20. Chapter FRENZY POV Tumulo ang luha ko mabasa ang text ni Miguel. “Mahal kita Frenzy.” Iyon ang text niya sa akin nagpawasak sa aking puso. Tinipa ko ang keypad ko at sinulat ang “mahal din kita Miguel”. Pipindutin ko na sana ang “send” ngunit nagbago ang isip ko. Mas pinili kong pindutin ang “cancel”. Umiyak na lang ako nang umiyak. “Hindi ako karapat dapat sa’yo Miguel. Marumi akong babae.” Paulit-ulit ito sa isip ko. Labag na sa puso ko na gawin iyon ay alam kong ito ang dapat gawin. Pakawalan na siya, palayain para malaya na siyang mahanap ng babaeng karapdapat sa kanya. At kailanman ay hindi magiging ako yun. Kinabukasan ay pinuntahan ko ang tambayan nila Neri. Ang Tambayan nila ay sa isang bahay kubo sa gitna ng palayan. Pinadalhan ko ng mensahe si Neri sa Peysbuk at si

