“MAY nakita ako sa cell phone ni Armel Salmo,” report sa kanila ni Richard. Nakaupo sila ngayon sa meeting table ng kanilang opisina. Ipinaikot ng lalaki ang laptop nito para mapaharap sa kanila. “Videos. Apparently, the victim liked to film his own s*x videos.” “His and Tamayo?” tanong ni Seth. Umiling si Richard, ngumisi. “His and another woman. Watch it. Hindi ang phone niya ang ginamit na pang-film. Medyo malabo ang resolution pero makikilala niyo naman kung sino ang katalik niya.” Pinanood nila iyon. Medyo may kalayuan iyon sa kama pero nakikita pa rin ang mga taong involved. Kumunot ang noo ni Lizette, nakikilala nga niya ang babae. Pamilyar ito. Hinanap niya iyon sa isipan. “Hannielyn Roxas,” narinig niyang sambit ni Kevin. Right. Ang babaeng nag-report sa krimen. “Sinabi niya

