43. Chapter MIGUEL POV Nang makita namin ni Frenzy ang batis, para akong bumalik sa pagka-bata. Naalala ko ang mga ngiti ni Frenzy pag magkasama kami. Ang dami na niyang pinagdaanan kahit pa noong bata pa siya. Pero kapag magkasama kami ay palagi siyang naka-ngiti. Gusto ko ulit makita ang matamis na ngiti na yun. Kaya niyaya ko si Frenzy sa natuklasan kong batis. Napakaganda, payapa, tamang tama para maibsan ang pagdadalamhati. Nagtampisaw agad ako sa tubig at sakto lang ang lalim at lamig kaya yayayain kong maki-tampisaw si Frenzy. Nang nilahad ko na ang kamay ko sa kanyang harapan para siya patayuin, hinila niya ito at na-out balance ako. Muntik ko na siyang madaganan, mabuti na lang at nasubsob lang ang mukha ko sa kanyang malusog na dibdib. Mabigat pa naman ako dahil bukod sa pag

