Episode 1.3

453 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo's POV “AYOS lang ba talaga ang mga niluto ko, Lizette?” tanong ni Monica habang tinutulungan niya itong maghugas ng mga pinagkainan nila. They had dinner in Monica’s place. Naroroon ang mga kasamahan nila sa team, maliban kay Richard na nasa vacation leave pa rin. “Oo nga,” natatawang sagot ni Lizette. “It was so good. Naubos nga namin, `di ba? Lalo na n’ong mga nasa labas.” Ang tinutukoy niya ay ang teammates nila na nagdidiskusyon sa sala ng apartment ni Monica. Tungkol sa football ang pinag-uusapan ng mga ito. “Pero hindi ko pa rin matatalo ang cooking skills mo.” Naiiling na napatawa si Lizette. Sinulyapan niya si Monica, malinaw na makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Malaki na rin ang ipinagbago ng dalaga. Hindi na ito nahihiya sa kanila. Monica could initiate a conversation now. Nalaman din niya na may mga naging kaibigan na ito sa headquarters. “Kumusta ang self-defense training mo with Kevin?” tanong niya pagkatapos nila sa mga hugasin. Nitong nakaraang buwan, nalaman nila na tinuturuan ni Kevin si Monica ng mga self-defense. Para daw maprotektahan din nito ang sarili. It was so considerate of him. Lalong nadadagdagan ang respeto niya sa lalaki. Napansin ni Lizette ang pagkislap ng mga mata ni Monica. “Maayos naman. Medyo mahirap pero unti-unti naman akong natututo. Tinuturuan na rin ako ni Kevin ngayon na mag-assemble at disassemble ng baril.” “That’s good.” Ngumiti siya. “Kailan ka raw niya tuturuan ng gun firing?” “Hindi ko pa alam. Sinabi niya na kailangan ko munang ma-master ang pag-assemble ng baril.” Nakikita ni Lizette na masaya si Monica tuwing si Kevin ang pinag-uusapan. Naalala niya ang sinabi noon ni Joshua sa kanya: Monica liked Kevin. Mukhang totoo nga. Lizette liked Kevin too. Simula nang makasama niya ito sa team, na-realize niya na hindi ito cold gaya nang iniisip niya noon. Kevin Pascua was a respectable man. Napakamaalaga rin nito sa team members. Pasensiyoso. He was every woman’s dream. She liked him. Pero hanggang doon na lang `yon. Hindi niya gustong makipag-agawan sa lalaki, lalo na kung kaibigan niya ang isa pang involved. Lizette wanted Monica to be happy. Alam niya na malungkot din ito na lumaking mag-isa. Na lumaki sa ampunan. Na hindi man lang kilala ang magulang o kamag-anak nito. And she wanted to support Monica in anything that would make her happy. Tumingin sa kanya si Monica at napansin ni Lizette ang biglang pagkataranta sa mukha nito. Nag-iwas ito ng tingin. “Dessert,” anito. “Ire-ready ko lang ang dessert.” Ngumiti siya. “Tutulungan na kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD