Episode 24.1

2500 Words

Senior Inspector Lizette Salcedo's POV INABOT kay Lizette ni Richard ang ilang printed papers. “Ito na ang hinihingi niyong background information noong Estefan Arellano. Taga-Marikina, right?” tanong nito. Tumango siya, nagpasalamat sa lalaki. “Kumusta na `yong mga tsinetsek mo?” Bumuntong-hininga ang lalaki. “Medyo nahihirapan ako. Jacinto Rivera swiped clean his internet browser. He knows programming. I don’t think I’ll be able to restore anything. Kaya ang pinagtutuunan ko muna ng pansin ay ang cell phone ng biktimang si Armel Salmo. I just hacked into it. May fingerprints password protection kasi.” “Kaya mo `yan, ikaw lang ang maaasahan namin sa ganyan,” sabi niya. Wala siyang naiintindihan sa mga bagay na involved ang modern technology. Simpleng paggamit ng phones and laptop lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD