NAKAUPO ngayon sina Lizette sa meeting table habang nagre-regroup. Katatapos niya lang i-report ang nalaman sa mga kaklase ni Sofia Mendoza.
“You go there with Joshua today,” sabi ni Kevin. “Sa bahay noong Angelica Sindac na tinutukoy nila.”
“Copy that.”
Tumikhim si Seth. “Tungkol naman kay Terre Limcao. Pinuntahan ko na ang pamilya ng teenager na namatay noong ibugaw niya, nakausap ko ang mga magulang ng bata. May-ari sila ng isang restaurant.” Tiningnan nito ang notepad na hawak. “Elizabeth Marsan. Iyon ang pangalan ng teenager na sapilitan daw na ibinugaw ni Limcao. Kinidnap niya ang bata at ibinenta sa mga customers. One of her customers accidentally killed Elizabeth. Nakita na lang ang katawan ng teenager sa isang hotel. Base raw sa imbestigasyon ng mga pulis, sa isang sadistic pedophile na foreigner ibinugaw ni Limcao si Elizabeth. Sinaktan ng foreigner ang bata. He choked her to death.”
Sandaling ipinikit ni Lizette ang mga mata. There were too many monsters in this world now. Wala na ang mga itong pakialam kahit inosenteng bata o walang kalaban-laban. Bigla ay naalala niya ang kanyang nakaraan. Kung hindi siya naging matatag noon at sinubukang tumakas, baka wala na rin siya ngayon.
“The case was closed,” dugtong pa ni Seth. “Nakulong ang pumatay kay Elizabeth. But Limcao got out with bail.”
“Ano ang sinabi ng mga magulang ni Elizabeth?” tanong ni Kevin. “Did they want revenge against Limcao?”
Umiling si Seth. “Sinabi nila na hindi nila magagawa iyon, para na rin kay Elizabeth. Kahit daw galit sila kay Limcao, hindi nila babahiran ng dugo ang kanilang mga kamay. Pero nagpasalamat daw sila noong mabalitaan na namatay si Limcao.”
“They should be mad at her,” singit naman ni Joshua. “Si Limcao ang puno’t dulo ng pagkawala ng anak nila.”
“Sinabihan din nila ako na huwag na silang idamay sa kaso dahil sinusubukan na nilang magbagong-buhay,” ani Seth. “May dalawa pa silang anak na kailangang protektahan.”
“Hindi dahil sinabi nila na hindi nila ginawa ay hindi na sila puwedeng pagsuspetsahan,” sabi ni Kevin. “May motibo sila. Let’s keep an eye on everyone around the victims who has motive. Makikita rin natin ang koneksiyon ng mga ito.”
Pagkatapos nila ay agad nang nilapitan ni Lizette si Joshua. “Tara na,” sabi niya.
“Hindi ba muna tayo magla-lunch?” ungot pa nito, hindi tumatayo.
Tiningnan niya ito ng masama. “Time is of essence, Joshua. Kailangan nating makausap si Angelica Sindac. Let’s grab lunch on the way.”
Lumaglag ang mga balikat ni Joshua pero wala na itong nagawa nang sapilitan niyang hilahin palabas ng opisina. This man was really lazy. He would be much better if he was not.
Nasa may parking lot na sila nang bawiin ni Joshua ang braso nito sa pagkakahawak niya. “We’ll use my ride,” sabi nito. Inabot ng binata ang kanyang kamay at hinila siya patungo sa kinapaparadahan ng Ducati nito.
Ibinaba ni Lizette ang tingin sa kamay nila. He had a strong grip. Hinayaan niya na lang ito at sumunod. She had gotten used to riding with him in his motorbike. Hindi pa naman sila naaaksidente kahit kaskasero ito.
Inabot sa kanya ng binata ang isang helmet na agad niyang isinuot. “Where to?” tanong ni Joshua bago sumakay sa motorbike.
“Ermita, Manila,” sagot niya, umangkas sa likuran nito.
“Alam mo ang daan?”
“Yes. Malapit lang sa Bonifacio Private School. I’ll guide you.” Mahusay siya sa pagtanda at pag-aral ng mga direksiyon.
“We’ll grab lunch after this, okay?” narinig pa niyang sabi nito.
Lizette rolled her eyes. “Fine.”
“Hold on tight, babe,” sabi pa ng binata.
Natigilan si Lizette sa sinabi nito pero hindi na naproseso ng kanyang utak nang mabilis na umandar ang motorbike. Mahigpit siyang napayakap sa baywang ni Joshua. Damn this man, really.