si Mang Sammy. Paano niya kaya naatim na suntukin ang walang kalaban-laban…” Ramdam ko ang galit at awa ni Miguel. Lalo tuloy akong nanliliit. Nakakahiya na umabot pa sa buong barangay ang kalat ng pamilya namin. Pati si Ninong Ardy ay naabala pa. Dapat ay pahinga niya ngayon sa kanyang negosyo pero heto, dahil lang sa akin na walang silbi sa buhay ay nandamay pa ng kamalasan sa buhay. “Miguel, apo! Pakainin mo na si ano… sino nga ba ireng bata na ito….” “Izzy po, La!” sagot ni Miguel ay Lola Nena na naghahanda ng pagkain sa kusina. Masyado nang matanda si Lola Nena pero pinaghandaan pa rin niya ako ng pagkain. Mayroon na siyang sakit sa kalimot, nakalimutan ko na kung ano ang tawag pero parang sabi nila ay second childhood na raw ni Lola Nena. Kaya madalas ay nasa kwarto na lang siya nag papahinga. Hindi na niya nagagawa ang mga dating hobbies niya gaya ng cross-stitch, gantsilyo, at pananahi. Tanging pag luluto na lang ang kaya niyang gawin ngunit bihira na rin dahil baka pati ang pag patay ng kalan ay makalimutan niya. Kaya ganun na lang ang pasasalamat ko bagamat alam kong hirap na siya sa pag asikaso at limot man ng utak niya ang pangalan ko pero alam kong nasa puso niya pa rin ako. Bumangon na ako, tangan ang ice bag na naka lapat pa rin sa aking pisngi. Hindi na ako mahihiya bukod sa palagi naman akong kumakain dito sa bahay nila Ninong ay gutom na kasi ako kaya kakain na talaga ako. Kumain na pala sila kaya isang plato lang ang nakahanda. Nag abala pa talaga si Lola Nena na mag luto ng paborito kong ginataang sigarilyas. Hindi man niya maalala ang pangalan ko pero ang paborito kong ulam ay natatandaan niya. Masarap pa rin ang mga luto ni Lola Nena kahit na mahina na siya at matanda. Habang sarap na sarap akong ninanamnam ang unang kain ko sa araw na ito, nabaling ang atensyon naming lahat sa pintuan dahil bumukas ang pinto. Dumating na si Ninong Ardy. “Nay! Miguel! Nasaan si Frenzy?” sigaw niya pagkabukas niya ng pinto. ‘Nandine sa kusina at nakain!” sagot naman ni Lola Nena. Umupo si Ninong sa tapat ko at niyaya kong kumain. “Busog pa, inaanak. Kain ka lang diyan. Magpaka busog ka. At siya nga pala, naka-usap ko na ang nanay at tatay mo. Gusto ko ipakulong ang tatay mo.” Kumalabog ang dibdib ko. Bakit ikukulong si Tatay? Hindi ko naman gusto na makita siya sa bilangguan. “Nong,huwag po.Lasing lang si Tatay kaya siya nananakit. Pag hindi naman siya naka inom hindi naman siya nananakit. At isa pa po, kasalanan ko naman kasi hindi ako umuwi.” “Tsk , dahilan ba yang lasing para manakit? Eh araw-araw nag lalasing ang tatay mo. Araw- araw din mananakit?” “Pero Nong—” “Hayaan mo Izzy, hindi ko naman tinuloy.” Napa hinga ako ng malalim. Mabuti naman. Ayaw ko naman siyang makulong. “Nagkaroon kami ng kasunduan dapat ay huling pananakit niya na ‘yan. Kapag nalaman kong pagbubuhatan ka na naman ng kamay ay tutuluyan ko na talaga siyang ipakulong.” Napangiti ako kahit papaano, ramdam ko ang pagmamalasakit ni Ninong Ardy. Gusto kong umiyak dahil, mabuti pa ang ibang tao ay nagmamahal sa akin. Kung sino pa ang kinikilala kong mga magulang ay siya pa ang nananakit sa akin. Mabuti at nariyan sila Ninong Ardy, si Miguel at Lola Nena, pinaparamdam nila sa akin na may nagmamahal pa rin. Gusto ko sanang umiyak kaso ngumunguya pa ako at nakaka hiya naman lumuha sa harap nila. Masyado na akong kawawa kung mag iiyak pa ako. Pero hindi ko talaga mapigilan. Kumawala ang luha sa mga mata ko kahit anong pigil ko. Hinimas-himas ni Miguel ang likod ko para ako ay tumahan. Pinunasan din ng mga daliri niya ang mga luha ko. “At siya nga pala, tahan ka na. Kasama sa kasunduan namin na hanggang matapos ka sa high school ay dito ka muna tutuloy para makapag focus ka sa pag aaral mo, ilang buwan na lang at magtatapos ka na. Pagbutihin mo ang pag aaral at sayang naman kung hihinto ka.” Tumango tango lang ako dahil sa tuwa. “Ay siya nga pala Izzy, may isa pa akong magandang balita kaya huwag ka nang umiyak.” Napaingin ako kay Ninong Ardy at parang may kung anong pag asa ang sumilay sa puso ko. Napangiti ako ng ubod tamis sa kanyang magandang balita sa akin. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. PAKI-FOLLOW PO AKO. THANK YOU.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD