Major Kevin Pascua's POV ISINUOT ni Kevin ang gloves habang nakatingin sa bangkay ni Jenny Tamayo na nasa sahig ng kusina nito. Pagkapasok nila sa apartment kanina ay agad na sumalubong ang mabahong amoy. Sinundan nila iyon at nakita nga ang nilalangaw nang bangkay ni Tamayo. Sinulyapan niya si Monica na nakatakip ang ilong habang nakatingin sa bangkay. “Nandito na ang police backup,” balita nito. Hinarap ni Kevin ang Marikina police na pumasok sa loob, inutusan ang mga ito ng dapat gawin. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa bangkay ni Tamayo. Nakaluhod na si Monica sa gilid niyon, nagsisimulang kumuha ng mga ebidensiya. Jenny Tamayo had a stab wound on the left side of her chest. Katulad ng mga naunang biktima. May nakatarak din na hunting knife sa kanang kamay nito na nasa sahi

