3. Chapter
Kaya pala galit sa akin ang nanay at tatay ko sa hindi maipaliwanag na dahilan, ngayon ay alam ko na kung bakit. Isang araw habang ako ay nag mumukmok sa loob ng aking kwarto, kakatapos lang kasi ako bugbugin ni Tatay, narinig ko si Aling Toyang, kausap niya si Aling Debby na isa ring kasapi ng mga pulutong ng chismosa sa amin. Daig pa ang CCTV sa galing humagap att mag record ng pangyayari sa paligid. Nasa likod-bahay sila nag-uusap animo’y may meeting ng mga magulang sa PTA meeting. Dinikit ko ang tainga ko sa bintana upang lalo pa silang marinig.
“Ano ba naman yan Debby, bakit ganyan naman maltratuhin nung mag-asawa yung anak nila? Dapat isumbong na kay kapitan yan.”
“Huwag ka nang mangialam Toyang. Hayaan mo na’t di ka naman pinakeke-alamanan sa buhay mo Hanggang maritisan lang tayo pero di na natin sakop yan.”
“Ay kaawa-awang bata naman kasi. Parang hindi anak tratuhin. Kay ganda at kay bait pa namang bata ni Izzy,” sabi ni Aling Toyang na kailan lang nangupahan sa maliit na paupahan ni Aling Debby.
“Eh, hindi naman kasi talaga anak yan ni Sammy Boy.”
Nan Laki Ang Mga mata ko at napanganga sa gulat. Totoo ba ang narinig ko?
“Huy, marinig ka Debby.,”pabulong na sita ni Aling Toyang.
“Ay eh totoo naman Toyang. Kaya yan galit na galit si Sammy Boy sa bata na yan kasi anak yan ni Ana sa ibang lalaki!”
Lalong lumaki ang mga mata ko.
“Huy ang lakas ng boses mo! Hinaan mo lang at baka marinig ka ng kumpare mo,” saway ulit ni Aling Toyang.
“Ah eh sige, huwag ko na lang sabihin ang detalye—”
‘Ay ito naman si Debby nabiro lang naman eh. Pero anyari baga sa pamilya na yan?” usisa pa ni Aling Toyang. Gaya niya ay gusto ko rin malaman kung ano ang lihim ng aming pamilya. Baka sakaling maunawaan ko kung bakit ganun ang trato nila sa akin.
“Huy Toyang sinasabi ko sa’yo ha. Sa’yo ko lang sinabi ito,” sabi Ni Aling Debby at lalo kong dinikit ang tainga ko sa bintana dahil pahina na nang pahina ang bulungan nila.
“Alam mo kasi iyang si Ana ay kagandang bata dati. Kaya pati ang mga maligno ay nahumaling baga–”
“Ay ano ba naman yan Debbie, umayos ka nga sa kwento mo ah. Ako’y seryoso dine.”
“Ey Toyang naman seryoso baga ang kwento na to. Bahala kananga kung ayaw mong makinig–”
“Ay naman Debby ituloy baga. Hindi na sasabatDali na”
Maski man ako ay atat na atat na para malaman ang kwento ni Aling Debby, kung pwede lang lumabas na ng bintana ay ginawa ko na. Nakaka-inis ang kwentuhan nilang kay bagal-bagal.
“Ire na nga Toyang… Ang sabi sabi ng mga matatanda dine, eh natipuhan yan si Ana ng isang maligno kaya bao yan ikasal kay Sammy Boy ay ginalaw daw ng maligno si Ana, kayaayun nabuntis—”
“Aguy aguy aguy Debby!”
Napasimangot ako. Anong pinagsasabi ni Aling Debby? Anong klaseng kwento yun? Gusto nilang palabasin na isa akong anak ng maligno? Sa modernong panahon natin ay may naniniwala pa pala sa maligno.
“Ayun nga ay sabi sabi lang naman Toyang. Kasi biglang nabuntis si Ana bago makasal. Yun pala ay ginahasa ng hindi kilalang lalaki. Hindi na kilala kung sino. Isang palaisipan na lang hanggang ngayon kung sino ang lalaking yun o kung buhay pa ba ngayon?”
“Ay kaawa-awa naman pala ang sinapit ng pamilyang yan. Tsk tsk” sabi ni Aling Toyang.
‘Kaawa-awa baga ang bata. Hindi naman ginusto maging bastarda pero kung tratuhin ay parang hayup—”
Dito na tumulo ang luha na kanina pa gustong umagos mula sa aking mga mata. Sobrang sakit ng narinig ko. Magapon ko yun dinibdib.
Sa isang tahimik na hapon, ay nakaupo na lang ako sa harap ng aming bahay parang paulit ulit na narinig at bumubulong sa tainga ko ang matining na boses ni Aling Debby. Ako na lang yata sa buong barangay ang hindi nakaka-alam na isa lang pala akong anak sa labas. Bakit kaya lahat ay may alam na habang ako ay parang tanga na walang ka-alam alam? Pakiramdam ko ay tinalikuran ako ng buong mundo, wala akong kakampi. Para akong binagsakan ng langit. Para akong kinain ng lupa. Nasa kumunoy ng kalungkutan. Kaya pala… kaya pala mag-isa sa buhay kahit na may tinuturing naman akong mga magulang.
Sa una, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Niyakap ako ng isang masakit na katotohanan, ang katotohanan na ang buong pagkatao ko ay parang isang kasinungalingan. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na hindi totoo ang mga narinig ko, pero ang mga salitang iyon ay patuloy na bumabalik-balik sa isip ko parang isang sirang plaka.
Binalot ako ng matinding galit at kalungkutan. Sino kaya ang totoo kong ama? Paano kaya nagawang itago ito sa akin? bulong ko sa sarili na paulit ulit pero wala pa ring kasagutan. Nagsimulang umalab ang damdamin ko at sa isang iglap, naisipan kong kumuha ng kutsilyo. Gusto ko nang wakasan ang aking buhay. Pero naduduwag ako. Masyadong masakit pag natusok ako ng talim nito. Ganun din kapag magpapasagasa ako sa tren o tatalon sa building. Hindi ko alam kung paano mamama alam sa mundo nang hindi nasasaktan.
Gusto Ko sana ng baril pero wala naman kaming baril. Pati ang pagpapatiwakal ay pinoproblema ko. Hanggang may bumulong sa akin, alam kong masamang kunsenya ang bulong na yun. Hirap na hirap na ako sa buhay. Sana hindi na lang ako binuhay ng mga magulang ko. Hindi ko naman ginusto na mabuhay sa mundo, kung puro sakit, pasakit, at hapdi lang din naman ang mararamdaman ko araw-araw.
Tali…
Ito ang naisip ko. Siguro titiisin ko na lang ang hindi makhinga. Ilang minuto lang naman ito. At kung magtagumpay man ay magiging payapa na ako. Wala nang problemang poproblemahin. Wala ng sakit na iindahin. Wala ng biguan. Lahat wala na.
Kumuha ako ng upuan at tumuntong dito. Sinabit ko ang tali sa isang hook na nasa mababang kisame. Ilang beses kong binuhol para matibay. Sinukbit ko na sa aking leeg ang tali. Pumikit ako. Hindi ko maiwasan na magbalik-tanaw sa aking masalimuot na buhay. Tumulo ang luha ko. Isa lang ang masayang ala-ala na gumuhit sa aking isipan— ang kababata kong si Miguel.
“Frenzyyyyyy!!!!!!!!”
Nagulantang ako sa sigaw ni Nanay mula sa kusina kaya naut balance ako mula sa silya kaya naitulak ng paa ko ang silya at natumba ito. Hindi ko na maabot ng paa ko ang silya at nakapalibot na ang tali sa aking leeg. Sobrang sikip na ng tali sa leeg ko, para akong sinasakal…. Nauubusan na ko ng hininga… Pilit kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil hindi ko na magalaw ang aking dila. Parang lumuluwa na ang mga mata ko….
Tulong! Tulong! Sigaw ko sa isip ko. Ayaw ko pa palang mamatay Gusto ko pa ring mabuhay.
ABANGAN ANG SUSUNOD NA CHAPTER…ITUTULOY BA NI fRENZY ANG PAGPAPATIWAKAL? KUNG HINDI. PAANO O SINO KAYA ANG PIPIGIL SA KANYA? KUNG MERON MAN.