Sofia
Pagkatapos ng mainit na session namin sa kotse ni Joseph ay kaagad na din kaming nag ayos ng tumawag si mom.Tinatanong niya kung nasaan na ako at papasundo pa sana niya ako sa Kuya Brent pero tinanggihan ko ,sinabi ko na lang na nadaanan ako ni kuya Joseph...yes kuya Joseph talaga...na nagpresenta itong ihatid siya since mejo mahirap makahanap ng taxi.
Habang nasa sasakyan pa kami ay panay ang hawak nito sa kamay ko hinahalik halikan niya pa ito.
Akon naman ay kinikilig ng sobra paminsan minsan ay niyayakap ko din ang braso niya .Gustong gusto ko talaga ang init na nanggagaling sa katawan ng binata.
Tumawag ulit si mommy at nagbilin na din ang mommy niya na sa bahay na din magdinner si Joseph bilang ganti na din sa paghatid sa akin.
Bago ako bumaba ay inayos ko muna ang buhok.Nilugay ko na lang ito para matakpan ang pamumula na ginawa ni Joseph kanina.Pangiti-ngiti lang ito habang nakamasid sa akin na inirapan ko naman.
Nauna na ko bumaba.Bitbit ang mga gamit ko.Pumasok ako ng bahay inilagay ang mga dala ko center table ng sala. Dumiretso ako sa dining dahil naririnig ko na sila mom at dad nag uusap.
"Good evening mom and dad" humalik at nagmano muna ako sa kanilang dalawa.
"kuya"tumango ako at tumabi sa kanyang upuan .Mejo seryoso Ang mukha gg kuya.Si Joseph naman ay sinalubong ang mom ko at nakipagbeso dito lumapit din ito kay dad tumayo si dad at nakipagkamay sa kanya.
"Good evening po Mr and Mrs Melendez" bati niya sa dalawa. Tumango at tinapik niya si kuya Brent.
Nagtaka ako at parang wala sa mood ang kuya Brent ni hndi man lang ito tumayo.Para batiin ang barkada niya
"well then...nandito na tayo lahat let's eat" sabi ni mom.
Nagumpisa na kaming kumain may limang putahi inihanda si mom manaka nakay nag uusap sina dad at Joseph tungkol sa negosyo paminsan paminsan ay sumasali ang kuya niya.
Mas maraming tinatanong si dàddy kay Joseph lahat ay kung paanu pinapatakbo ng pamilya nila ang mga naglalakihang negosyo .Merun lamang kaming 1 restaurant ang Melendez Kuisine bukod dito ay may catering services din kami at isang bakery. Nasa 1/8 lang yata Ng negosyo nila ang merun kami.
Napatigil ako sa pagsubo ng biglang nagtanong ang daddy ko Joseph.
"do you have girlfriend hijo" tanong ng dad ko kanya.Napatigil ako sa paghinga ng hindi kaagad sumagot si Joseph.
"wala pa po tito sa ngayon mejo focus po muna ako sa dapat ko aralin at malaman sa pagmamanage gg negosyo ng pamilya" mahabang sagot ng binata
Napalunok ako tila may bumara sa lalamunan ko.Eto pala ang pakiramdam parang tinusok ang puso ko. Kung sana Joseph alam mo lang kung gaanu kita kamahal.Sana nararamdaman mo yun everytime ginagamit mo ang katawan ko at pinaparausan---mga katagang gusto kung sabihin sa kanya. Ang sakit pala gg walang label.
Nabaling ang pansin ko ng tumunog ang magaspang na pagbaba ni Kuya Brent ng kubyertos niya .
Inikot nito ang dila sa gilid ng labi na tima pinipigalan pa ang sarili na magsalita.Tumaas baba Ang dibdib nito na parang nagtitimpi pa. Sa huli hindi na ito napigilan angg lumabas sa mga bibig niya.
"How about Mia? Balita ko sumunod ka ng France? Sinundan mo pa talaga siya dun ha " natatawa pa nanggagalaiti Ang mga matang tinitigan si Joseph.
Napatingin ako kay Joseph.Pero Hindi mo man lang kakikitaan ng pagkagulat ang binata. Sumakit bigla ang ulo ko kung ganun kasama niya si Mia...nagkita sila ni Mia...anung pinag usapan nila...magkakabalikan ba sila? Nangilid Ang luha ko.
Mabuti na lang at wala akong katabi sa kanan kung Hindi ay makikita Ang pamamasa Ng mata ko.
"are we talking about Miarella Carter here?Tanong ni dad
"no other than " sagot ni kuya Brent na masama pa rin Ang tingin Kay Joseph
Hindi ako nag angat ng tingin sa kanila .Baka bigla na lang umalpas ang iyak ko.
Ang sakit-sakit ,nagnginig ang mga kamay ko binitawan ko ng kubyesrtos na hawak ko. Hindi ko na malasahan ang pagkain sa bibig ko.On my peripheral vision nakatitig sa akin si Joseph . Alam ko naman na wala akong karapatang magselos dahil wala kaming relasyon, hindi niya ako girlfriend ni hindi nga ako itinuring na kaibigang babae .
Mababang uri ng babae marahil ang tingin niya sa akin. Hindi katulad ni Mia mataas ang pinag aralan , mayaman na halos kalevel niya. Mas bagay nga talaga sila , kaya ba hindi niya to makalimutan kaya sinundan pa niya sa France para suyuin ito?
Hindi pa ba ko sapat sa kanya.Kulang pa ba ang pagbibigay ko ng sarili sa kanya kulang pa yung pagpayag ko na itago ang kung anung merun kami hindi kaya dahil ayaw niyang masaktan si Mia.
Panu ako? Wala na akong maipagmamalaki nakuha na niya lahat….lahat-lahat ng mayron ako ang pagkakababae ko ang buong pagkatao at higit sa lahat ang buong puso ko.
“I thought we talk about this Brent?” narinig kong sabat ng dad ko matamang tinitigan ni dad si kuya ,si mom naman ay hinawakan ang braso ni daddy.
Napaangat ako ng tingin. Anung bang merun sa Mia na yun at bakit parang kilalang ito ng pamilya ko. Anung kinalamlaln niya sa kuya Brent?
Pakiramdam ko ay nanlalaki na ang mga ulo ko.Ang daming katanungan sa isip ko.
‘’I guess nakarating na sayo ang balita Brent , but believe me hindi si Mia ang pakay ng pagpunta ko sa France” paliwanag ni Joseph.
“ That’s bullshit! Anu sasabihin mo naman na kagustuhan pa din ng daddy mo? Sabagay kahit kelan hindi ako magiging enough kay Mia,kayo ang bagay kasi pareho kayo ng estado, magkasundong -magkasundo ang mga magulang niyo kaya kahit alam mong mahal ko si Mia, Sinulot mo pa din” tumayo ang kuya brent sabay duro ni kay Joseph.
Napatayo na din si dad .
“ that’s enough brent, walang kinalaman si Mr Lopez sa desisyon kung paglayuin kayo ni Mia” sigaw ng daddy .
Tumayo na din mommy at ay hinawakan sa likod ang daddy.Samantalang ang walang hiyang Joseph ay nakaupo lang at tila walang pakialam sa galit ni Kuya .
“bakit dad? Alam ko na lahat kaya niyo gustong layuan ko si Mia dahil ginipit tayo nag pamilya niya. Anu alam mo walang akong maipagmamalaki kaya ang lakas ng loob mong gaguhin ako” galit ang makikita sa mga mata ni kuya.
“well I guess I have to leave sir Melendez” Tumayo na si Joseph at naglakad palabas ng dining kahit ramdam kong nakatitig siya sa akin ay hindi ako nag angat ng tingin.
So this is all abount Mia…nag aaway sila dahil kay Mia. Magagalit ba ako , maiinis ba ako pero hindi dapat dahil walang kami ni Joseph . Gulong gulo na ang isip ako.
Nagpaalam na akong mauuna akong umakyat.Tumango na lang si daddy at naupo ulit naupo din balik ang sa upuan ang kuya brent naulingan ko silang nag usap .Pero hindi ko na inintindi dahil sunod sunod na ang pagkawala ng luha ko. Pagpasok ng kwarto ay kaagad kumawala ang isang hikbi at kalaunay napahagulgol na ako ng iyak.
Napatigil ako ng makita kong umilaw ang telepono ko. Si Joseph ang tumatawag. Nakailang tawag pa ito pero parang Hindi ko kayang sagutin ito. Makalipas ang halos 30 minutong sunod-sunod na tawag niya .Tumigil din ito.
Pakiramdam ko ay awang-awa ako sa sarili ko.Pakiramdam ko naging patapon na ako.Umaasa ako na mamahalin niya din ako pabalik kahit alam kong wala itong kasiguraduhan umasa pa din ako ---Kahit alam ko may parte ng utak ko na nagsasabing impossible at ito na nga simampal na ako ng katotohanan na hindi ko kailanman mapapalitan si Mia sa puso niya.
Umilaw ulit ang telepono niya.A text message from Joseph
Joseph:baby please let's talk answer my call please.