NANONOOD lang sina Lizette sa likod ng two-way mirror ng interogation room, kasama niya ang mga ka-team. Si Kevin ang nasa kabilang side, kaharap nito ang lalaking inaresto nila na si Jacinto Rivera. Ito ang lalaking nakita sa CCTV footage. Napanood na rin nila iyon at nakita na ito ang naglagay ng kawayan na may nakatuhog na ulo ni Bernardo sa gate. Iniharap ni Kevin sa lalaki ang laptop na nasa mesa, ipinapanood ang video. “Mr. Rivera, ikaw ang lalaking nasa video, tama?” panimulang tanong nito. “This is enough to arrest you. Kaya nandito ka ngayon.” Tiningnan lang ni Rivera ang video pero walang sinabi. Wala ring emosyon sa mukha nito. Jacinto Rivera was thirty-six. Binasa niya kanina ang information tungkol dito. He was a supervisor in one BPO company. His only remaining family membe

