IPINAKITA ni Lizette ang kanyang SCIU badge sa lalaking nagbukas sa kanila ng pinto ng apartment na tinutuluyan ni Angelica Sindac, base sa estudyanteng nakausap niya. “Nandito kami para magtanong ng ilang katanungan,” sabi niya. “Puwede ba kaming pumasok?” Nakita nila ang kaguluhan sa mukha ng lalaki pero pinapasok din naman sila. Dinala sila nito sa maliit na sala na may isang pahabang couch na medyo luma na. Maliit lang din ang apartment na iyon, wala gaanong mga gamit pero malinis. “Gusto sana naming makausap si Angelica Sindac,” aniya. “Nandito ba siya?” “Wala dito ang anak ko,” sagot ng lalaki. “Maupo muna kayo.” Naupo sila ni Joshua sa couch. Ang lalaki naman ay kumuha ng isang plastic chair at dinala sa tapat nila, doon naupo. “Kayo si?” “Genaro Sindac,” pagpapakilala nito. “

