Sergeant Seth Pulo’s POV LUMAKAD si Seth palabas ng Crystal Jade Dining sa BGC at dumeretso sa kinapaparadahan ng kanyang kotse. Nag-lunch sila dito ni Kylene ngayong araw. It was his day off. Nauna lang siyang lumabas dahil may nakitang kakilala ang dalaga sa loob, nakikipag-usap pa ito doon. Minabuti niyang lumabas na para hindi makasagabal dito. Nandoon naman din ang bodyguard nito. He would just be out of place there and might cause an issue. Sinabihan niya lang ang dalaga na hihintayin ito sa parking lot. Binunot ni Seth ang susi ng kanyang kotse sa bulsa ng pantalon pero bigla iyong nabitawan at nasipa pa. Dumeretso ang susi sa ilalim ng isang pulang BMW. Napabuga ng hininga si Seth bago lumapit sa kotse. Lumuhod siya at sinilip sa ilalim ang susi. Halos nasa gitna na iyon. Pini

