6. Chapter

1774 Words
6. Chapter “Ninong Ardy!” Gulat na sambit ko nang biglang bumukas ang pinto at ilaw. Parang gusto ko nang magising sa panaginip na ito dahil nakakahiya. Sobrang nakaka hiya kay Ninong Ardy na mahuli kami sa ganitong eksena ng anak niyang si Miguel. Napabangon ako sa pagka taranta ko at sobrang kahihiyan. ‘Ninong uuwi na po ako. Naka-inom lang po Ninong. Uuwi na rin. Pasensya na po—” Nang lumapat ang isa kong paa sa sahig, ah biglang sumakit ang ulo ko, parang binibiyak kaya bigla na lang din akong natumba sa kama. “Huwag ka nang umuwi. Dito ka na lang matulog. Gabi na,” sabi ni Miguel habang inaalalayan ako. Alam kong nag-aalala siya sa akin. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa sakit. Wala akong magawa kundi ang manatili sa kama at humiga na lang. ”Pero baka hanapin ako ni Nanay at Tatay. Papagalitan ako ng mga yon.” Alam kong bukas pa nila malalaman na hindi ako umuwi kinagabihan dahil wala naman silang pakialam sa akin. At kung malaman na nila, siguradong hindi lang pagalit ang gagawin nila sa akin kundi gaya ng palagi nilang ginagawa– ang bugbugin ako. Ok lang naman, hindi na iba yun sa akin. Sanay na ako. “Dito ka na matulog inaanak. Sabihin ko na lang kay Pareng Sammy Boy at Mareng Ana na dito na kita pinatulog,” sabi ni Ninong Ardy at sinara ang pinto. Buti naman at umalis na siya dahil parang matutunaw na ako sa kahihiyan. Bakit naman kasi nahuli pa kami ni Ninong. Parang wala na akong mukhang ihaharap sa kanya bukas. Ah bahala na, bukas ko na lang iisipin at poproblemahin ang mga bagay na yan. Parang gusto ko nang pagsisihan na uminom ako ng alak. Ayoko na maglasing. Pero ang sarap lang sa pakiramdam na nasabi ko kay Miguel ang mga gusto kong sabihin na hindi ko masasabi kung nasa katinuan ako. Nanatiling pikit ang mga mata ko dahil masakit pa rin ang ulo ko. Narinig ko ang yabag ng paa ni Miguel papuntang pintuan. Pinatay niya pala ang ilaw. Kumabog ang dibdib ko, dalawa na nga lang pala kami ni Miguel ngayon sa kwarto niya. Tanging kami lang at tahimik. Napalunok pa ako nang papalapit na siya. Pero inaabangan ko ang paglundo ng kama pero ilang segundo na ay wala pa rin siya sa tabi ko. Napabuga ako ng hangin, dun pala siya sa sahig humiga. Ramdam ko ang pag hubad niya ng kanyang damit. Naiinitan yata siya dahil hindi umaabot sa sahig ang electric fan. “Pahingi ng unan, Frenzy,” sabi niya sa akin. Hindi ko siya sinunod. “Dito ka na lang sa tabi ko. Kama mo naman to. Nakakahiya naman sayo, nakikitulog na nga lang ako eh. Makaka abala pa ako–” “Ako nagdala sa’yo sa kwarto ko. At kahit kailan hindi ka naging abala sa akin.” “Sige na, dito ka na, malalamigan ang likod mo, sahig yan eh.” “Sige na, huwag mo kong pilitin. Baka hindi ko na mapigilan sarili ko…” Hindi ko na siya pinilit. Nakaramdam din kasi ako ng kaba. Mukhang iniiwasan niya talaga ako. Kaya binigyan ko na siya ng unan at kumot na rin. Natulog na rin ako dahil anong oras na, madaling araw na at konting oras na lang ay mag uumaga na. Hindi ko alam kung paano uuwi nang hindi ako bubugbugin nila nanay at tatay. Ah bahala na. Napabangon ako nang dumampi ang mainit na sinag ng araw sa aking balat. Umaga na pala. Kahit pa pamungay pungay ang mga mata ko at parang may lindol dahil umiikot pa ang paligid, pinilit kong tumayo. Naalala ko kasi na nag lasing ako at dinala ako ni Miguel sa kwarto niya at sa kalagitnaan ng gabi ay nahuli kami ni Ninong Ardy na naghahalikan ni Miguel. Aruy naku naman, ang dami palang nangyari kahapon dahil sa kalasingan ko, Kasalanan talaga ng alak. Pag tayo ko ay hindi ko na makita si Miguel sa sahig kung saan siya humiga para matulog. Nag madali na akong lumabas ng kwarto dahil kailangan ko nang umuwi. Bubuksan ko na sana ang pinto nang bigla itong bumukas at bumungad si Miguel. ‘Kain tayo. Naka handa na ang almu—” hindi niya na natuloy ang sasaibihin dahil napatingin siya sa aking dibdib. Ako rin, napatingin bigla sa dibdib ko, aruy! Tinanggal nga pala ni Miguel ang butones ng uniporme ko kagabi kaya nakaladlad ang cleavage ko. Nakakahiya dahil malaki pa naman ang hinaharap ko. Napatalikod agad ako at binutones ang bukas kong blouse ‘Ah sorry… Miguel, uuwi na ako. Saka na lang ako mag aalmusal. Kailangan ko na kasi umuwi.” Hindi na ako pinigilan ni Miguel, batid kasi niya kung gaano kalupit ang mga magulang ko. Dali dali akong bumaba ng hagdan at sumalubong sa akin ang pagbati ni Ninong Ardy. “Good morning, inaanak. Kain tayo,” bati ni Ninong sa akin. Naalala ko bigla yung nahuli niya kami ni Miguel, bumalik ang lahat ng hiya sa katawan ko. ‘Hindi na po Ninong. Salamat po. Kailangan ko na talaga umalis. Bye po Ninong.” Halos patakbo na ang bawat hakbang ko at bago pa ako makalabas ng pinto ay naalala ko pang depensahan ang sarili ko. “Siya nga pala Ninong Ardy… Yung nakita niyo po kanina. Hindi ko po alam… lasing lang po ako pero wala po—-” Tumango lang si Ninong, parang gusto niyang sabihin na ‘ok lang yun inaanak. Naiintindihan ko.’ Ngumiti lang ako at yumuko at nagmadali nang mag suot ng sapatos. Ilang kembot lang naman ang layo ng bahay namin. Kaya ilang saglit lang ay nasa tapat na ako ng aming bakod. Hindi ko alintana ang mga nakaka salubong ko kahit pa masaya nila akong binabati. Sabado ngayon kaya nakakapag taka na nakasuot ako ng uniform, alam kong pag lampas ko ay uulanin ako ng tsismis pag talikod ko. Sino bang matinong babae ang uuwi ng umaga na? Siguradong may dagdag na naman sa kwento ng mga tsismosa kong kapitbahay, lalo pa at galing ako sa bahay nila Ninong Ardy. Hindi nga ako nagkamali, nasa tapat pa lang ako ng bakod ay nakita ko na ang nakakalat kong mga damit. Parang hinagis na lang basta basta. Tila nais ipahiwatig ni nanay na lumayas na ako sa pamamahay namin. Syempre saan naman ako pupunta? Magtatapos pa lang naman ako ng high school. Mabuti nga at sa dami ng absent at cutting classes ko ay sinama na ako ng adviser namin na maka graduate. Mabait kasi si Mrs. Dela Costa sa akin. Naki-usap ako sa kanya na isama na ako sa list of candidates sa graduation. Hinugot ko ang lahat ng sama ng loob, lungkot, at kung ano ano pang pwedeng hugutin sa kaloob-looban ko para maawa sa akin si Mrs. Dela Costa. Umiyak ako sa harapan niya at pinagbigyan naman niya ako basta sa huling kondisyon– hindi na ako mag cutting classes at dapat ay maipasa ko ang lahat ng final exam ko. Nakita naman kasi niya ang mga pasa ko sa katawan, minsan pa nga ay pumapasok ako na may black eye. Sinasabi niya sa akin na isumbong na namin sa barangay pero lumuhod pa ako sa kanya para makiusap na huwag niyang gagawin, magbabago pa ang tatay at nanay ko. Kahit na sa sarili ko ay parang wala ng pag-asa. Basta lang ayoko siyang magsumbong sa barangay. Pero kahit naman maka graduate ako ay wala pa ring pakialam sila nanay at tatay, ang gusto lang nila ay ganito- palayasin sa bahay. Pero 17 pa lang ako, menor, kahit anong gawin nila, hindi ako aalis ng bahay dahil responsibilidad ako ni Nanay dahil kahit papaano ay anak niya pa rin ako. Karapatan ko ang manirahan sa bahay. Kaya pinulot ko isa-isa ang mga damit na nagkalat sa labas ng bakod. Kahit nakakahiya ay ginawa ko na rin, mas nakakahiya kasi kung hahayaan ko na lang na nagkalat ito sa labas. Habang pinupulot ko isa-isa ang mga nagkalat na damit, nakita ko si Nanay sa tapat ng pintuan at naka pamewang at simangot. Nasa tabi niya si tatay at naka kuyom ang kanyang kamao. Alam ko na ang susunod na mangyayari kaya hinanda ko na ang mukha ko sa lilipad niyang kamao. ‘Putang ina talaga nitong bata na ’to. Palala ka na nang palala! Hindi ka na nahiya sa mga kapitbahay. Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan!” sigaw ni Nanay. Pumulot din siya ng mga damit ko, hindi para tulungan ako kundi para ihagis sa pagmumukha ko. Hindi pa siya nakuntento at pati ang card ko ay hinagis niya rin sa akin. “Anak ka na— Bobo ka na nga, ang tamad mo pang mag-aral. Huwag ka na ngang mag-aral na hayup ka! Mag pokpok ka na lang para kahit papaano ay may bayad ang pakangkang mo at may maabot ka sa amin!” Napayuko na lang ako dahil ang sagwa ng mga pinagsasabi ni Nanay, nakaka hiya talaga sa mga kapitbahay. Kahit pa sanay na ako sa mga pagbubunganga niya pati na rin ang mga kapitbahay ay sanay na mga masasakit na salitang binabato sa akin pero ngayon ay malala na talaga. Agaw eksena na sa buong barangay. Tumulo na ang luha ko, sana pala ay hindi na talaga ako umuwi. Pero wala na akong panahon na mag drama pa dahil bigla na lang lumipad sa pisngi ko ang kamao ni Tatay. Hindi pa nga ako nakaka recover sa hangover ko ay isang sakit ng ulo na naman ang dumapo sa akin. Naalog ang ulo ko kaya nabitawan ko ang mga buhat kong damit. pagkatapos ay napahiga ako sa lupa. Lumuhod si Tatay at hinablot niya ang buhok ko hilo pa ako sa suntok niya kung susuntukin niya ako ulit ay gawin niya na para isang sakit na lang. Naririnig ko na ang sigawan ng mga kapitbahay, ang matining na boses ni Aling Debby ay parang naririnig ko. “Hoy Sammy Boy! Aaaaayyyy maawa ka sa anak mo hoyyyy!” Pati si Aling Toyang ay naririnig ko na rin. “Ano ba! Ay magsitawag na ng barangay at hindi na maawat si Sammy Boy!” Pumikit na lang ako dahil ramdam ko na ang pagtulo ng dugo sa ilong ko. Bahala na si Batman. “Kumpare, bitawan mo si Frenzy.” Pamilyar ang boses na yun. Pero wala na akong lakas para imulat ko ang aking mga mata. Kilala ko naman kung sino siya. Salamat po at dumating ka. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER. Mag comment naman po kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD