Episode 1.2

1795 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo's POV KUMUNOT ang noo ni Lizette nang makilala kung sino ang kausap ni Joshua sa lobby ng SCIU Headquarters. Lunch break nila at kababalik niya lang mula sa isang restaurant malapit. Lumakad siya patungo sa lounge area ng lobby kung saan nakaupo sa isang couch si Joshua, katabi nito si Ellie Hernandez. “Hi, Ellie,” bati niya sa dalaga. Tumayo ang babae at ngumiti. “Hi, Senior Inspector,” ganting-bati nito. “I told you to call me ‘Lizette’.” Sandali niyang pinakatitigan ang babae. Ellie’s mismatched eyes were still the best part of her. “Ano’ng ginagawa mo dito?” Sinulyapan niya si Joshua na nanatiling nakaupo. “They called me,” sagot ni Ellie. “May pinapirmahan sa akin ang Chief ninyo.” “Oh.” Pinabalik niya sa pagkakaupo si Ellie. Naupo rin siya sa katapat na couch ng mga ito. “How’s the civil suit filed against you?” Si Joshua ang sumagot. “The prosecution dropped all charges against her. Walang ebidensiya at walang nagsampa ng kaso.” Inirapan lang ito ni Lizette. Kailan pa ito naging spokesperson ni Ellie? Joshua seemed to like Ellie Hernandez. Napansin niya na iyon noon pa. Ilang beses na rin nilang nabisita sa bahay nito sa Cavite si Ellie pagkatapos ng unang kaso na hinawakan ng team nila. “I’m okay now,” sabi ni Ellie. “Huwag na kayong mag-alala. I’m going to do better this time. Hihingin ko na ang tulong ninyo kapag may nabalitaan akong mga naabuso.” Nginitian ito ni Lizette. This woman was like an angel, really. “Huwag kang mahiya sa amin. Puwede ka ring bumisita dito o sa bahay ko minsan. I gave you my address, right?” Tumango si Ellie. Nakikita na naman ni Lizette ang kasiyahan sa mga mata nito. “Isasama ko rin si Erwin.” Ang tinutukoy nito ay ang binatilyong kasa-kasama nito sa Cavite. “Nag-aaral na nga lang siya sa school ngayon kaya busy na rin.” “Good for him.” Masaya siya dahil maayos na ang buhay ng dalawa, hindi na kailangang magtago. Sinulyapan niya uli si Joshua. “Ano nga pala ang pinag-uusapan ninyo? Hindi ka ba ginugulo ng lalaking ito?” Ellie chuckled. “Hindi naman. May... tinanong lang siya.” “Liligawan mo siya?” Nakataas ang kilay na tanong ni Lizette kay Joshua. Pinaningkitan siya ng mga mata ni Joshua. “Nagseselos ka?” Nanlaki ang mga mata ni Lizette. Where did that come from? Naiinis niyang sinipa ang isang binti ng lalaki. “Aw!” Kiniskis ni Joshua ang nasaktang binti, pinanlisikan siya ng mga mata. Narinig nila ang mahinang pagtawa ni Ellie. Tiningnan niya ito. Makikita ang enjoyment sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa kanila. “He asked about Nine,” sabi nito mayamaya. Nagsalubong ang mga kilay ni Lizette. “Nine?” ulit niya. Ang kaso ng serial killer ng mga kriminal na si Nine ang isa sa mga kasong hawak ng team nila ngayon. Nine killed the criminal they caught in their first case—at pinatay doo mismo sa SCIU Headquarters. Wala silang nagawa. At hanggang ngayon, bahagya pa lang umuusad ang imbestigasyon ng team nila sa paghahanap sa serial killer na yon. Binuksan ni Joshua ang folder na kanina pang hawak, inabot sa kanya. “Isa sa mga biktima ni Nine ay si Ramon Hernandez. We almost overlooked that. Dahil na rin sa dami ng mga nabiktima ni Nine.” Nagulat si Lizette. Tiningnan niya ang nakasulat sa folder. Ramon Hernandez. Sa kasunod na page ay ang info tungkol kay Ramon Hernandez, maging ang police report ng pagkamatay nito. Ramon Hernandez was Ellie’s adoptive father. Namatay ito noong fifteen pa lang ang babae. There were photos of the crime scene. Sa tabi ng bangkay ni Ramon ay may nakasulat na number ‘9’ gamit ang dugo nito. The same signature in all of Nine’s victims. Bakit nga ba hindi nila napansin ito noon? Sinulyapan ni Lizette si Joshua. Kahit patamad-tamad ito minsan, kahit nakakainis, hindi niya maitatanggi na malaki rin ang naitutulong nito. This man could find loopholes in crimes. He could find informations they must have overlooked. Dahil na rin sa profiling background nito. Alam ni Lizette na ilang beses na pinag-aaralan at binabasa ni Joshua ang mga case files at police reports na hawak nila. Inilipat niya ang tingin kay Ellie. “Hindi mo nabanggit sa amin ang tungkol dito,” aniya. Tanda ni Lizette na nagkaroon sila ng conversation ni Ellie tungkol kay Nine. Sinabi ng babae na nagbabasa ito ng mga balita tungkol kay Nine. At base sa naging opinyon nito noon, hinahangaan pa ni Ellie si Nine. “Hindi ko alam noon na si Nine ang pumatay kay Papa,” sagot ni Ellie. “I was too young.” “But you knew it when you talked to us back then,” singit ni Joshua. “Bakit hindi mo sinabi?” “Hindi kayo nagtanong,” sagot ni Ellie. Pinakatitigan ni Lizette ang dalaga. Sumeryoso na ang mukha nito. Pakiramdam niya ay nakataas din ang depensa nito. Tumango-tango si Joshua, hindi nito inaalis ang tingin kay Ellie. “Alam mo na kriminal ang pinapatay ni Nine, `di ba? Do you know why he killed your adoptive father?” “Hindi,” umiling pa ang dalaga. “Hindi kami close ni Papa Ramon. Noong namatay si Mama, parang may sarili na rin kaming buhay na dalawa. Hanggang sa bigla na lang akong umuwi isang araw na... patay na siya.” “Have you seen him?” curious na tanong ni Lizette. “His killer? Si Nine?” “Nakasulat sa testimony niya noon na may nakita siyang isang lalaki na lumabas ng bahay nila,” ani Joshua. “Nakasuot ng face mask at itim na hooded jacket.” Ganoon nga ang description sa ilang police reports ng mga biktima ni Nine. Iyon pa lang din ang lead nila sa pagkatao ni Nine. Tumango-tango si Ellie. “That’s right. Iyon lang ang nakita ko.” “Nakita mo lang ba talaga siya?” tanong pa ni Joshua. Tumingin si Ellie kay Joshua. “Oo,” sagot nito. “Akala ko noon ay bisita lang siya ni papa.” “When we talked about Nine back then, you seem to admire him. You think he executes true justice,” dugtong ni Joshua. “Kahit pinatay niya ang adoptive father mo.” Nag-iwas ng tingin si Ellie. “Hindi ko alam kung bakit niya pinatay si Papa. Ang tinutukoy ko noon ay ang mga nabasa kong balita tungkol kay Nine. Yes, he has killed lots of criminals. Lalo na ang mga kriminal na hindi mabigyan ng dapat na parusa sa mga nagawa nila. Pero kahit ganoon ang ginagawa niya, oo, may parte sa akin na humahanga sa kanya. If he didn’t do that, those criminals will just keep on taking and ruining other lives.” Nakukuha ni Lizette ang punto ni Ellie. Maraming kriminal ang nakakalaya dahil makapangyarihan at mapera ang mga ito. Masakit man pero iyon ang totoo. Nakita nila iyon sa unang kaso na hinawakan ng team nila dito sa SCIU. But killing was still wrong. Kahit ano pa ang rason. Iyon ang paniniwala ni Lizette. At bilang isang alagad ng batas, dapat niyang gawin ang lahat para mahuli si Nine. Kahit na ano pa ang rason ng ginagawa nitong pagpatay. “I have to go,” narinig nilang sabi ni Ellie, sumulyap pa sa relo nito. “Babalik din ako sa Cavite ngayon. Pasensiya na kung wala akong maitulong sa kasong hawak ninyo.” Tumayo na ang babae at naglakad palayo. Nakasunod lang ang tingin nila ni Joshua dito hanggang sa makalabas ang dalaga sa headquarters. “Sigurado ako na mas marami pa ang alam niya kaysa sa inaamin niya,” narinig niyang sabi ni Joshua. Inilipat ni Lizette ang tingin sa binata. “You think she knows Nine?” “Hindi ko alam, pero sigurado ako na may itinatago siya.” Hinaplos-haplos ni Joshua ang baba nito. “Hindi normal na maging kalmado kung pinag-uusapan ang pumatay sa kapamilya mo. Kahit pa na adoptive father niya lang si Ramon at hindi sila malapit. Posible na alam ni Ellie kung ano ang dahilan kung bakit pinatay ni Nine ang papa niya.” “We should investigate Ramon Hernandez’ background,” sabi niya. “Pati na rin ang sa iba pang biktima ni Nine na hindi malinaw kung bakit pinatay.” “All of them were criminals,” ani Joshua. “Naniniwala ako na hindi pumapatay si Nine ng alam niyang hindi kriminal. Base sa lahat ng reports na nabasa ko, hindi rin siya nandadamay ng mga inosente. Kaya marami-rami rin ang witness na nakapag-describe sa kanya.” Iyon din ang nabasa ni Lizette. Naalala niya ang huling biktima ni Nine – ang kriminal na si Miguel Vergara. Dito sa mismong SCIU Headquarters ito pinatay—sa basement parking. Ita-transfer noon ang lalaki sa custody ng Public Prosecutors Office at may kasamang dalawang police escort na parehong na-knock down ni Nine. Nine didn’t kill those officers. “Na-report mo na ba kay Kevin ang tungkol dito?” tanong ni Lizette kay Joshua. “Hindi pa.” “You should report this. Lahat ng mga malalaman natin tungkol sa kaso, kailangang ireport sa buong team.” Napailing siya. “Stop doing things on your own, Joshua. Isang team tayo.” “Ire-report ko ito sa team leader natin,” umiiling na sagot ni Joshua. Naningkit ang mga mata ni Lizette. “Naiinggit ka pa rin ba kay Kevin dahil siya ang team leader?” Ngumisi pa siya. Tiningnan siya ni Joshua. “Hindi ako inggitero.” “Really?” Bumuntong-hininga ang binata. “Gustong-gusto mo talaga akong awayin, Lizette. Alam ko naman na may gusto ka sa akin pero—” Hindi na natapos ni Joshua ang sinasabi nang ibato niya dito ang folder na hawak. Agad naman iyong nasalo ng binata, nakangisi. And that grin irritated her more. “Dream on,” marahas na sabi niya. Tumayo na siya. “Hinding-hindi ako magkakagusto sa lalaking katulad mo.” Lumakad na si Lizette patungo sa kanilang opisina. Mas nadagdagan ang pagkainis niya nang makitang nakasunod sa kanya si Joshua. Oh, if only she could kill this man right now. “Talaga ba?” tanong pa nito habang naglalakad. “Okay lang naman sa akin, hindi mo kailangang mahiya. Gusto ko rin namang makipagtalo sa `yo.” Tiningnan niya ng masama ang lalaki pero hindi sinagot. Makipag-usap ito sa hangin. Hindi niya na gustong aksayahin ang laway sa pakikipagtalo dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD