29. Chapter

1234 Words

29. Chapter TOM POV Ako si Tomas Michael Villoria, 1st year college sa kursong Mechanical Engineering noong makilala namin si Frenzy. Ngayon ay 3rd year college na kaming tatlo nila Ayasha. Laki kaming Tarlac ng step sister ko na si Ayasha. Dumayo pa kami sa Bulacan para mag-aral sa isang hindi kilalang unibersidad para lang may hanaping tao. Ang Mama ko ay si Donya Sevilla at napangasawa niya si Don Ramon na ama naman ni Ayasha. Pero ang totoo niyan ay ampon lang si Aya. Kaya napakalayo ng koneksyon namin bilang pamilya. Hindi kami magka-dugo tanging sa papel lang kami tinuturing na magkapatid. Hindi naman siya galit sa akin at ganun din ako sa kanya. Maayos naman ang pakikitungo namin sa isa’t isa, iyon nga lang kakaiba ang ugali ni Aya. Gusto niya siya lagi ang pinapansin ni Papa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD