33. Chapter ARDY’S POV Dalawang taon na ang relasyon namin ni Frenzy. Kalat na sa buong barangay ang tungkol dito kahit pa anong tago namin, ika nga nila ‘pag may usok may sunog’. Sa dalawang taon ba naman, siguradong lilitaw ang lihim. Lalo pa at nasa lungga pa naman kami ng mga chismoso’t chismosa. Inaasahan ko naman na darating din ang araw na malalaman ng lahat ang relasyon namin at ang araw na susukuan na ako ni Frenzy dahil makakahanap na siya ng mas higit sa akin, yung bagay sa kanya. Yung maipagmamalaki niya sa buong mundo. Tanggap ko naman na dumating na ang araw na kinakatakutan ko pero hindi ko pa kayang mawala si Frenzy. Paano ko papakawalan ang babaeng muling nagpatibok ng aking puso. Nagparamdam sa akin ng kilig, para akong bumalik sa pagka binata. Binuhusan ko ng pagmam

