2. chapter

1095 Words
2. Chapter Palagi na lang akong inaapi. Palaging sinasaktan ni nanay ang damdamin ko sa tuwing pinagsasalitaan niya ako ng masakit. Habang si tatay naman ay sinusuntok ako sa tuwing siya ay lasing. Naalala ko pa noong elementary pa lang ako, malungkot na ang buhay ko. Nadadala ko ito hanggang school. Ayoko sanang pumasok dahil binubully din ako doon. Nakayuko akong naglalakad papunta sa huling upuan sa klase. Tahimik lang, ayokong mapansin kasi gusto ko lang ng tahimik. Maingay na kasi sa bahay namin sa tuwing nag-aaway sina nanay at tatay. Kahit papaano sa school ay walang nananakit sa akin. Pero kahit anong gawin ko, para akong may magnet na hinihigop ang mga mata ng mga kaklase ko. Hindi ako makatakas sa mga tingin, sa mga bulong, sa mga tawa. Bakit ba hindi na lang buhay nila ang pakialaman nila? “Hoy, Frenzy! Mukha ka pa ring basahan kahit saan ka magpunta!” sigaw ng isang kaklase ko. Napapaligiran ako ng tawanan. Pilit kong tinatalikuran ang sakit. Hindi ko naman kasalanan kung hindi ako binibilhan ni nanay ng bagong uniform. Kahit anong laba ko ay hindi na puputi. Ayaw din ipagamit sa akin ni Nanay ang plantsa.masyado daw malaki ang kuryente, hindi naman daw ako ang nagbabayad. Hindi ko alam kung paano magtatago, kung paano makakaiwas sa mga masakit nilang sinasabi nasa sulok na nga ako ng classroom para hindi nila ako mapansin. “Nakakahiya ka!” sabi pa ni Brenda, kasabay ng malakas na halakhak. Akala nila wala lang ‘yon, na biro lang. Pero sa akin, ramdam ko ang bawat insulto, bumabaon sa pagkatao ko. Pakiramdam ko, parang unti-unti akong nawawala. Ang katawan ko ay nandito, pero parang wala akong halaga. Sila kasi ay may mapagmahal na pamilya. Alagang-alaga sila, hinahatid, bina baunan ng masarap na pagkain. Habang ako ay naglalakad lang at baong kinse pesos. Minsan, gusto kong sumagot, pero alam kong walang mangyayari. Kapag lumaban ako, tatawanan lang nila ako nang mas malakas, gagawan ng bagong dahilan para kutyain. Kaya natutunan ko na lang ang tumahimik. Sa bawat klase, sinasanay ko na lang ang sarili ko ganun talaga, hindi lahat ng gusto mo sa buhay ay makakamit mo. Tanggapin ang lahat. Tanggapin ang sakit. Mawawala rin naman na pag naglaon. Hindi gaya ng sa mismong mga magulang mo galing ang mga masasakit na salita. Pag-uwi ko, hindi pa rin tapos ang kalbaryo ko. Minsan, may bulong ng “adik” kapag nadaan ako sa kalye. Mga nag-iinumang tambay na tanghali pa lang ay mga lasing na at nanggugulo sa baranggay. Hay nako po, kailan kaya ako makaka-alis sa pisting buhay na ito. Pinili ko na lang maging manhid. Mas mabuti na ‘to kaysa sa poot na naghihintay sa akin sa bahay. Pagdating ko sa pinto, parang gusto kong bumalik na lang sa daan o sa eskwelahan. Pero wala akong mapuntahan. Naririnig ko na ang kalabog mula sa loob. Boses ni Tatay ko. Sigaw. Galit. "Frenzy! Nasaan ka?!" “Opo Tay! Eto na ‘Tay kakauwi lang po!” Pagpasok ko, nakikita ko na siya, hawak ang bote ng alak. Muli, hindi bago sa akin ang eksenang ito. “Putang inang bata ito. Kung saan saan nagpupunta! Banatan kita diyan eh!” “Sa school po ako galing Tay—-” “Gago ka! Sumasagot ka pa! Huwag ka nang mag-aral dahil bobo ka naman. Dito ka na lang sa bahay mag hugas maglaba para maysilbi ka!” sabay amba ng kanyang palad sa mukha ko, mabuti at hindi na niya naituloy pa dahil tinawag na siya ni Nanay para mananghalian. Ang mga kamay niyang dati'y inaasahan kong protektahan ako, ngayon, iyon din ang mga kamay na nagbibigay ng sakit. "Saan ka na naman galing, ha?!" tanong ni nanay. “Sa school po–” “Alas dose ang labasan niyo bakit alas dose y medya na eh ngayon ka lang naka-uwi? Diyaan lang naman ang eskwela! Yun anak ni Pinang kanina pa naka-uwi.” “Eh hatid-sundo po yun ni Aling Pinang. Sunduin mo rin kaya ako—” “Bastos na bata ire.” Bigla na lang akong sinampal ni nanay. Hindi ako nakaiwas sa mabigat niyang palad. Ramdam ko ang init ng kamay niya sa pisngi ko, pero hindi ako pwedeng umiyak. Bawal akong umiyak. Kung magpapakita ako ng kahinaan, lalo siyang magagalit. Kaya naman ako nahuli ng uwi ay dahil hinanap ko pa ang payong na tinago ng epal kong kaklase. Magagalit si nanay kapag umuwi akong hindi dala yun. Kahit ano yatang gawin ko ay hahanapan nila ako ng rason para sila magalit. "Pasaway ka talagang bata ka!!" sigaw niya habang hinihila ako sa braso. Tila ba paulit-ulit ang eksenang ito. Wala nang bago, pero hindi pa rin ako nasasanay. Gusto kong tumakbo, pero saan ako pupunta? Doon sana kina Miguel na kinakapatid ko, malapit lang ang bahay nila sa amin. Madalas nandoon ako dahil lola lang naman niya ang kasama niya dahil patay na ang kanyang mama at si Ninong Ardy na lang ang bumubuhay sa kanila at nag aalaga. Kaya lang Sa paaralan, tinuturing akong walang kwenta. Sa bahay, wala rin akong silbi. Saan ako pupunta? Wala nang ligtas na lugar para sa akin. Tila ba kahit saan ako pumunta, patuloy lang ang sakit, walang katapusan. Kaya mas gusto ko sa bahay nila Ninong Ardy kasi kahit papaano ay may kaibigan ako doon– si Miguel. Si Lola Nena naman ay para ko na rin Lola kaso mahina na siya, hirap na siya mag lakad kaya mabagal ang kilos niya. Madalas ay makakalimutin pa siya. Pero masarap siya magluto kaya gustong gusto kong pumupunta doon. Kaso marami akong lilinisin sa bahay namin at nagrerepack kasi kami ng bawang ni Nanay. Kami rin ang nag huhubad ng bawang kaya matrabaho. Sa sulok ng maliit na kwarto ko, yakap ko ang sarili ko, pilit iniisip kung paano ako makakatakas. Pero wala. Wala akong lakas. Wala akong magawa kundi tanggapin ang lahat. Gabi-gabi, bago ako matulog, tinatanong ko sa sarili ko, “Hanggang kailan kaya ako magtitiis?” Hanggang kailan kaya nila ako tatratuhin na para nilang anak? Kahit na huwag na nila akong bigyan ng kahit ano basta maramdaman ko lang sana kahit papaano ang pagmamahal ng mga magulang. Nalaman ko na lang isang araw kung bakit naging lasinggero si tatay at si nanay naman ay hindi ako inaalagaan at parang galit na galit siya sa akin palagi. Hindi ko inaaasahan na iyon pala ang dahilan. Ngayon alam ko na kung bakit… Napakasaklap naman ng aking buhay…MASAKIT, MAHAPDI ang sugat. ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD