Episode 1.1

1012 Words
Senior Inspector Lizette Salcedo's POV NAG-IINAT na tumayo si Lizette mula sa kinauupuan nang matapos ang report tungkol sa warehouse na ni-raid nila kahapon. Ibibigay niya na lang iyon kay Kevin na magko-compile ng report sa buong kaso. Katatapos lang nilang maisara ang kaso ng isang crime group na nagte-trade ng illegal weapons, illegal drugs at nagsasagawa ng human trafficking na naka-hideout sa Marikina. Naging sobrang busy ng nakaraang mga linggo ng team nila dahil doon. Iginala ni Lizette ang paningin sa loob ng opisina. Sila lang ni Joshua ang naroroon. Nakaupo ang lalaki sa table ni Seth na medyo may kalayuan sa kanya. Sina Kevin at Seth ay nasa interrogation room, kinakausap ang mga kriminal na nahuli nila kahapon, maging ang boss ng mga ito. Si Monica naman ay nasa Forensics Laboratory para ayusin ang final reports ng mga ebidensiyang nakuha nila. Si Richard ay sinimulan na ang leave na matagal na nitong ipinasa. Lumakad siya patungo kay Joshua na nakatitig sa hawak na cell phone, panay ang pindot doon. Kanina niya pa ito napansin na abala doon pero dahil medyo malayo sa kanya ay hindi niya na pinuna. “Joshua, tapos mo na ba ang profiling reports ng mga kriminal na nahuli natin?” tanong niya. “Hindi pa,” sagot ni Joshua, hindi inaalis ang tingin sa screen ng cell phone. Kumunot ang noo ni Lizette, nakalapit na siya sa kinauupuan nito. Hindi pa nito nagagawa? “Ano ba’ng—” You have slain an enemy. Double kill. Narinig niyang galing sa cell phone ng binata. Tiningnan niya nang masama si Joshua. Hindi pa nito nagagawa ang assignment dahil mas iniintindi ang paglalaro ng Mobile Legends? Naiinis na hinablot ni Lizette ang cell phone ng lalaki. “Hindi ka binabayaran dito para maglaro ng mga games na ito,” sermon niya. “No!” sabi ni Joshua. Tinangka pa nitong agawin sa kanya ang phone pero mabilis nang naisuksok ni Lizette sa likod na bulsa ng kanyang pantalon. “Malapit na akong matapos. Hindi ako puwedeng ma-AFK, maba-ban ako sa laro. Let me just finish that. MVP na ako, eh.” Nagmamakaawa na ang mga mata ng binata. Hindi nagpadala si Lizette dito. She kept her coldness. “Do you want me to slay you instead?” Humalukipkip si Joshua, nagmukmok sa kinauupuan. “Hindi ko gagawin ang report na `yon,” pananakot pa nito. “Hindi mo rin makukuha ang phone mo hangga’t hindi iyon tapos,” ganti niya. Tiningnan siya nang masama ni Joshua. “Hindi mo ako estudyante. You’re going to pay for this.” Lizette rolled her eyes. Sanay na siya sa mga pagbabanta nito. “Late ka na ngang pumasok kanina, hindi mo pa tinatapos ang mga assignments mo dito sa team. Bakit ba may tamad kaming kasamahan?” Naiinis siyang napabuga ng hininga. Halos mag-iisang taon na rin silang magkakasama sa team pero hindi pa rin nababawasan ang pagkainis ni Lizette sa lalaking ito. Joshua Sann just kept on pissing her off every single day. Bakit ba kasi hindi ito pinapagalitan ni Kevin? Kevin was too patient and understanding. Well, hindi naman masama iyon sa isang team leader. It was admirable, really. “Hindi ako tamad,” narinig niyang sagot ni Joshua. “Naka-enery saver mode lang ako. Nagco-conserve ako ng enerhiya. Nagdo-donate ako sa WWF, dapat lang na tumulong din ako sa energy saving na—” Hindi ito nakatapos nang batukan niya. Ano ba ang pinagsasasabi nito? “Aray!” reklamo ni Joshua. Tumayo ito at pinanlisikan siya ng mga mata. “Sinabi nang huwag mo akong sasaktan.” Nakita pa ni Lizette ang pagkuyom ng mga kamao nito, tiningala niya ang lalaki. Hindi siya nakakaramdam ng takot dito. “What? You’re going to hurt me? Do it,” hamon niya. Nag-igtingan ang mga panga ni Joshua pero hindi naman siya sinaktan. Inirapan niya ito. “I’m still your superior in rank, Sann. Kaya sumunod ka sa akin.” Pabagsak na bumalik sa pagkakaupo si Joshua, inikot-ikot pa ang swivel chair na kinauupuan. “I don’t look at ranks. Mas mataas ka lang dahil marami kang credits from the States.” Hindi ba talaga mawawalan ng isasagot ang lalaking ito? “Nag-aaway na naman kayo?” narinig nilang boses mula sa likod. Nalingunan ni Lizette si Kevin, kasunod nito si Seth. “Ito kasing kasamahan natin, puro laro ang iniintindi sa loob ng workplace sa halip na magtrabaho.” Tumawa si Kevin, tumingin sa kinauupuan ni Joshua. “I need the profiling reports tomorrow morning, Joshua, okay?” Nagkibit-balikat si Joshua. “Hear that, Senior Inspector? Tomorrow morning pa raw.” Inirapan lang ni Lizette ang lalaki bago bumalik sa kanyang desk. Kinuha niya doon ang report na ginawa bago nilapitan si Kevin na nakaupo na sa desk nito. “Tapos ko na.” Inabot niya dito ang folder na hawak. “Bakit ba masyado kang mabait sa lalaking iyon? Pagalitan mo naman siya minsan.” Ngumiti si Kevin. “Ginagawa naman ni Joshua ang assignments niya. Papagalitan ko siya kapag hindi niya naibigay bukas ng umaga.” Bumuntong-hininga si Lizette. “Kumusta ang mga suspects?” “Nag-confess na sila. Dito muna sila makukulong sa SCIU hanggang sa araw ng trial. They’ll surely pay for their crimes,” sagot ni Kevin. “Puwede na tayong magpahinga sandali bago uli kumuha ng bagong kaso.” Tumango siya at bumalik na sa kanyang desk. Magbabasa na lang muna siya ng mga case files na hawak nila. Reading different case files – solved and unsolved – helped her know more about crimes in this country. Napansin ni Lizette na marami sa mga unsolved crimes ay missing cases at murder cases, lalo na ng mga babae. There were different modus operandi. Kaya posible na iba-ibang kaso ang mga ito. Napaisip si Lizette. Nasaan kaya ang mga missing persons na ito? Buhay pa kaya ang mga ito? Nakaramdam siya ng kalungkutan sa kaisipang umaasa pa rin ang mga itong mahanap, mabigyan ng hustisya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD