Episode 2

2937 Words
Major Kevin Pascua’s POV NAKAMASID lang si Kevin sa mga kasamahan sa team habang umiinom ng beer. Ngayon lang uli sila nagkaroon ng oportunidad na mag-dinner ng sama-sama sa isang bahay dahil naging sobrang abala nila nitong nakaraang mga linggo. Too bad Richard was not here. Pero alam niyang mas importante na magbigay naman ng oras si Richard sa pamilya nito. Inilipat niya ang tingin kay Seth na kanina pa panay ang sulyap sa relo nito. “May date ka ba ngayon, Seth?” tanong niya. “Oh.” Napatingin sa kanya ang lalaki. “Wala naman. Ngayong gabi kasi ang balik nina Kylene from Japan. Gusto ko sanang salubungin sila sa airport. Pero dalawang oras pa naman.” “Then you should go,” payo niya. “Yeah, your woman should always be first,” sabad ni Joshua. “She’s... she’s not my woman,” parang natataranta pang sabi ni Seth. “Hindi pa ba?” tanong ni Joshua. “Ang bagal mo naman, pare. Si Erica Olivia na `yan, sunggaban mo na.” “Hindi... hindi ko gustong madaliin siya,” ani Seth, yumuko. “Gusto niyang bigyan ng time ang kapatid niya, ayaw kong agawin ang oras na `yon.” “Huwag mong pakinggan itong mga payo ni Joshua, Seth,” sabi naman ni Lizette. “Huwag mong pakinggan ang payo ng mga babaero.” Tiningnan nang masama ni Joshua si Lizette. Napailing na lang si Kevin. “You can do it slowly, Seth,” sabi niya. “Mukha namang gusto ka rin ni Kylene. Kilalanin n’yo muna ang isa’t isa.” Si Nina Kylene Silvestre ay nakilala nila sa unang kasong hinawakan ng kanilang team. Isa itong kilalang artista dito sa Pilipinas—Erica Olivia ang gamit nitong screename. “Hindi na ba siya babalik sa showbiz?” tanong naman ni Monica. “Hindi na raw,” sagot ni Seth. “Ilang beses ko na siyang nakausap tungkol diyan pero mukhang gusto na talaga niyang magkaroon uli ng ordinaryong buhay. Nakikita ko naman na masaya siya ngayon, lalo na kapag kasama niya si Katrina.” Ang tinutukoy nito ay ang kapatid ni Kylene. “Suportahan mo lang ang mga desisyon niya,” payo ni Lizette. “Mukha namang masaya ka rin, Seth, dahil madalas kayong nagkikita.” Nagkamot sa ulo si Seth pero makikita ang pilit na itinatagong ngiti. Masaya si Kevin para sa kaibigan. Alam niya na matagal na rin mula nang huli itong magkaroon ng girlfriend. Like him. Kailan pa ba siya huling magkaroon ng serious girlfriend? Noong nasa Army pa siya. He had a few flings back then too. Simula nang pumasok siya sa SCIU, parang nakalimutan na rin niyang tumingin sa mga babae. Nangingiti siyang napailing sa naisip. Balewala naman iyon sa kanya. He was enjoying his job here. Doon na lang muna siya magpo-focus. Napatingin siya kay Lizette nang makitang ibinato nito ang throw pillow sa kinauupuan ni Joshua. Nagtatalo na naman ang mga ito pero hindi niya alam kung tungkol saan. Kailan ba magkakasundo ang dalawang iyon? Sandaling napatitig si Kevin kay Lizette. Lizette was a beautiful woman—inside and out. She was strong and confident. Hinahangaan niya ito. At kung sakali man na magdesisyon siyang magbigay ng oras sa pakikipagrelasyon, si Lizette ang unang babae na popormahan niya. He liked her. But Kevin knew dating a co-worker was not a good idea. Imposible na hindi maapektuhan ng professional relationship nila kung sakali na magkaroon ng problema. “Are you okay?” Bumaling siya kay Monica. Mukhang nag-aalala ito habang nakatingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit. “Yes. Bakit mo natanong?” Sinulyapan nito ang kinauupuan ni Lizette. “Wala naman.” Ngumiti ito. “Are these your works, Monica?” narinig nilang tanong ni Seth. Sabay silang napatingin ni Monica sa kinauupuan ng lalaki. May hawak na itong isang sketch book. Mabilis na nilapitan ni Monica ang lalaki at inagaw ang sketch book. Dahil sa pagmamadali nito ay nahulog ang ilang papel na nakasingit sa sketch book. Tinulungan ni Kevin sa pagpulot ang dalaga. Tiningnan niya ang mga hawak na papel—mga drawings. Parang comics ang mga iyon. “Ikaw ang nag-drawing ng mga ito, Monica?” curious na tanong niya. Napayuko si Monica, namumula ang mukha. “H-hobby... hobby ko lang `yan.” “You’re making comics? Manga?” tanong ni Lizette na lumipat sa tabi ni Monica. Tiningnan nito ang mga papel na hawak ng dalaga. “Wow, you’re good.” Tama si Lizette. Those drawing were done well. Parang professional na ang gumawa ng mga iyon. “Gusto... gusto ko talagang mag-drawing,” nahihiya pang sabi ni Monica, pero inilapag na nito sa mesitang nasa gitna ang sketch book. Lahat sila ay tiningnan ang mga iyon. “Passion ko na simula pa noong bata ako.” “Bakit hindi ka nagtrabahong manga artist?” tanong ni Joshua. “Iyon ang plano ko noong nasa orphanage pa ako,” sagot ni Monica. “Pero simula nang ma-expose ako sa mundo, nakita ko na maraming bata ang katulad ko na ulila na rin pero hindi nadala sa mga ampunan. Hindi sila naturuan at nagabayan ng mga matatanda. Kaya `yong iba, lumaki sa lansangan, natutong gumawa ng masama. Naawa ako sa kanila. At thankful ako dahil kahit papaano, nadala ako sa isang maayos na ampunan, na nakapag-aral ako.” Nakatitig lang si Kevin kay Monica habang nagkukuwento ito. Hindi lahat ng mga batang lumaki sa orphanage ay katulad ni Monica. This woman was so positive despite being alone for a long time and he admired her for that. Dahil hindi katulad nila, ni minsan ay hindi naging parte ng isang pamilya si Monica. Ang orphanage lang na kinalakihan nito ang naging pamilya nito. No one adopted her. After leaving the orphanage, she did everything she could to survive in this world. “Nakita ko rin na maraming mga bata ang nagiging biktima ng mga kriminal, lalo na kung wala silang mga kapamilya,” pagpapatuloy ni Monica. “Maraming mga gumagamit sa kanila na sindikato para pagkakitaan. Gusto kong makatulong sa ibang kagaya ko. Sa mga kabataan. Gusto ko silang protektahan. At naisip ko na baka maprotektahan ko sila kung tutulong ako na maipakulong ang mga masasamang kriminal at makatulong na mapaayos ang mundong ito. Kaya pinili kong mag-aral na lang ng forensics. Masaya naman ako na iyon ang pinili ko. Masaya ako ngayon.” “But we can’t protect everyone,” singit naman ni Joshua. “May mga tao na natura na talaga ang pagiging kriminal. They’re called normal criminals. Mas nagte-take over ang desire nila. Their whole personality is criminal. Wala silang problema sa pag-iisip.” “Bakit nila piniling maging kriminal?” tanong ni Monica. “Dahil sa environment nila at sa pagpapalaki sa kanila. Kapag ang magulang ng isang bata ay kriminal at iyon ang itinuturo sa kanila, malaki ang posibilidad na maging kriminal din sila.” Sandaling huminto si Joshua. “Ang mga taong `yon ay iniisip na normal na ang isang krimen, na katanggap-tanggap iyon. Sila ang mga hindi nagsisisi sa ginawa nila, at kaya nilang gawin iyon ng paulit-ulit.” “Pagkakamali iyon ng mga nagpalaki sa kanila,” ani Lizette. “Kaya malaki talaga ang responsibilidad ng mga magulang sa kanilang mga anak, lalo na sa pagkabata ng mga ito.” “We cannot save everyone from their darkness,” sabi pa ni Joshua. “And we cannot protect everyone out there.” “Pero puwede nating subukan,” singit ni Kevin. Alam niya na hindi nila mapoprotektahan lahat ng tao sa paligid nila. Pero trabaho nila na gawin ang lahat ng makakaya para sa proteksiyon ng mga mamamayan ng bansang ito. “Hindi man lahat, ang mahalaga ay sinusubukan natin.” Tumingin sa kanya si Joshua ng ilang sandali. Joshua Sann was very hard to read. Hindi niya pa rin gaanong kilala ang lalaki dahil bihira lang itong magkuwento ng tungkol sa personal na buhay, hindi gaya ni Seth na pala-kuwento. Ang alam lang ni Kevin tungkol kay Joshua ay isang NBI agent ang nagpalaki dito—si Jordan Maxwell. Wala naman siyang problema sa kakayanan ni Joshua, lalo na pagdating sa mga imbestigasyon. Maliban na nga lang sa pagiging bayolente nito sa mga kriminal. Mabilis uminit ang ulo ng lalaki at balewala lang dito kahit nasaktan na ang suspect. Wala itong awa sa isang kriminal, lalo na kung napatunayan na gumawa nga ito ng masama. Pero kahit ganoon, naniniwala si Kevin na mabuting tao si Joshua. Pinagkakatiwalaan niya ito. Pinagkakatiwalaan niya ang bawat miyembro ng team nila. “I think I need to go,” narinig nilang sabi ni Seth. “Pasensiya na kayo.” “It’s okay,” sagot ni Lizette. “Sige na, puntahan mo na si Kylene. Tell her I said ‘hi’.” Tumango si Seth at nagpaalam na sa kanila. Nagkaroon na ng sariling usapan sina Lizette at Monica—tungkol sa mga drawings ng huli. Si Joshua naman ay nakikinig lang. Binunot ni Kevin ang cell phone sa bulsa ng pantalon nang maramdaman ang pag-vibrate niyon. Napailing siya nang makita ang pangalan ng kaibigang si Edgar sa screen. “Excuse, sasagutin ko lang ito.” Tumayo na siya at lumabas ng apartment. “Edgar,” sagot niya sa tawag. “Napatawag ka.” “Nasaan ka ngayon?” bungad ng kaibigan sa kabilang linya. “I heard sarado na ang kasong hawak niyo. Let’s hangout. Wala akong kasama sa gun firing nitong nakaraang mga linggo. You don’t hangout with me every time you have a case.” Umiling-iling si Kevin. Para talaga itong bata kahit mas matanda pa sa kanya. All Edgar wanted to do was play and have fun. Hindi na ba ito nagsasawa doon? “Nag-dinner kami sa bahay ni Monica.” “Hindi niyo ako sinama?” parang nagtatampong tanong pa nito. “Pati na rin si Ann.” He chuckled. “Team lang namin. I’ll visit you this weekend.” Bumuntong-hininga si Edgar. “Alright. Anyway, may dine-date ka ba ngayon? May gusto akong ipakilala sa `yo.” “Wala akong oras ngayon for a relationship.” “Hindi ko naman sinabing makipag-relasyon ka. Just go on a date and have fun. This chick is hot, `tol.” Sigurado si Kevin na nakangisi pa ang kaibigan habang sinasabi ang mga iyon. Edgar Isaac was a player. Hindi niya na alam kung gaano karami ang naging babae nito. Palagi nitong ipinagyayabang iyon. Lumaki si Edgar na ibinibigay ang lahat ng gustuhin nito. Kevin didn’t want to be around spoiled people. Pero dahil naging mabuti naman sa kanya si Edgar ay hinayaan niya na. “Maybe next time, Eds,” sabi niya. “Sige,” may panlulumo na sa boses nito. “Baka naabala na kita. Magkita na lang tayo sa headquarters.” Nagpaalam na ito at tinapos na rin ang tawag. Ibinalik ni Kevin ang cell phone sa bulsa. Babawi na lang siya sa kaibigan sa mga susunod na araw. Sapat na naman kay Edgar ang masamahan ito sa gun firing session. Edgar wanted to beat him in that. Pero hindi nito magawa. It was not possible. Kevin trained in the Army for a long time. Matagal din siyang naging parte ng sniper team noon. Tumitig si Kevin sa unahan. Tahimik ang neigborhood ng lugar ni Monica dito sa Caloocan. Mukha rin namang ligtas doon. Pangalawang beses niya pa lang nakapunta dito. Sa bahay niya tinuturuan si Monica ng self-defense training nito dahil mas malawak iyon. Napalingon siya sa likod nang makarinig ng pagtikhim. Nakita niya si Lizette na nakalapit na. “May problema ba?” tanong ng dalaga. “Sa tumawag sa `yo?” “No, it’s just Edgar.” Nagkibit-balikat siya. “Alam mo naman `yon.” Ngumiti si Lizette. “Right. Para siyang bubble gum kung makadikit sa `yo.” “Kapatid na ang turing niya sa `kin. Wala kasi siyang kapatid.” Tumango-tango ang dalaga. “Nabanggit na ba sa `yo ni Joshua ang tungkol sa nalaman niya kay Ellie Hernandez?” “Oo, na biktima ni Nine ang adoptive father niya. I was surprised. Hindi ko rin nakita iyon noon.” “This... Nine’s case, wala pa rin tayong ibang lead na nakukuha.” “Sinabi naman ni Chief Babor na hindi natin kailangang madaliin ito. This case has been with SCIU for a long time, too. Iba-ibang teams na rin ang humawak dito. Hindi na lang napagtuunan ng pansin dahil nga biglang natigil ang crimes ni Nine.” “Right. Three years he went silent,” ani Lizette, seryoso. “Why comeback now?” “The question is why did he stop three years ago?” tanong ni Kevin. Tumingin sa kanya si Lizette. “Kailangan nating malaman ang sagot doon.” Ngumiti siya at tinapik sa balikat ang dalaga. “Mahahanap din natin ang sagot sa mga tanong natin. We’ll be assigned another case this week sabi ng Chief. Kaya sulitin na natin ang pahinga ngayon.” Tumango ito. Sabay na silang pumasok sa loob. Pagkarating sa living area ay sinalubong sila ni Monica. “Nakatulog na si Joshua sa couch,” sabi nito. “What?” Umiling-iling si Lizette. “I’ll wake him para makauwi na siya.” Nilapitan ni Lizette ang couch na kinahihigaan ni Joshua. Mukhang himbing na ngang natutulog ang lalaki. Nakayakap pa sa isang throw pillow. “Joshua, gumising ka diyan,” ani Lizette, niyugyog pa ang lalaki. “Joshua.” Pero hindi ito nagising. “H-hayaan mo na lang siya, Lizette,” sabi ni Monica. “Mukhang pagod siya. Kukuha na lang ako ng kumot sa kuwarto.” “Pagod?” sarkastikong ulit ni Lizette. “Wala naman siyang ginawa kundi uminom ng beer ngayon.” Tumingin sa kanya ang dalaga. “Paano niya matatapos ang pinagagawa mong report? Sinabi ko nang pagsabihan mo rin ang lalaking ito.” Napatawa na si Kevin. “I’m sure he’ll finish it tomorrow.” Bumuntong-hininga na lang si Lizette. “I’ll stay here tonight, too, Monica. Okay lang ba? Ayaw kong iwan ang lalaking ito kasama mo.” “O-Okay lang naman,” sagot ni Monica. “Puwede kang matulog sa kuwarto ko.” Bumaling sa kanya ang babae. “Ikaw, Kevin? Uuwi ka na?” Napaisip siya. He couldn’t leave them here now. “No, I’ll stay here, too. Maaga na lang kaming uuwi ni Joshua bukas pagkagising niya. Dito na ako sa couch matutulog.” Ngumiti naman si Monica, mabilis na tumango. “Ikukuha ko lang kayo ng kumot at unan.” Lumakad na ito patungo sa bedroom. “Tutulungan na kita,” ani Lizette at sumunod kay Monica. Naupo si Kevin sa couch. Ilang sandali lang naman ay bumalik na sina Monica dala ang mga unan at kumot. Nagpasalamat siya sa mga ito. “Matulog na kayo,” sabi niya. “Magpahinga ka na rin,” ani Monica. Bahagyang tumango sa kanya si Lizette bago sinulyapan si Joshua. May inilabas ang babae sa bulsa ng pantalon at ipinatong sa mesita—isang cell phone. “Pakibigay na lang kay Joshua pagkagising niya,” anito. Tumango si Kevin. Pagkaalis ng dalawang babae ay saka niya inayos ang sarili sa couch, pinagkasya doon. Ilang minutong nakatitig lang siya sa kisame. Dahil hindi pa rin dalawin ng antok ay bumalik siya sa pagkakaupo. Nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya naisipang magtungo sa kitchen area. Napatigil si Kevin sa pagpasok sa kusina nang makita si Monica. Nakaupo ito sa isang dining chair. Sa dining table na kaharap ay nakapatong ang mga nakalas nitong parte ng baril. She was practising on assembling the gun. Sumandal si Kevin sa malapit na hamba at pinagmasdan lang ang dalaga, napangiti nang mapansin na parang naguguluhan ito. Gabing-gabi na pero nagpa-practice pa rin ito. Nanatili lang siyang nakamasid sa dalaga, hindi nito napapansin ang presensiya niya dahil ang focus ay nasa pinagkakaabalahan. Napalingon si Kevin sa likod nang maramdaman ang mga yabag papalapit. Nakita niya si Lizette, nakakunot-noo. Tumigil ito sa tabi niya at tiningnan ang kinaroroonan ni Monica. Napangiti rin ito. “Gustong-gusto niya talagang matuto,” mahinang komento ni Lizette. Ibinalik ni Kevin ang tingin kay Monica. “She’s a very determined person,” mahinang tugon niya. “Kahit nahihirapan siya sa training namin, hindi siya sumusuko.” “Is that her gun?” tanong pa ng babae. “Oo, binili namin noong nakaraang linggo. Naka-register na `yan sa kanya. Kailangan niya na lang matutunang gamitin.” Sumulyap siya kay Lizette na nakatingin na rin sa kanya. “For self-defense, of course.” Tumango-tango ang dalaga. “Do you like her?” tanong nito makalipas ang ilang sandali. “Monica seems to like being with you. She trusts you a lot.” Ngumiti si Kevin. “She’s a good woman,” aniya sa halip na sagutin ang tanong nito. Inilipat niya ang tingin kay Monica na malapit nang matapos sa pag-assemble ng baril. Monica was beautiful and innocent. He didn’t want to ruin that innocence. Ibinalik niya ang tingin kay Lizette, pinagmasdan ito. Lizette was a strong woman. Dahil na rin sa mga pinagdaanan nito. But Kevin knew there was innocence in her too. And he wanted to protect these women. He wanted to protect his team as much as he could. Itinuturing niya na ang team na ito na pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD