Episode 14.1

704 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo's POV LUMAPIT si Lizette sa kinauupuan ng dalawang high school students na babae sa canteen ng Bonifacio Private School. Kanina ay nakaabang lang siya sa labas ng classroom ng Grade 12 Section 1 at nakita nga ang paglabas ng mga estudyante doon para sa break time. Sinundan niya ang ilan sa mga ito. “Hi,” nakangiting bati niya sa dalawang estudyante. “Pwede ba akong maki-share ng table?” May nakita siyang pag-aalangan sa mukha ng dalawa pero pumayag din naman. Inilapag niya doon ang dalang cup ng coffee. “Mga students kayo ni Sir Duenas, right?” pagtatanong niya. Nang makita ang pagtataka sa mukha ng dalawa ay ipinakita niya sa mga ito ang SCIU badge. “Isa akong police officer at SCIU agent.” Bumahid na ang kaba sa mukha ng mga ito, parang gusto nang umalis sa pagkakaupo. “Huwag kayong matakot,” nakangiting sabi niya. “Magtatanong lang ako. Puwede ko bang malaman ang names ninyo?” Nagpakilala naman ang mga ito. “Wala po kaming alam sa pagkamatay ni Sir,” sabi ng isang dalagita na medyo payat—Carrie ang pangalan. “Hindi tungkol doon ang itatanong ko. It’s about one of your classmates.” Sandali siyang huminto. “Si Sofia Mendoza.” Nagsalubong ang mga kilay ng isang dalagita—the chubbier one with short hair—Wendy ang pangalan. “Si Sofia? Bakit po?” “Just curious about her.” Nagkibit-balikat pa siya. “Siya ba ang inaasahan na magiging valedictorian ninyo? Kumusta ang performance niya sa school? Narinig ko na mahusay na estudyante siya.” Nagkatinginan ang dalawang dalagita. “Siguro po,” sabi ni Wendy. “Mahusay naman si Sofia.” “Really?” Tumango-tango siya. So Sofia Mendoza was indeed a great student. “Pero hindi niya pa rin matalo sa exams at performance si Angelica noon,” sabi naman ni Carrie. “Si Angelica ang valedictorian dapat dahil lagi siyang nangunguna.” “Dapat?” ulit ni Lizette. “Hindi na ba siya nangunguna ngayon?” Umiling ang mga ito. “Na-expel siya last month,” sabi ni Carrie. Natigilan si Lizette. Expulsion. Last month? Naalala niya na ang huling email exchange nina Duenas at Mendoza ay mahigit isang buwan na. And those two were talking about a certain problem. Bakit biglang mae-expel ang isang estudyante na nangunguna sa klase? “Alam niyo ba kung bakit?” tanong niya. “Dahil nagnakaw siya ng mga pera ng classmates namin,” sagot ni Carrie. “Ilang araw din na sunod-sunod nawalan ng mga pera ang mga kaklase namin. Pati na rin gadgets. Nakita lahat `yon sa bag ni Angelica noong magsagawa ng bag checking.” “You both think she really did that?” Sandaling natahimik ang dalawa. Mayamaya ay umiling si Wendy. “Hindi ako naniniwala doon,” anito. “Matagal ko nang kaklase si Angelica. Oo, scholar lang siya dito dahil nga matalino siya, pero hindi ko maisip na magnanakaw siya ng pag-aari ng iba.” “May ebidensiya kaya kailangan nating maniwala,” sabi naman ni Carrie. “Nanakawan niya rin ako ng pera.” “Sino ang nagsagawa ng bag checking na iyon that time?” tanong pa ni Lizette. “Si Sir Duenas,” sagot ni Carrie. “May times ba na iniiwan niyo ang mga gamit ninyo?” Tumango ang mga ito. “Kapag P.E.,” sagot ni Wendy. “Iniiwan namin sa classroom. Naka-lock naman iyon at na kay Sir ang susi.” Ngumiti na lang siya. An expulsion of a great student in the middle of a semester. Theft. Bribery for the valedictorian spot. Now, this was a story. “Ano ang buong pangalan ng Angelica na tinutukoy ninyo? Alam niyo rin ba kung saan siya nakatira?” tanong ni Lizette. “Angelica Sindac,” sagot ni Wendy. “Malapit lang din dito ang bahay nila.” Sinabi nito sa kanya ang address. Nagpasalamat si Lizette sa mga ito bago umalis. Kailangan niyang bumalik sa headquarters para i-report ang nalaman. Pagkatapos ay pupuntahan nila ang bahay nitong si Angelica Sindac. This might be the third party they had been looking for. Ang may pinakamalaking motibo para patayin si Marcelo Duenas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD