28. Chapter FRENZY POV “Ardy… kung gusto mo talaga na iwasan ko si Tom o kung sino mang lalaki, pakasalan mo ‘ko. Papakasalan mo ba ‘ko?” Seryoso kong tanong iyon kay Ninong kaya seryoso rin ang mukha niya. Palagi naman siyang seryoso pero si Ninong ay pala-ngiti, magaan ang kanyang awra kaya itong mga nakaraang araw, naninibago ako kay Ninong. Para talaga siyang boyfriend na puno ng insecurity at selos. Humiga si Ninong at bumuntong hininga. "Hindi kita pwedeng pakasalan." Nalungkot ako sa sinabi niya. Hindi niya ako mahal. Katawan ko lang talaga ang gusto niya. “Nag-aaral ka pa. Magtapos ka muna. Bata ka pa." Kahit papaano ay ngumiti ang puso ko. Siguro gusto muna niya akong maka-graduate. Pero bigla naman niyang binawi ang saya ko. "Bata ka pa, makakahanap ka pa ng iba. Kap

