Sofia
Tinulungan ko ayusin ang suot at buhok ng boyfriend ko.Yes! I can say na boyfriend ko na si Joseph. Sa kaisipang yun ay may kaba akong naramdaman alam kong may konting hindi pagkakaintindihan sila ni Kuya Brent and alam kong hindi magiging madali ito.
Pero mas lamang ang saya ng pakiramdamdam ko. Alam kong mahal ako ng Kuya Brent ko at maiintindihan niya at matatanggap niya kung anung meron kami ni Joseph.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Habang inaayos ko na ang necktie nito ng hinuli nito at dinala sa mga labi niya ang mga kamay ko.
"anung iniisip mo?' masuyo nitong tanong nga makita na parang ang lalim ng iniisip ko.Inabot ng kanang kamay niya ang mukha ko at inangat para matitigan ang mga mata ko.
"naisip ko lang ang kuya,hindi ko alam kung anong magiging reaction niya pati sila mom and dad ….pati yung family mo" tugon ko sa kanya.
"shhh ang importante tayong dalawa, importanteng nagkakaintindihan tayo" hinawakan nito ang mukha at kinintalan ng maliliit na halik.
"lets go?" hinawakan niya ang mga kamay ko at ginaya niya na ako palabas. Sa di kalayuan ay dinig na dinig ko ang musika na nangagaling sa event.Nagtataka na wala man lang nakapila ni isa sa comfort room ng mga babae kung saan kami lumabas ni Joseph.
Paglabas namin ay agad may lumapit sa amin at agad naman na inabotan ng cash si Joseph sa lalaking nakatayo sa di kaluyan . Nakasuot ito ng black long sleeve at may maliit na bow tie. Tantiya niya isa ito sa ga waiter naming sa event.
Namula ako sa isiping baka narinig niya ang ginawa namin ni Joseph sa loob ,napayuko na lang ako ng ulo at itinago ang sarili sa likod ng binata.Nagpasalama ito at umalis na kaagad.
Agad niyang hinanap ang mga kamay ko at naglakad na kami pabalik sa event. Hindi niya na binitiwan ang mga kamay ko kahit papasok na kami.
Ang lakas ng t***k ng puso ko , parang gusto nito magwala . Sa mga nakakasalubong pa lang namin ay marami na ang napapa taas ang kilay, ang iba ay parang nagulat pa at hindi makapaniwala .
Mejo nakaramdam ako ng hiya at takot kaya parang gusto kong paghiwalayin ang mga kamay namin pero hindi hinayaan ni Joseph at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa mga kamay ko.
Dahil sa madadaanan namin ang grupo nila kuya Brent ay mas lalo akong kinabahan. Nagpalinga linga ako at nakahinga ng maluwang ng matantong wala sa upuan niya ang si kuya. Nakita kong napailing at napapangiti si Kuya Alex na nakasunod ang tingin sa amin sa klase kasi ng tingin nito ay parang may alam ito tungkol sa amin. Hindi malabo dahil magpinsan ang mga ito at close din angdalawang ito. . Si Joseph naman ay seryoso lang ang mukha tumango lang siya sa mga kasamahan at dumiretso na kami sa table namin.
"Best????'' tanong ni Elle .Halatang nagugulat ito sa nakikita at hindi makapaniwala. Napanganga pa ito at kinusot ang mga mata at hindi inalis ang mata sa magkahawak kamay namin ni Joseph.
Naupo ako sa sa upuan katabi nito. Si Joseph naman ay tinapik ang co officer ko na walang salita na tumayo at lumipat ng upuan .Napailing na lang ako.
" what is the meaning of this best? usisa ni Elle na inilapit pa ang bibig sa tenga ko.
"best please... saka ko na ichichika sayo basta support mo na lang ako best please ...as of now enjoy na lang muna natin to" sagot ko sa kanya.
"well ... gwapo din naman yang Joseph and hot din...pero di ba ang suplado ng tingin mo jan ? sagot ni Elle na tinaasan pa ng ako kilay.
Napangiti na lang ako at napabaling ako sa direksyon ni Joseph nang ipatong nito ang mga kamay sa kamay ko na nasa hita ko.
"Lets dance babe'' aya niya sa akin.
Tumango ako at tumayo .Naglakad kami papunta sa gitna habang hawak niya ako sa likod ng aking bewang.Sobrang kilig na kilig ako.Hindi talaga maalis-alis ang ngiti ko sa labi.
Hinawakan niya ang magkabilang bewang ko ako naman ay sinabit ko ang dalawang kamay sa leeg niya .Nilapat ko ng patagilid ang mukha sa dibdib niya.Naramdaman ko na hinahalik halikan niya ang buhok ko .
"iloveyou babe" bulong niya sa malapit sa akin
" iloveyoutoo babe" sagot ko din sa kanya.
Natapos ang buong party na hindi ko na nakita ang Kuya Brent .Inisip ko na lang na baka nauna na din itong umuwi. Alam ko na nakita niya din kami kagabi ni Joseph at dahil ayaw din naman niya siguro makagulo kaya na imbes kokmprontahin kami ay umalis na lang ito.
I know Kuya Brent kahit anung galit nito ay hindi nito ipapahiya ang sarili at pamilya niya lalong lalo na ako.
Maghahating gabi na makauwi kami ng bahay . Si Elle ay sinabay na namin at binaba sa kanila bago ako hinatid ni Joseph.
This time ay hindi na sa kanto niya ako binababa sa halip ay sa harap mismo ng gate namin siya tumigil.
"Tulog na din ang mga tao sa bahay niyo baby, Ill be back tommorrow .Ill talk to your parents and Kuya Brent I want us to official as to my parents will wait pagbalik nila galing Spain" pahayag ni Joseph habang hinahawakan ang mga kamay ko dinala sa labi nito.
''hmmm are you sure about this?" sagot ko
" why ? I just want them to know that your mine ...only mine... I want everyone to know that youre my one and only girlfriend sofia" sersoyo ang mukha nitong nakatingin sa mga mata niya.
Napangiti na lang ako napayakap dito ng mahigpit dito.
Papasok na ako sa kwarto ng makasulubong ko ang kuya Brent.... hindi basta nakasalubong sinadya niya akong makasalubong.
"what is this all about Sofia? tanong niya kaagad sa akin.
"alam mo kung anung mayroon ang Joseph na yun with Mia bakit ka pumatol dun? anu pinilit ka ba niya ? binantaan ka ba niya? dagdag pa nito.
Pinilipit ko ang mga kamay ko na nasa harap ko.Hindi ako makatingin ng deretso sa mata ng Kuya.Alam ko na may mali din sa akin dahil nung nakaraang araw ko lang nasaksihan ang hindi nila pagkakaintindihan nij Joseph pero malalaman niyang may relasyon pala kami.
"Mahal ko siya kuya" tugon ko sa kanya na nakayuko dahil umalpas na naman ang luha ko. Mahal ko ang kuya ko pero mas matimbang ngayong ang nararamdaman ko kay Joseph. Ang laki ng tiwala ko kanya kailangan kong magtiwala kay Joseph dahil lahat lahat binigay ko na kanya.
Nag angat ako ng mukha
Nakapamewang na ito at iiling-iling na lang.Tumaas baba ang dibdib nito na halatang pinipigilan lang galit na masigawan ako.
"Mahal mo siya? eh siya mahal ka ba niya? balik niyang tanong sa akin.
"Oo sabi niya sa akin mahal niya ako, kuya please alam kong may hindi kayo pagkakaintindihan dahil sa Mia na yun pero wag mo siyang idamay "
Naglakas loob na akong sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya.
Itinaas nito ang mga kamay na pinapatigil ako.
"Marami ka pang hindi alam sofia, hindi lang ito tungkol kay Mia . HIndi mo pa alam kung anung kayang gawin ng pamilya nila sa pamilya natin oras na
malaman nila nakikipagrelasyon siya sa simpleng mga tao na katulad natin"
Umiling ako
" Hindi...hindi hahayaan ni Joseph yun Kuya, alam kong sapat ang pagmamahal niya akin para hayaang mangyari yun" pagtatangol ko Joseph.
Oo malaking tao...as in kilalang tao ang pamilya ni Joseph.Pero may tiwala ako na ipaglalaban niya ako...kami ...ang relasyon namin.
Nakita kong tumamlay ang balikay ni kuya brent. Makikita sa mukha at mga mata nito ang lungkot. Kung kanina ay galt ang makikita sa kanya ngayon ay parang nagmamakaawa at nanlumo na lang ito.
Ilang segundo din ang dumaan sa pagitan namin. Walang nagsasalita tanging huni ng malaking relos na nakasabit sa pagitan ng kwarto namin ang nangingibabaw.
" well then mukhang nakumbinsi ka ng malala ng gag*ng yun,wala naman akong magagawa pero dont expect me to treat him nicely dahil hinding-hindi ko siya matatanggap para sayo Sofia...hinding-hindi" paalala niya sa akin bago ako iniwan at pumasok sa kwarto niya.
Napahinga na lang ako ng malalim. Oo may parte ng utak ko na natatakot ako sa magiging reaksyon ng pamilya namin lalong lalo na ng pamilya niya. Ang mga banta ng Kuya niya ay parang tinatamaan ang sistema ko ngayon.
Panu kong hindi ako matanggap ng pamilya niya...panu kong paghiwalayin nila kami....paanu ako?sa kaisipang yung kumakabog ang dibdib ko ...ang isiping mahihiwalay ako kanya ay bumibigat ang nararamdaman ko. Nakaka panibago....nakakatanga...nakakalula...ganito pala pag nagmahal ka.
Lahat ng emosyon mararamdaman mo mapag dadaanan mo... at walang kang ibang panghahawakan kundi ang pagmamahal na mayroon kayong dalawa.
Napapikit ako ng mariin at pumasok sa loob ng kwarto ko. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko.
Ipinatong ko ang bag sa side table ng aking kama. Umilaw ang cellphone ko . Agad ko itong binuksan ng makita ang text ni Joseph.
Joseph: Goodnight babe.Ill see you tommorrow.Iloveyou
Napangiti ako . Eto na lang ang nagpapagaan ng loob ko...nagpapasaya...
Me:alright...goodnight too baby.Iloveyoutoo
Pagkatapos ko masend ang reply ko sa kanya ay tinitigan ko ang home screen ng telepono ko. Picture namin dalawa... Nakayakap ang mga kanang kamay niya sa aking bewang,magkadidkit ang aming katawan ang likod ko ay nakasandig sa harapan niya .
Pareho kaming nakangiti sa litrato na sinadyang pinakuha niya kanina kay Elle.
Kitang-kita ang kislap sa mga mata namin... Hinawakan ko ang mukha niya sa screen. Hindi ko alam pero parang binundol ako ng kakaiba.
Hmmmmp baka kailangan ko na magpahinga ...pagod lang siguro ako.