“GENARO Sindac,” banggit ni Joshua sa pangalan ng lalaki na nakaupo sa likuran ng desk nito, nakataas pa ang paa sa mesa. Tiningnan niya ito, hawak-hawak ng binata ang isang papel kung saan naroroon ang mga nakuhang impormasyon ni Richard tungkol kay Genaro Sindac. Kanina pa silang nakabalik sa headquarters. “Fifty-five years old,” pagpapatuloy ni Joshua. “Widowed. Isa lang ang anak. He’s a janitor. A low-income person.” Kumunot ang noo nito. “He has one listed property—two hectares of land in Bulacan. Pero binenta na iyon three weeks ago.” “Why is that?” nagtatakang tanong ni Lizette. “Suspicious, right?” Tumaas ang isang sulok ng mga labi ni Joshua. “His daughter got expelled. He sold his only property. And for what? Walang nakalista na bagong property siyang binili.” “Baka para sa p

