Sofia
Isang simpleng bulaklaking lightgreen sleeveless na bestida lang ang suot ko. Hanggang itaas ng tuhod ko ang haba nito . Itinali ko ang kalahati ng aking buhok naglagay lang ako ng iilang nakalugay sa bandang pisngi ko. Naglagay na din ako ng kaunting powder at light red na lipstick.
Dalawang malilit na pearl ang hikaw at simpleng kulay silver na relo ang alahas na suot ko.Hindi pa nila alam na pupunta si Joseph wala akong lakas na magpaalam hindi ko din alam kung saan ako magsisimula.
Narinig kong dumating na ang dad kanina ,pero hindi na ako bumaba para batiin siya. Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan.
HIndi ko alam kung anung magiging reaksyon nila lalot nag iisang anak na babae ako.At ngayon bigla ko na lang ipapakilala ang boyfriend ko , na hindi marahil masasagi sa isip nila na si Joseph yun.
Walang ligawang nangyari,walang paramdam walang pagbisita nangyari sa amin pero bigla na lang magiging kami.Pathetic kung titingnan pero alam ko kung anung merun kami.
Napakagat labi ako at kinuha ang cellphone sa table . Kaagad kong hinanap ang number ni Joseph.Dinial ko ang numero niya para tawagan.
Nakadalawang ring pa ito bago nasagot ng boyfriend
Me:Babe where are you?nandito na si daddy.
Joseph:Im coming babe ...15 minutes nanjan na ko...
Me: hmmmm ok
Joseph:hey baby I know your nervous... Im here ok? iloveyou so much sofia.
Nahimigan siguro nito ang hindi mapakali sa boses ko. Pati paghinga ko ay napakalalim... napapikit ako ng mariin
Hawak ko pa din ang cellphone sa tenga ko.
Me:I love you too babe.Ill see you later.be safe ok?
Nagpaalam na ako sa kanya dahil kumakatok na ang Mom ko sa kwarto at tinawag na ako para magdinner. Eto kasi ang gusto ni Dad lagi kaming magkakasabay kumain kaya naisip ko na ganitong oras namin kakausapin ang parents ko.
"Sofia anak, kain na tayo" tawag ng Mom ko sa labas ng kwarto ko.
"yes Mom susunod po ako' sagot ko sa kanya.
Tumayo ako at muling tiningnan ang sarili sa salamin. Isang ikot pa ang ginawa ko at pinadaanan ng kamay ko ang akibg buhok at pinagpagpag ng kaunti ang laylayan ng bestida ko.Gusto kong magandang magandang ako sa paningin ni Joseph.
Isang malalim na paghinga ang ginawa ko at pumikit ng mariin.
Saka na ko lumabas sa kwarto at bumaba.
Naabutan kong nakaupo na si Mom at dad. Sa gitna si daddy ay sa right side naman niya nakaupo si mom. Hindi na din ako nagtaka na hindi ko makita ang kuya Brent .
" si kuya po"tanong ko sa kanila
" Gagabihin ang kuya mo kaya hindi siya makakasabay sa atin '' bungad ng mom niya sa kanya nakatalikod ito sa deriksyon niya ng sumagot ito kaya hindi nito nakita kaagad ang itsura niya.
Pero ang Dad niya ay nakasunod ang mata sa kanya.Tinanggal pa nito ang salamin para masigurado ang nakikita niya. Napauyoko ako at napakagat sa ibabang labi ko.
Nang makaupo ako ay nakangunot ang noo ni Mom ng makita ang itsura ko. Ang dad naman ay itinaas ang siko sa lamesa na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.
" Bat nakaayos ka yata ngayon may lakad ka ba anak" tanong ni Mom
"ahmmmm wala naman po mom ...mm-mmay bisita lang po ako mom---dad" nagkakanda utal pa ako pagkakasabi non.
Magsasalita pa sana ang mommy niya ng tumunog ang doorbell nila .
Muli ay parang hinugot pababa ang hininga ko. Kinuyom ko ang mga kamay...nanginginig ito at namamawis---bahagya ko itong pinadaan sa laylayan ng bestida ko. Alam kong namumula na ako hindi ako makatingin sa kanila. Kaya ako na nagpresintang salubungin ang nag doorbell na alam ko naman na si Joseph.Tatayo na sana ang mom niya ng inunahan niya na ito.
" Ako na po mom baka yan na po ang besita ko" hindi ko hinantay na sumagot pa sila at dali-dali na akong tumayo at lumabas ng dining.
Habang naglalakad ako panay ang pagpag ko ng bestida kahit alam ko naman na maayos naman , ganun din ang buhok ko.Pinasadahan ko ulit ito ng kamay
Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto. Tumampad sa akin napakagwapong mukha ng boyfriend ko sa tangakad nito na hanggang balikat niya lang ako ay talaga nakatanga ako dito.
Naka brown poloshirt at naka plane black pants ito. Naka casual black sneakers ito na bumagay din dito dahil sa tangkad nito pero lahat naman yata ng nakikita niyang suot nito ay lahat bagay. Mas lalo pa itong gumwapo sa paningin ko ngayon ang bango bango din nito---parang gusto ko ng lumabitin sa leeg nito at paghahalikan na ito .
May hawak din itong dalawang bouquet ng bulaklak ang isa ay mga pinaghalong red rose ,ladys mantle at silver dollar at ang isa naman ay pinaghalong daisy,baby breath at eucalyptus. Nakangiti itong nakatingin sa akin na hindi man nababakas ang kaba at takot na haharapin niya nag mga magulang ko.Samantalang ako ay kanina pa parang magbibreakdown sa sobrang kaba.
Kaagad nitong niyakap ang ang kaliwang kamay sa bewang ko at masuyong hinalikan ang mga labi ko. Ang mga kamay ko naman ay awtomatikong umakyat sa leeg nito para salubungin ang halik nito.
"good evening baby, are you alright ? masuyong tanong nito na halata nito ang hindi ko mapakaling awra.
''yes mejo kinakabahan lang ako" napahawak pa ko sa aking dibdib
"shh im here ok ... for you babe ...I love you" niyakap niya ulit nito at muling kinintalan ng halik sa labi.Inabot ko din ang bouquet ng roses na hawak niya
"thank you babe...come in" nilakihan ko ang awang ng main door namin para makapasok na siya sa loob.
Bitbit ang boouquet ay pinasiklop ko ang mga kamay ko sa harapan ko habang naglalakad kami papunta sa dining area. Si Joseph naman ay tahimik lang na nakasunod sa likod ko.
''Mom ...Dad si si Joseph po" agad na bungad ko sa kanilang dalawa.
"Good evening po Mrs Melendez... Sir Melendez" Pagbati din nito sa mga magulang naunang tumayo ang mommy ko inabot ang bulaklak na bigay niya dito saka ito humarap kay Daddyu para maghandshake dito.
Tila nagulat pa sila dahil hindi kaagad nakapag react ang dalawa.
Tinuro ko ang katabing upuan ko para sensyasan siya na doon umupo na agad naman nitong sinunod.Nakaupo na kami lahat nag magsalita ang daddy.
" So ikaw ba ang bisita ng unica hija namin Mr Lopez?" tanong ni Dad
"Yes Sir, I wanted to talk or may ipapaalam po sana ako sa inyo regarding po kay Sofia" sagot naman ni Joseph sumulyap kay mom bago kay dad .
Tumango-tango si Dad .
"Well before anything else i think mas maigi mag dinner na lang muna tayo" suhestyon ni Mom
Hindi din ako nakakain ng maayos dahil sa kaba. Ang dad at mom ko naman ay manaka nakang sinusulyapan si Joseph at minsan ay ako. Mayat maya ding hinahawakan at pinipisil ng binata sa mga kamay ko na nasa ilalim ng mesa. Kahit papanu ay napapawi nun ang kaba ko.
"What is this all abount Mr Lopez" panimula ni Dad katatapos lang naming kumain at pinalinis na ni Mom ang mesa .Merun na lng platito para dessert at baso ng tubig.
"Aakyat po sana ako ng ligaw kay Sofia Sir Melendez" wala man lang paligoy ligoy na sagot nito.Napasinghap din Mom ko nga banggitin kaagad ng binata ang salitang yun kay Dad.
" Im sorry Sir Melendez kung parang nakakabigla po ito ,but matagal ko na pong gusto si Sofia alam ko po na nagkaroon pa po kami ng hindi pagkakaintindihan ni Brent but I assure you Mia and I are not in relationship. Ang unica hija niyo po ang ihaharap ko sa altar" tuloy lang ang binata sa pagsasalita .
Napatingin ako dito ---ligaw---ligaw talaga eh---Manliligaw pa ba ang tawag dun eh ilang beses nan ngang may nangyari sa amin. Parang na nga kaming mag asawa kung tutuusin.
Ako parang kakapusin na ang hininga ko.
" Hindi ako sigurado Mr Lopez na ipagkakatiwala ko sayo ang unica hija ko ng basta basta. Alam mo naman siguro na reputasyon ng pamilya niyo ang unang priority ng pamilya mo.Panu mo poprotektahan si Sofia sa mga taong nakapaligid sayo? bahagya pang itinaas ni dad ang salamin .
"Paghihirapan ko po ito Sir .Ill prove to all of you kung gaanu ko kamahal si Sofia" at hinawakan nito ang mga kamay ko.
Tumahimik sandali ang Dad at tininganan ako .
"Well I guess hindi na kita kailangang tanungin Sofia kung payag ka or hindi na ligawan ka ng Mr Lopez na ito , just take care my princess Mr Lopez protect her at all cost" pahayag ni Dad.
Napangiti ako hinawakan ko ang kamay ng nobyo ko sa ilalim ng mesa at pinisil ito .Si mom naman ay nakangiti ding nakatingin sa amin.
Tumayo si Dad.
"I need to talk to you in private Mr Lopez .Would you mind? pahayag ni Dad
"My pleasure Mr Melendez" sumunod din ito kaagad.
Naglakad na ito palabas sa dining papunta library.Ang kasiyahan nadama ko kanina ay napawi din agad . Kinakabahan ako para nobyo baka anu masabi ni Dad at umatras ito!