DECEMBER 15, 2017 (10:03PM)
NAPASINGHAP si Gia sa pagkamangha nang bumukas ang bubong ng kotse ni Vincent. Hindi tuloy niya maalis ang tingin niya ro'n. Ng mga sandaling 'yon, nasa parking basement sila ng "condominium building" kung saan daw nakatira si Wendy. Pero nakalimutan na niyang bumaba ng kotse dahil sa nakita. "Ang galing naman. Iba pa rin palang makita sa personal ang convertible cars kesa sa mapanood lang sa TV."
Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Vincent na nakatingin sa kanya at para bang binabantayan ang reaksyon niya. "I know, right? Matagal ko ng dream car 'to at surreal sa feeling no'ng first time kong ma-drive 'to."
Natawa siya at tiningnan ang lalaki. "Mukhang big time ka na talaga, Vincent. Napanood ko 'yong tatlo mong solo concert. Napuno mo 'yong venue! Akala ko noon, magiging engineer ka. Pero kahit hindi natuloy ang initial plan mo, proud ako sa success mo." Kumunot ang noo niya nang may maalala. "Hindi ka sana ma-offend pero bakit hindi ka natuloy sa pag-i-engineer?"
"Well, hindi ako nakapagtapos ng college so wala rin akong degree sa Engineering. Maybe I was really meant to be a singer from the very beginning," paliwanag nito. "Actually, sa New York ako nag-college kasi nag-migrate na kami do'n after high school. And life happened, so..."
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "You did? Anong nangyari sa'tin? Naghiwalay ba tayo?" Napasinghap siya at naitakip pa ang mga kamay sa bibig nang may ma-realize siya. "Wait. Sa time na pinanggalingan ko, kaka-start lang natin as a couple. Pero ngayong 2017 na dito, tayo pa rin ba? Are we still together, Vincent?"
Unti-unting nawala ang ngiti ng lalaki at nang nagsalita ito, halos pabulong na. "We're not together..."
Wala siyang sakit sa puso pero ng mga sandaling 'yon, parang may sumuntok sa dibdib niya at bigla siyang nahirapang huminga. Mabilis nawala ang ngiti niya– sing bilis ng pagpatak ng mga luha niyang hindi niya napigilan. Habang nakatingin siya sa mukha ni Vincent, parang gumuho ang mundo niya at wala siyang nagawa kundi ang panuorin lang 'yon.
"Hey, I don't mean it that way," mabilis na bawi nito habang pinupunasan ng kamay ang mga luha sa mga pisngi niya. "All I'm saying is we're not together because you're in Singapore. Meaning, we're sort of in a long-distance relationship."
Literal na nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko mamamatay na ko sa sobrang sakit na naramdaman ko kanina." Marahang tinapik-tapik niya ang dibdib. "Hindi ko ma-imagine ang sarili ko sa mundo na hindi na ikaw ang boyfriend ko at hindi na ko ang babaeng gusto mo."
Gumuhit ang guilt sa mukha nito. "I'm sorry, Gia. Dapat in-explain ko agad sa'yo."
Ngumiti lang siya at umiling. Mabilis niyang binago ang usapan dahil ayaw na niyang mag-linger sa isipan niya ang ideya na wala na sila ni Vincent sa panahong 'yon. "Matagal na ba kong nasa Singapore? Saka anong ginagawa ko ro'n? Hindi 'yon na-mention ni Jeremy sa'kin."
"You and your band are there for a music fest," sagot nito. "One month na kayong nando'n."
Napapalakpak siya sa tuwa. "Wow! Ang exciting ng music fest. I can't believe my adult version gets to experience that!" Napasimangot siya nang may na-realize. "One month na kayong magkahiwalay ng adult version ko kasi ang sabi ni Jeremy, nasa Japan ka naman daw para sa concert mo." Pumalataktak siya habang iiling-iling. "No wonder gano'n ang reaction mo no'ng nakita mo ko kanina. Ang tagal mong hindi nakita ang girlfriend mo 'tapos pagbalik mo, 'yong teenager version niya ang sumalubong sa'yo."
"It doesn't matter to me, Gia." Hinaplos nito ang pisngi niya at naging evident ang longing sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Para ngang maiiyak pa ito. He must have missed her so bad. "I just want to be with you again and I did. It's been so long since the last time I saw you, you know." Bumuntong-hininga at umiling-iling, saka nito inalis ang kamay sa pisngi. "But this is wrong so please, please understand if I will refrain from touching you from now on. I'm sorry kung nadala ako ng emosyon ko kanina."
Kumunot ang noo niya. "Bakit naman mali 'to?"
Ngumiti ito na parang nag-aalinlangan sa isasagot sa kanya. "Your "2007 version" is very young and I'm a grown-up man. I feel like I'm taking advantage of you."
Natawa siya pero medyo nag-init din ang mga pisngi niya. Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito at siguro, naiilang din ito na siya ang kasama nito at hindi ang adult version niya. "Okay. Hindi ako magtatampo at hindi mo rin kailangang magpaka-boyfriend sa'kin ngayon. Baka kapag may makakita sa'tin eh isipin nilang pedophile ka. I will protect your image and career as a celebrity."
Kitang-kita ang paghanga sa mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Simula talaga pagkabata, ang mature mo nang mag-isip."
Tinawanan niya lang 'yon, pagkatapos, hindi na naman niya mapigilang mapahikab. "Nagiging antukin na ko," reklamo niya pagkatapos maghikab.
"Baka may "jetlag" ka pa since hindi naman biro ang flight pa-future," biro ni Vincent sa seryosong mukha pero gentle naman ang tinging binibigay nito sa kanya. "Tara na sa unit ni Wendy para makapagpahinga ka na." May pinindot itong command button para 'bumaba' uli ang bubong, saka ito lumabas ng kotse habang sinusuot ang black cap nito. Pagkatapos, pinagbuksan siya nito ng pinto. "Gia, okay lang ba kung mauuna akong maglakad sa'yo? Baka kasi may makakilala sa'kin."
Nakangiting tumangi si Gia. "Oo naman. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo."
"Thank you. Just follow me closely, okay?"
"Okay."
Ngumiti ang lalaki sa kanya, saka nito inayos ang black cap para ibaba ang visor sa mukha nito. Pagkatapos, namulsa ito at naglakad na papunta sa elevator.
Sumunod naman siya dito at nilabas ang smartphone ni Jeremy na binigay na nito sa kanya. Pinalitan daw nito ang sim card at naka-save na rin daw do'n ang number ni Vincent at ng mga kaibigan niya. Pati ang wallpaper niyon, pinalitan na nito ng image ng paborito niyang night sky.
Nasa "home display" naman ang kailangan niyang app– ang camera.
She took photos of Vincent's back because she liked his broad shoulders and exposed forearms from the folded sleeves of his dark button-down shirt.
Ang manly na talaga niya.
"You already have a phone?" tanong ni Vincent no'ng nasa loob na sila ng elevator at tapos na nitong pindutin ang floor kung saan sila pupunta. Nakasandal ito sa dingding at nakahalukipkip habang nakatingin sa kanya. Silang dalawa lang naman kasi ang nando'n.
"Bigay sa'kin ni Jeremy 'to para may magamit daw ako," paliwanag ni Gia, saka niya tinuro ang mansanas na may kagat sa likod ng phone. "Anyway, ang papayat ng gadget at appliances ngayon 'no? 'Yong TV ni Jeremy sa bahay, ang laki-laki pero ang slim naman. Nakadikit na rin pala sa dingding ang mga TV ngayon 'no?"
Natawa ito ng mahina na parang naaaliw sa kanya. "I can't wait for you to see Wendy's place. You'll be amazed."
"Madalas ka ba sa bahay ni Wendy?"
Biglang nawala ang ngiti nito. "Huh?"
"Para kasing alam na alam mo kung ano ang makikita ko sa bahay niya." Napapalakpak siya sa tuwa nang may naisip siya. "Ah! I know. Madalas ba kayong tumambay ng barkada natin sa bahay niya ngayon? Just like the old times. Dati kasi, sa bahay at pizza house din nila tayo tumatambay."
Ngumiti ang lalaki pero nando'n pa rin 'yong kakaibang emosyon sa mga mata nito. "Ah, yes. Madalas pa rin tayong tumambay sa bahay ni Wendy kapag wala tayong trabaho."
"Some things never change," nakangiting bulong niya. "Kahit sanay na ang adult version ko sa bahay ni Wendy, first time ko naman 'to kaya excited akong makita kung sa'n siya nakatira ngayon."
Mas lalo yatang nag-soften up ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. "A lot of things have changed here, to be honest. Most of them are bad. But seeing your innocence is very refreshing, Gia." Naging malungkot ang mukha nito at umiling-iling pa. "I wish I could go back to the past and just... just carelessly spend time with all of you like before."
Ewan ba niya pero bigla siyang naawa dito at hindi niya 'yon maintindihan dahil mukha namang maayos ang buhay ng mga kaibigan niya. "Hindi ka ba masaya sa present na 'to, Vincent?"
Para bang biglang natauhan ang lalaki nang nanlaki ang mga mata nito, saka ito mabilis na umiling. "Hindi, Gia. Hindi naman sa gano'n. I'm just probably tired. Adult life is hard so most of the time, I look back and long for the time where we don't have to work our butt off yet. Earning a living in this era is tough and exhausting."
Napatango siya nang may maalala. "Ay, oo nga pala. Ang sabi ni Jeremy sa'kin, galing kang Japan dahil sa concert mo. 'Tapos himbis na magpahinga, dumeretso ka sa'kin. You must be really tired. Sorry kung naistorbo ko ang pahinga mo."
"Hindi istorbo ang tingin ko sa'yo. I'm fine so don't worry about me, okay?"
Tumango lang siya at hindi na sumagot dahil huminto na ang elevator at bumukas.
Vincent smiled apologetically before getting off the elevator first. Nakapamulsa at medyo nakayuko rin ito habang naglalakad ng mabilis. Mukhang hindi naman ito nakilala no'ng nakasalubong nila na dalawang babae at isang lalaki na mukhang mga sosyal.
Si Gia naman, mabilis ang lakad pero patingin-tingin siya sa hallway. May mga unqiue design at painting kasi sa dingding na kumukuha sa atensiyon niya. Maging ang hilera nga ng mga ilaw sa kisame, kinaaliwan na niya. Ang laki-laki ng building na 'yon at maliligaw siya kung walang kasama.
Sa "2007 era" na pinanggalingan niya, bihira lang siyang makalabas ng Bulacan kung hindi naman field trip. Paminsan-minsan, sinasama siya ng mama niya sa Manila para dalhan ng pagkain at malilinis na damit ang papa niya kapag hindi nakakauwi ng weekend. Kumakain sila pero hanggang Jollibee o Mcdo lang.
Nakakapasyal din naman sila sa Manila zoo at Luneta park pero hindi sa ganitong ka-sosyal na building. Tinititigan niya lang ang mga ganitong gusali sa biyahe noon.
Pero ngayon, nandito na ko sa loob.
"Gia?"
Napatingin siya kay Vincent na nakatayo sa harap ng isang pinto habang may hawak na itim na keycard na sinuksok nito sa pinto na mabilis namang bumukas. He opened the door for her and she got inside the house, she wa stunned.
Ang laki ng living room! Ang gaganda at sophisticated tingnan ng furnitures mula sa sala set hanggang red carpet! Meron ding slim TV na nakadikit at halos sumakop sa buong dingding. May mga naglalakihang portrait din si Wendy na nakasabit sa ibang mga dingding kung saan mukha itong modelo sa mga poise nito at aaminin niya, halos walang suot na damit ang kaibigan niya sa mga black and white pictures pero mukha pa rin itong elegante at classy.
"Wow," namamanghang komento niya, saka siya umupo sa eleganteng puting couch na sobrang lambot. In fact, nag-bounce pa nga siya kaya natawa siya. Pagkatapos, humugot siya ng malalim na hininga para singhutin ang mabangong amoy na nakakalat sa buong bahay. "Wendy's place is sooo nice. Pero bakit sa building siya nakatira?"
Umupo si Vincent sa isang nest-shaped lounge chair na nag-stand out talaga sa mga furniture do'n. "Well, condominium units are the current trend. Mas convenient kasi ang tumira sa ganito lalo na sa mga tulad ni Wendy nasa BGC o Makati area ang workplace. Kung alam mo lang kung gaano palala ng palala ang traffic sa Pilipinas, hindi mo na gugustuhing maging empleyado ngayong 2017."
Nginitian niya lang 'yon. "May condo unit din ba ko, Vincent?"
Marahan itong umiling. "You still live with your family."
"Sounds like me," natutuwa at nakangising sabi niya dahil hindi niya ma-imagine ang sarili na nakatira sa gano'ng kalaking lugar ng mag-isa at malayo sa pamilya. "Ang sabi sa'kin ni Jeremy, pupuntahan daw namin ang parents ko pagbalik nila ng Pilipinas. Alam mo ba kung kelan sila babalik?"
Tumango ito. "That would be next week."
"Great. Excited na kong makita uli sila." Napabuntong-hininga siya nang makaramdam na naman ng kakaibang pagod kaya sumandal siya sa backseat ng malambot na couch, saka siya kumuha ng malambot ding throw pillow at niyakap iyon. Pero kahit gano'n, masaya pa rin siya at relieved na. "Masaya ako na maayos naman pala ang naging future nating magkakaibigan. Back in my time, fascinated ako sa future kasi hindi na ko makapaghintay malaman kung ano ba ang magiging buhay natin pagkatapos ng maraming taon. I can't wait to hear your exciting stories."
"We'll have plenty of time for that later, Gia. For now, you should rest." Tumayo na ito at lumapit sa kanya, pagkatapos, pinatong nito ang kamay sa ibabaw ng ulo niya. "Puwede ba kitang iwan munang mag-isa dito? Mag-uusap-usap lang kami sa lobby para sa arrangement mo. Everyone wants to spend time with you so we'll have to talk about your schedule."
Natawa siya. "I feel so important." Inalis niya ang kamay nito sa ibabaw ng ulo niya pero hindi niya binitawan ang kamay nito. "Kaya ko nang mag-isa, Vincent. I have to act like an adult here. Saka alam kong busy kayo kaya ayoko ring masyadong magpa-babysit sa inyo."
"But we want to," nakangiting katwiran naman ni Vincent na marahang pinisil pa ang kamay niya. "Anyway, baka gusto mo munang mag-shower para hindi ka mainip sa paghihintay sa'min." Ngumisi ito na parang may naisip na nakakatawa, saka siya nito marahang hinila patayo. "I bet you'll be impressed with the bathroom as well."
Gia laughed and gladly followed his lead while he was holding her hand firmly, like he didn't want to let go. She was really, really happy that in this era, she still had Vincent.