Chapter 7

1472 Words
Chapter 7 Nakatulog na ako ng gabing yun ng walang konkretong desisyon kung itutuloy ko pa ang relasyong merun kami ni Joseph. Maaga akong bumangon dahil sa event na inorganize naming.Kailangang mas maaga kami duon para sa reblocking. Dahil mugtong mugto ang mata ay nagsuot na lang ako ng shades at pilit kong inayos ang sarili ko. Bitbit ang aking mga gamit pati na ang gown na gagamitin ko mamayang gabi. Pababa na ako ng hagdan ng makasulubong ko si mommy na nakabihis na din. “Good morning anak alis ka na ba?.Isasabay kana namin ng daddy mo kunin ko lang ang gamit ko sa kwarto ”sinundan pa niya ako ng tingin ng makitang nakashades pa ako.Pero dere-deretso lang ako hindi ko na binigyan ng pagkakataon na magtanong pa si mommy. “yes mom,madami kasi akong dadalhin na gamit,good morning dad” sagot ko at dumiretso na sa sala.Naabutan ko ang daddy na nakaupo at nagbabasa ng newspaper. “good morning princess’’ bati ng dad ko sa akin naupo ako sa katabi nito at chineck ang mga gamit ko kung kumpleto na at wala ng naiwan . “are you okay princess? “ my dad ask…napansin din siguro nito na ang aga kong naka shades. ‘’Yes dad mag uumaga na kasi kanina ako natulog dad tinapos at pinulido ko kasi yung program para mamaya” pagdadahilan ko pa. Hindi na din nagtanong ang dad at nagpasalamat ako ng makababa na ang mommy. “hindi ka ba kakain muna sofia? Tanong ni mom ‘’hindi na po sa hotel na po madami pa po kasi kaming kailangang tapusin doon doon na lang po ako kakain” “hmm ok” sang ayon na lang ni mommy. Habang nasa byahe ay tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan nilang dalawa. Panay ang text sa akin ni Elle kung nasaan na ko . Elle:where are you na best? Me: im coming ,malapit na ako sumabay na ko kila daddy. Elle :alright,ill see you later 😊 Napangiti na nagtataka ako sa inasal ni Elle ang aga naman yata na good mood tong best friend ko. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mata.Ngayong araw na to mag papakabusy ako hindi kita iisipin Joseph ayoko kita isipin . Nakailang text at tawag pa ito kagabi pero hindi na talaga sinagot . Pinatay ko na lang ang telepono ko kagabi para hindi na ako matukso na kausapin ito dahil sigurado akong bibigay na naman ako . Pagdating ko sa hotel ay nagmamadali akong naglakad papunta sa hall kung saan gaganapin ang event. Sa entrance pa lang ay naulingan ko ng nagkakagulo ang ilang student officers.Hindi ko agad nakita ang nangyayari sa loob dahil natatakpan ito ng kurtina nang biglang bumukas ang ito at lumabas si Elle na nagtitili ng makita ako. “best hali ka rito bilis” kaagad niya akong hinawakan sa kamay at ginaya papasok. Nagulat pa ko sa nadatnan. Nandon ang varsity team ng school . Nag kakagulo ang estudyante hindi sumagi sa isip ko na kasama pala sila sa program . Hindi magkamayaw ang mga babaeng junior officers, kinikilig na hindi maintindihan. Hinanap ng mata ko si Joseph. Shit! bat ko pa siya hinahanap eh kailangan ko na siyang iwasan di ba saway ng utak ko. Kumapit sa braso ko si Elle. “best ang gwapo talaga ni alex best” kilig na kilig ang luka…yes pareho talaga kaming crush si Alex nung una –dahil iba na ngayon --- buong buong atensyon at pag-ibig talaga ang nararamdaman ko ngayon kay Joseph. Mejo nadismaya ako ng hindi ko makita ni anino nito.Kahit sinasabi ng utak ko hindi ko na siya dapat hanapin ay hindi ko talaga mapigilan na hanapin ang presensya ng binata. Nagpalinga linga para masiguradong wala nga ang binata sa paligid . Naisipan ko na din buhayin ang telepono ko.Wala na din ako natanggap na text at tawag mula sa kanya. Alas 6 nag hapon ay nag aayos na kami para sa pag uumpisa ng program. Nakasuot ako ng black spaggeti strap gown na may mejo malalim ang uka sa likod kaya naman mejo daring ang dating, sa harap ay merung maliliit na black beads na naka sweetheart neck line pinarisan ko lang ito ng perlas na hikaw at silver na bracelet ang buhok ko naman ay nakalugay lang na bahagyang kinulot . Hindi ko man aminin ay hinahanap ko si Joseph .Dumating na din kanina ang kuya brent ko .Kinumusta niya lang ako at agad na din nagpunta sa mga kateam niya. Nakabihis na din kaming lahat at mag uumpisa na ang program. Isang palakpakan ang pumuno sa loob ng event nag mag umpisa nang pumailalim ang musika. Kahit walang gana ay pinilit ko pa rin ang sarili kongi enjoy ang gabi pero parte ng utak ko na umaasa na darating si Joseph. Maya pa isang love song ang isinilang . Kinalabit ako ni Elle. “best si Alex” bulong niya sa akin Napaangat ako ng mata ng makita si Alex na papunta sa table namin. “hi Sofia can I have this dance with you? hindi kaagad ako nakapagsalita napanganga pa ako sa gulat . Hindi ko inaasahan na aayain ako ni Kuya Alex—yes kuya alex na siya ngayon sa akin. Hindi pa ko nakakaimik at tinulak na ako ni Elle palapit kanya--- “Enjoy beshie” sabi ni eElle na talaga tinaboy na ako at parang kilig na kilig. Napatingin ako sa mga katabing table naming at nang mapansing napapatingin na din sila. Kung marahil walang namamagitan ni Joseph at baka naglulupasay na ako at walang pag aalangan na umuoo.Ikaw ba naman na ayain ng isang Alexander Araneta. Nang makarating na kami sa gitna ay hinawakan niya ako sa bewang .Itinaas ko ang mga kamay at ipinatong sa balikat niya. Nagpalinga linga ako ng parang maramdaman kong parang may nakatitig sa akin. “looking for someone? tanong ni kuya alex na tila nararamdaman niyang parang may hinahanap at hindi ako mapalagay. “ahmm wala naman po hinahanap ko lang yung mga kasama ko sa table” sagot ko kanya. “ congratulations by the way , you and your team did a great job very successful and smooth lang ng flow ng buong event, im impress oh not only but the whole faculty” bulong nito sa akin dahil sa lakas ng sound ay hindi kami magkarinigan . ‘’Talaga po,thank you po, yes po ilang gabi din naming plinano at pinulido lahat lahat ng to” napangiti na din ako ng sa wakas ay naappreciate nila ang ginawa naming. “ proud na proud pa ang kuya mo ,talagang pinagmamalaki at pinag kalat niyang kapatid niya ang nag ayos nitong lahat’’ dagdag pa ni kuya alex. Napatawa na lang din ako. “si kuya talaga” sagot ko na lang sa kanya . Marami pa kaming nagpag usapan ni kuya ni alex pero iyon ay tungkol na sa school.n Nang matapos ang kanta at hinatid niya ako sa table namin.Habang naglalakad ay hindi pa rin ako mapakali ramdam ko talaga na may mariing nakasunod ang mata sa bawat galaw ko pero wala akong makita . Marami na din ako nainom na wine at nakaramdam na ako ng pag iihi sandali akong nagpaalam sa mga kasama ko sa mesa para mag cr. May ilan akong nakakasalubong at nakakasabay na palabas at paloob ng ladies comfort room. Mejo may kalayuan ito sa event area na pinagdadausan ng program . May nakasabay pa akong 2 student officers sa pila. Ako ang pinakahuling pumasok. Nag umpisa na akong magbawas. Inaayos ko na muna ang suot kong black gown . Paglabas ko ng cubicle ay ganun na lang gulat ko ng makita si Joseph. Naka black suite ito na pinaresan ng dark gray na necktie hindi nakabutones ang suot nito. Hindi din nakaayos ang buhok nito. Naka krus ang dalawang braso nito sa dibdib at taimtim na nakakatitig sa akin. Nilinga ko ang pinto sarado ito . Wala na din akong naririnig sa magkabilang cubicle. Napalunok ako huminga ako ng malalim at tinapatan ang titig niya. “Anung ginagawa mo dito, incase you didn’t know this is a ladies comfort room” kunwari aht galit pa ako. Hindi ito sumagot sa halip ay lumapit pa ito sa akin. Napa atras ako pabalik sa loob ng cubicle. Hinawakan niya ako sa bewang ang isang kamay naman niya nilagay niya sa likod ko para mas lalo kaming magkalapit. Yakap-yakap niya na ako ng mahigpit sa loob ng cubicle. Pinipilit ko itong itulak pero hindi man lang ito natinag. Inamoy nito ang buhok iniiwanan niya din ito ng maliliit na halik papunta sa leeg ko.Napapikit ako tinatraydor na naman ako ng sariling katawan ko. “lets talk baby please…. Please…” pagsusumamo nito ,ramdam na ramdam ko ang bigat sa bawat salita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD