8th Chapter

2257 Words
DECEMBER 15, 2017 NAGMULAT ng mga mata si Gia at sumalubong sa kanya ang kisame at ilaw na hindi pamilyar sa kanya. Nakakainis pero mabilis naalala ng isip niya ang mga nangyari kanina. Baka kahit wala siyang malay, pinoproseso pa rin ng utak niya ang mga kaganapan bago siya nawalan ng ulirat. 'Yong drug addict version ni Kuya Jeremy... 2017 theory... At nasa'n na naman ako? "Gia?" Napabangon si Gia nang marinig ang tumawag sa kanya. Napasinghap siya nang makita 'yong addict version ni Kuya Jeremy na nakatayo malapit sa pintuan. Mabilis niyang hinila ang comforter at tinakip 'yon hanggang sa leeg niya. Nasa kuwarto siya ng isang lalaking hindi naman niya kilala! "Anong ginawa mo sa'kin?" natatarantang tanong niya. Well, fully-clothed pa rin naman siya at wala siyang nararamdamang weird sa katawan niya pero hindi siya magtitiwala sa ibang tao lalo na't hindi pa niya maintindihan ang nangyayari! "Sisigaw ako kapag hindi ka agad sumago–" "Wala akong ginawang masama sa'yo," mabilis at mukhang natatarantang paliwanag naman ng lalaki na tinaas pa ang mga kamay para siguro hindi siya sumigaw. "Dinala lang kita dito sa ancestral house namin kasi hinimatay ka kanina. Tumawag ako ng doktor at no'ng tingnan ka niya, in-assure niya sa'kin na hindi naman daw malala ang kondisyon mo. Fatigue daw ang dahilan kung bakit nawalan ka ng malay kaya sinabihan niya kong pagpahingahin ka lang muna at painumin ng–" "Bakit hindi mo ko dinala sa ospital?" nagdududang tanong niya rito. "Kung matinong tao ka, dapat sa ospital mo ko dinala at hindi sa bahay mo!" "Hindi kita puwedeng dalhin sa ospital dito sa Malolos kasi baka may makakilala sa'yo," paliwanag nito sa pasensiyosong boses kahit na sinisigawan na niya ito. "A lot of things have changed in this town. Pero marami pa ring residente dito na nag-stay na puwedeng makakilala sa'yo. Magtataka sila kung bakit hindi ka tumanda sa ten years na dumaan. Baka magkagulo kung mangyayari 'yon. I-iyon lang talaga ang reason kung bakit dito kita dinala..." Namumula ang mukha nito na para bang naeeskandalo sa iniisip nitong iniisip niya. Inosente ba talaga ito o magaling lang umarte? Kung 'yong latter, posibleng con-artist ito na nagpapanggap na kakilala niya para lokohin siya! Tama! Con-artist ang lalaking 'to! "Bakit mo 'to ginagawa?" tanong ni Gia sa basag na boses. Wala naman siyang nararamdamang panganib sa lalaking nagpakilala bilang Kuya Jeremy pero hindi pa rin siya puwedeng magtiwala dito. Isa pa, natatakot siya sa nangyayari ngayon. "Wala akong pera kaya kung kidnapper o con-artist ka, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yong wala kang mapapala sa'kin kasi mahirap lang kami." Humigpit ang pagkakayakap niya sa comforter na binalot niya sa sarili. "A-At kung may masama kang balak sa puri ko, m-maawa ka sa'kin..." "Wala akong masamang balak sa'yo, Gia! Hindi nga ako pumapasok sa kuwarto para hindi ka matakot o ma-threaten masyado sa presence ko, eh," natatarantang giit ng lalaki na nanlaki pa ang mga mata. "I'm your Kuya Jeremy, okay? We were sort of friends before, you know." Humikbi lang siya. Sana nga, wala talaga itong balak na gawan siya ng masama. Mukha naman itong disente pero kailangan pa rin niyang maging alerto. "You once talked to me about the dreams you don't remember," parang desperadong sabi ng lalaki na nagpahinto sa mga hikbi niya. "No'ng binili mo 'yong night sky painting na binenta ko no'ng art exhibit namin no'ng junior year ko at sophomore year mo naman, sinabi mo sa'kin na parati kang nanaginip pero hindi mo naman maalala kung tungkol saan." Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. Kay Kuya Jeremy niya lang 'yon sinabi. Kahit kay Vincent, hindi niya 'yon sinabi dahil ayaw niyang magselos ang lalaki. Para sa kanya, random talk lang 'yon dahil gumaang ang loob niya sa night sky painting nito. Kaya bakit naaalala pa nito ang usapan nilang 'yon kung sa panahon nito, ten years na ang lumipas? "Sinabi mo rin na parati kang umiiyak at pagod kapag nagigising ka," pagpapatuloy ni Kuya Jeremy. "No'ng nakita mo 'yong night sky painting ko sa art exhibit ng club namin, ang sabi mo, bigla kang kumalma no'ng nakita mo 'yon. Ang sabi mo rin, mahilig kang tumingin sa night sky kasi naaalala mo kung pa'no kayo naging close ni Vincent Eusebio no'ng nasa grade school kayo. Kaya ang sabi ko sa'yo, ibibigay ko na lang sa'yo 'yon ang painting ng libre kasi kaibigan ka naman ng kapatid ko. Pero nag-insist ka na babayaran mo 'yon kasi ang sabi mo, magiging magaling na artist ako someday kaya dapat ngayon pa lang, binebenta ko na ang artworks ko." Accurate ang mga sinasabi nito! Totoo bang si Kuya Jeremy ang kaharap niya? Mahirap nang i-deny 'yon sa isipan dahil hindi niya kasama ang mga kaibigan niya nang mapadaan siya sa auditorium hall ng school nila kung saan ginanap ang art exhibit na 'yon. Hindi rin detalyado ang pagkukuwento niya sa barkada niya nang naging usapan nila ng lalaki no'ng time na 'yon. Hindi naman kasi 'yon big deal sa kanya at ayaw niyang bigyan ng reason si Vincent para magselos sa kuya ni Jericho. Unless may pinagsabihan si Kuya Jeremy ng eskaktong pinag-usapan namin that time, baka nga nagsasabi ng totoo ang taong ito... "One hundred pesos ang sinabi kong presyo sa'yo kasi A4 lang naman ang size no'ng night sky painting at may discount ang mga kaibigan ng kapatid ko. Nanghingi ka ng three days na palugit para sa reservation at siyempre, pumayag naman ako," pagpapatuloy nito sa pagkukuwento sa confident na boses. Na para bang pinapakita nito sa kanya na totoong ito nga ang Kuya Jeremy na kilala niya. "After three days, pinuntahan mo ko sa classroom para ibigay ang bayad mo. Ang sabi mo, ginawa mo 'yong Science project ng kapitbahay niyo para may pambayad ka. Natuwa ako sa pagiging madiskarte mo kaya binigyan kita ng free frame no'ng ako naman ang nagpunta sa classroom niyo para ibigay sa'yo 'yong painting. Vincent Eusebio glared at me with so much hate that time. Simula no'n, parati nang masama ang tingin niya sa'kin kapag nagkikita kami sa school. I was so scared of him then." Napangiti si Gia nang marinig ang pangalan ni Vincent. Para 'yong naging automatic niyang pampakalma. Isa pa, kumbinsido na siya na si Kuya Jeremy nga ang kaharap niya ngayon. Kung masamang tao ito, dapat kanina pa siya nito ginawan ng masama. "Kuya Jeremy...?" Umaliwalas ang mukha ni Kuya Jeremy. "Naniniwala ka na sa'kin?" Dahan-dahan siyang tumango. "Oo. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na nasa 2017 na ko kaya puwede mo ba kong i-convince pa na ten years na nga ang lumipas?" "Hindi mo ba naaalala kung pa'no ka napunta dito?" Marahan siyang umiling. "Ang huli kong naaalala, may Christmas party ang 3-1. Medyo blurred pero parang hinatid ako ni Vincent sa bahay. 'Tapos, hindi ko na alam. Baka natulog na ko 'tapos no'ng nagising na ko, nando'n na ko sa kalsada kung saan mo ko nakita." Kumunot ang noo niya. "Sobrang convenient na ikaw 'yong muntik makasagasa sa'kin..." "Madalas akong umuwi dito sa ancestral house namin since may plano akong ipa-renovate 'to," paliwanag nito. "Madadaanan ko talaga 'yong kalsadang 'yon pauwi dito. Nagulat na lang ako no'ng bigla kang sumulpot sa harapan ng daan. Mabuti na lang, nakapagpreno agad ako. Anyway, kung kalmado at malakas ka na, puwede mong i-check ang bahay. Nagpunta ka na dito sa'min no'ng minsang gumawa kayo ng project ni Jericho kaya I'm sure ma-ko-confirm mong ako nga si Jeremy." Tumango siya. Hindi siya pamilyar sa kuwartong 'yon dahil hanggang sala lang naman siya noon. Sinubukan niyang tumayo pero mabilis ding bumigay ang mga binti niya kaya napaupo uli siya. Sa kaunting pagkilos din na 'yon, hiningal na siya. "Hindi mo pa kaya, Gia," puno ng simpatya at pag-aalala na sabi naman ni Kuya Jeremy. "Uhm, may ibang ways pa naman para ma-prove kong nasa 2017 na nga tayo. Pero kailangan kong pumasok sa kuwarto at lumapit sa'yo. But don't worry because I won't touch you." Tumango siya. Gusto niyang mapatunayan sa sarili na hindi siya nababaliw kaya kailangan niyang mag-take ng risk. "Okay. Pero 'wag ka masyadong malapit, ha? Sorry. Ayoko pa kasing ibigay sa'yo ang 100% trust ko hangga't hindi pa ko 100% convinced na nasa 2017 nga ako." Marahan itong tumango. "I understand, Gia. No need to apologize." Minuwestra nito ang loob. "Puwede na ba kong pumasok?" Tumango lang siya pero binantayan niyang mabuti ang kilos nito. Pumasok ng kuwarto ang lalaki pero malayo naman ito sa kama kung saan siya nakaupo. Kinuha nito ang silya sa tapat ng dresser at dinala 'yon sa harap niya, saka ito umupo. "'Yong gadgets siguro sa panahon na 'to ang pinakamabilis na paraan para ma-convince kitang nasa 2017 ka na." May dinukot itong itim at pahabang bagay mula sa bulsa ng pantalon nito. Inabot nito sa kanya 'yon. "This is a smartphone. Well, may ganito na rin naman no'ng 2007 pero iba na ang hitsura ng phones ngayon compared sa time na pinanggalingan mo." Mabilis na kinuha niya ang phone at kunot-noong tinitigan 'yon. "Masyado 'tong manipis para maging cell phone 'no. Saka bakit walang keypad?" Halata sa mukha nito ang amusement nang ilahad ang kamay sa kanya. "Let me show you how smartphones work at this time, Gia." Binalik niya rito ang "smartphone." "Ga'no ka-smart ang cell phone na 'yan?" Halatang nagpigil lang ang lalaki, saka nito kinalikot ang phone na biglang nagliwanag. "Colored pa rin!" namamanghang komento naman niya at nakakahiya man, hindi niya napigilan ang panlalaki ng mga mata niya. "Ang laki at ang lapad ng screen. Pero bakit walang keypad? Sayang ang space!" "Meron 'tong keypad, Gia," pasensiyosong paliwanag nito, saka binalik sa kanya ang phone. "Touchscreen na ang mas uso sa mga phone ngayon kaya hindi na kailangan ng physical keypad." Napasinghap siya nang makitang may keypad nga sa loob ng screen! Siyempre, mabilis niyang pinindot ang nakikita niyang mga letter at number. Nanlaki na naman ang mga mata niya nang ma-type nga sa message box ang mga pinipindot niya. "Talaga bang cell phone 'to at hindi laruan? Baka naman pinag-ti-trip-an mo lang ako." "No, that thing is real," confident na sabi naman nito, saka ito naglabas ng isa pang smartphone mula sa kabilang bulsa. Mukha namang cell phone din iyon pero mas maliit lang at kulay pula pa ang housing. "Try calling me." "Bakit dalawa ang smartphone mo?" "Uhm, the one you're holding is my personal phone while I use the other for work," paliwanag nito. "Anyway, paki-long press mo 'yong number three sa keypad." Hindi man siya pamilyar sa hawak niyang gadget, alam pa rin naman niya kung ano ang ibig sabihin ng long press at iyon ang ginawa niya– pinindot ng matagal ang number three sa keypad. Umilaw ang hawak na phone ng lalaki at sa pagkagulat niya, lumabas ang picture nito sa malapad na screen ng smartphone. "Wow!" gulat na bulalas niya habang nakaturo ang isang daliri sa smartphone nito. "Lumabas 'yong picture mo! Ang linaw!" Ngumiti lang ito ng tipid, saka nito sinagot ang tawag kahit magkaharap naman sila. "Hello, Gia?" Napasinghap siya nang marinig ang boses ng lalaki mula sa hawak niyang phone kaya dinikit niya ang gadget sa tainga niya para makasiguro. "Kuya Jeremy, ang galing nito." Tumango ito, halata ang amusement sa mga mata. "Anyway, I'm hanging up. This looks weird." At naputol na nga ang tawag. Tinitigan uli ni Gia ang malapad na screen ng smartphone. Kakaibang picture ang wallpaper niyon. Parang magkakaibang kulay ng pintura na binuhos sa brick wall. 'Tapos may dalawang salita na nakasulat do'n in big letters: NOT AMUSED. Pero ang mas kumuha sa atensiyon niya ay ang nakita niyang oras at petsa sa right corner ng phone: 11:49PM/December 14, 2017. "You okay, Gia?" nag-aalalang tanong ni Kuya Jeremy. "Namutla ka na naman, eh." "'Yong pagbabago ng street at bahay namin, 'yong knowledge mo sa random talk namin ng Kuya Jeremy na naaalala ko, at ang advancement ng smartphones... enough na sila para maniwala akong nasa 2017 nga ako." Nag-angat siya ng tingin sa lalaki na puno ang simpatya. Sa totoo lang, ngayong napatunayan na niyang hindi siya nababaliw, nakahinga siya ng maluwag. Pero kasunod niyon, matinding pagkalito at pag-aalala na naman. Bigla tuloy nanikip ang dibdib niya. "Pero bakit at pa'no ako napunta dito sa future? Saka nasa'n ang parents at kapatid ko? Si Vincent? Ang barkada ko? Nandito pa rin ba sila sa Bulacan? Gusto ko silang makita, Kuya Jeremy. Puntahan natin sila, please. Hindi sila random people kaya hindi sila matatakot kahit makita nilang bumalik ako sa pagiging teenager. Ikaw nga na "sort of friend" ko lang eh hindi nag-freak out. Sila pa kaya na pamilya at barkada ko?" "Gia, relax. Breathe, okay?" Na-realize niya lang na nahihirapan na nga siyang huminga nang banggitin iyon ng lalaki. Napahawak siya sa dibdib at bago pa niya namalayan, patagilid na siyang nakahiga sa kama. Bigla siyang hinila ng matinding antok at pagod kaya kahit marami pa siyang gustong malaman, nawalan na siya ng lakas para magtanong man lang. "Gia, magpahinga ka muna," gentle na sabi ni Kuya Jeremy na tumayo at maingat na pinatong ang comforter sa katawan niya. Halatang siniguro nito na hindi madidikit sa kanya. "Bukas, sasagutin ko ang mga tanong mo." Tumango lang si Gia dahil iyon na lang ang kaya niyang gawin sa estado niya ngayon. This had been a weird night but she hoped that tomorrow would be better. Mama... Papa... Gio... Maj... Aron... Wendy... at Vincent, nasa'n na kayo ngayon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD