34. Chapter FRENZY POV Habang nasa waiting area kami ni Aya at Tom sa DNA center, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nangangatog ang mga binti ko, at may namumuo pang gabutil ng pawis sa aking noo. Malamig naman sa clinic pero para akong nile-litson sa loob ng de-aircon na silid. “Calm down, Izzy. Hindi ka naman bibitayin,” bulong ni Aya sa akin at hinawakan ang kamay ko para ako kalmahin. “Pero kasi—” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang tinawag na ng staff ang pangalan ko. “Frenzy Larios, ready na po mam ang result.” Agad na tumayo si Aya habang ako naman ay parang na-glue ang pwetan sa kinauupuan. Kinakabahan talaga ako. Mas nakaka-kaba pa ito kaysa sa reporting. “Izzy, come on. Result lang yan.” Hinila ni Aya ang kamay ko para ako makatayo. Nagpa-iwan naman sa upuan si

