Episode 13.3

845 Words
IMINULAT ni Lizette ang mga mata at na-realize na nakahilig ang ulo niya sa isang balikat. Nakaupo siya sa sahig, nakasandal sa dingding. Umayos siya ng upo at nakita si Kevin na katabi, gising na ito. Mabilis na napausod ng upo si Lizette nang maalala na naroroon pala sila sa opisina ng kanilang team. Hindi niya na namalayan na nakatulog siya. “I... I’m sorry,” natatarantang sabi niya. “Na-Nakatulog pala ako.” “Ako din.” Ngumiti si Kevin. “Hindi kita magising kaya hinayaan na muna kitang makatulog.” Pinamulahan siya ng mukha, nag-iwas ng tingin. Sinulyapan ni Lizette ang wristwatch na suot, nagulat pa nang makitang pasado alas-siete na ng umaga. Napatayo siya at inayos ang suot na damit. Pagod na pagod siguro talaga siya kaya dito na nakatulog. “U-Umaga na pala.” “Yeah.” Tumayo na rin si Kevin. “I fell asleep without knowing too. Hindi na tayo nakauwi.” Inayos ni Lizette ang magulong buhok. “Dadaan na lang ako sa condo ko mamaya para magpalit ng damit.” Napatingin sila ni Kevin sa pinto nang bumukas iyon. Nakita nila si Monica na pumasok sa loob. Nagulat pa ang dalaga pagkakita sa kanilang dalawa. “Na-Nandito na pala kayo,” sabi nito. Pinaglipat ni Monica ang tingin sa kanilang dalawa. Mukhang napansin nito na hindi pa sila nakakapagpalit ng damit. “Dito kayo... nagpalipas ng gabi?” Nataranta si Lizette. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Lalo na nang mapansin niya ang sakit na dumaan sa mga mata ni Monica. Nagyuko ito para maitago iyon. “Tinulungan... ko lang si Kevin sa reports,” pagdadahilan niya. “Nakatulog kami dahil sa pagod.” “Oh.” Tumango-tango si Monica. Tumingin na ito sa kanila, ngumiti. “May dala akong sandwiches,” sabi nito, itinaas ang paper bag na dala. “For breakfast. Naisip kong igawa na rin ang team kaninang umaga.” Lumakad ito patungo sa sariling desk pero hindi sinasalubong ang tingin nila. Napatingin si Lizette sa pinto nang pumasok naman doon si Joshua, naghihikab pa. Napatingin ito sa kanila, kumunot ang noo. “May naabala ba ako?” tanong ng lalaki. “I’ll... I’ll get coffee,” sabi ni Lizette. Nagmamadali siyang lumapit kay Joshua at hinawakan ito sa braso. “Samahan mo na ako.” “What?” tanong pa ni Joshua. Hindi na niya ito sinagot at hinila palabas ng opisina. Bakit ba siya nakakaramdam ng guilt? “Huwag mo akong kaladkarin,” reklamo pa ni Joshua, hinila ang braso sa pagkakahawak niya. “Kung gusto mong tumakas, huwag mo akong idamay. Inaantok pa ako.” Tiningnan niya ito ng masama. “Fine. Go back. Kaya ko na mag-isa.” Ngumisi ang lalaki. Sa halip na tumalikod ay sumunod pa rin ito sa kanya. “What happened back there?” pang-uusisa pa nito. “I felt a strange tension in the air a while ago. Nag-aagawan na ba kayo kay Kevin?” Naiinis na sinipa ni Lizette sa binti si Joshua. “Walang agawan. Hindi ako makikipag-agawan. I just admire Kevin, okay? If Monica likes him, then it’s okay. I’ll be happy for them. Ayaw kong makipag-agawan sa kaibigan ko dahil sa lalaki.” “If you like someone, you shouldn’t give up easily,” sabi pa ni Joshua. “Lalo kung hindi ka naman naninira ng relasyon. Hindi naman dahil kaibigan mo ay ibibigay mo na ang gusto mo sa kanya.” Naiinis na napabuga ng hininga si Lizette. Paano niya ba ipapaintindi dito? Hindi niya gustong makipag-agawan dahil admiration lang ang nararamdaman niya para kay Kevin. That was it. Kahit na ipinipilit ng isipan niya na si Kevin ang gustuhin, hindi naman niya basta-basta masusunod iyon. Tumigil si Lizette sa paglalakad. “Joshua.” “Alright, I’ll stop.” Itinaas pa nito ang dalawang kamay bilang pagsuko. “Ayokong masaktan nang ang aga-aga.” Napailing na lang siya. “Bakit ang aga mo ngayon?” The man was always tardy. Ano’ng nakain nito? “Gusto kong i-check ang status ni Cortes,” sagot nito. “Kung puwede ko pa siyang bugbugin uli.” Binatukan ni Lizette ang binata. “Don’t do that again, understand?” pagalit niya. “Gusto mo bang ma-suspend? Wala ka na ba talagang pag-aalala para sa sarili mo?” Naiinis na kiniskis ni Joshua ang batok. “You don’t do that again, woman.” Dinuro pa siya nito. “Sinabi ko na sa `yo na kapag sinaktan mo ako, gagantihan na kita.” Lizette put her chin up. “Do it. Puro ka naman salita, eh.” “Hindi mo `yon magugustuhan,” pagbabanta pa nito, sumeryoso na ang boses. Napalunok si Lizette. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan dahil sa tingin ni Joshua. Iniiwas niya na lang ang tingin dito. “Bastard,” she uttered before walking away. Hindi niya na uli ito pinansin kahit pa parang aso na nakabuntot sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD