32. Chapter FRENZY POV Ang daming nangyari sa loob ng dalawang taon ko sa college. Pero sa dalawang taon na yun, sina Aya at Tom lang ang palagi kong kasama. Hindi ko inaasahan na isang araw ay dadalawin ako ni Tom sa bahay. Nakakahiya talaga dahil nadatnan pa ni Tom ang magulo kong buhay. Nai-kwento ko naman sa kanila ni Aya ang sitwasyon ko at mga pangkaraniwang ganap sa bahay namin. Mabuti naman at tinanggap siya ni Nanay ng maayos. Sa gwapo at porma ba naman ni Tom ay makalaglag panga talaga. Siguradong magiging usap-usapan na naman ako sa barangay namin at baka makarating kay Ninong Ardy at hihigpitan na naman niya ako. “Ano baga ang sadya mo dine, Hijo? Manliligaw ka ba?” diretso ang tanong ni Nanay. Napayuko tuloy ako, nakakahiya kay Tom. “Opo sana.” Napamulat ako ng mata

