HINDI mapigilan ni Vincent ang mapangiti habang nakasandal at nakahalukipkip sa malamig at matigas na dingding ng elevator. Kahit ang reflection niya sa saradong double doors, ipinapakita sa kanya na mukha na siyang tanga sa kakangisi mag-isa. Pero hindi niya mapigilan lalo na't hindi niya maalis sa isipan kung ga'no ka-cute si Gia nang makita nito ang dadalawang buttons na ginagamit sa banyo para bumukas ang showerhead. "Bakit walang tabo at timba si Wendy?!" Natawa na siya nang maalala ang hindi makapaniwalang tanong na 'yon ni Gia na nanlalaki pa ang mga mata. Wala na siyang pakialam kung iniisip ng mga nakakapanood sa kanya sa CCTV sa loob ng elevator na nababaliw na siya. I've missed her innocence. Naging seryoso na uli siya nang makarating na sa lobby. Binaba niya ng husto ang vi

