Chief Alfonso Babor's POV SINULYAPAN ni Alfonso ang wristwatch na suot habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina. Kagagaling niya lang sa Archives Section dahil may itsinek siyang mga case files. He still had ten minutes before his meeting with someone. Napatigil si Alfonso sa paglalakad nang matanaw ang dalawang SCIU agent na ini-eskortan ang isang lalaking kriminal na nakaposas ang mga kamay. Siguro ay ita-transfer na ito. May kasalubong ang mga ito na isang SCIU security, kasunod nito ang isang lalaki. Magpapatuloy na sana si Alfonso sa paglalakad nang makita ang biglaang pagkawala ng kriminal na lalaki sa pagkakaposas nito. Mabilis ang naging pagkilos nito at nalapitan ang SCIU security na kasalubong. Iglap lang ay naagaw na ng kriminal ang baril na nakasabit sa holster ng securi

