10th Chapter

1960 Words
BINILISAN ni Gia ang pagkain dahil excited siya sa sss na sinasabi ni Jeremy. Hindi naman masyadong mapakal ang mukha niya kaya pagkatapos niyang kumain, niligpit niya ang mesa at hinugasan niya ang mga plato at kawali. Nang matapos siya sa ginagawa, saka lang siya lumabas ng kusina at dumeretso sa living room. Naabutan niya si Jeremy na nakasalampak sa sahig at nakaharap sa coffee table kung saan may nakapatong na... "Laptop ba 'yan?" hindi makapaniwalang tanong ni Gia, saka siya nag-lotus position sa tabi ng lalaki para silipin ang laptop. "Lahat ba ng gadget ngayon, maliit na? Pero naaalala ko na nakita ko na sa TV 'yong ganyan. Pero hindi pa 'yan masyadong uso kasi mahal." Nangalumbaba siya habang nag-iisip at hindi maalis ang tingin sa screen. "Ah, oo. Netbook ang tawag d'yan, 'di ba?" "May netbook nga pero mas tamang sabihing laptop 'yan," paliwanag ni Jeremy. "Mas malaki ang laptop kesa sa netbook at mas pang-heavy duty. Anyway, I'll introduce sss to you. This works like Friendster. Puwede mong mahanap ang kahit sinong may sss account ngayon lalo na kung alam mo ang full name o username ng hahanapin mo." "Okay. May "sss" din ba ako?" "Wala," sagot nito habang busy sa pag-type sa keyboard. "Hindi ka mahilig sa social media." "Pero gusto ko ang Friendster. Kaya bakit hindi ko nagustuhan ang sss?" "Uhm, wala kayong social media account ni Vincent dahil ayaw niyong may makasilip sa relasyon niyo," paliwanag nito. "Kahit na public figure kayo pareho, gusto niyo pa rin ng privacy." "Ahh," tumatango-tangong komento niya. Hindi pa rin niya naiintindihan 'yon pero nagdesisyon siyang magtiwala na lang kay Vincent at sa adult version niya. Saka na-distract na siya nang makita ang nakabukas na website sa laptop ni Jeremy kung saan nakita niya ang picture at full name nito. "'Yan na ba 'yong account mo?" Dumukwang siya para idikit ang tainga niya sa screen. "Bakit walang background music? Ang sabi mo, parang Friendster lang 'yan?" Binigyan niya ng nagdududang tingin ang lalaki habang nakadikit pa rin ang tainga sa screen. "Hindi naman, eh. Ang plain din ng lay-out at theme ng account mo. Hindi gaya sa Friendster na puwedeng lagyan ng glitters at palitan ang cursor." Tumingin sa kanya si Jeremy at tumawa ng malakas. Mukhang hindi na nito mapigilan na matawa sa pagiging ignorante niya sa technology ngayon. Pero hindi naman siya nainsulto dahil nakikita niya ang pagkaaliw sa mukha nito. "You're so cute, Gia. Muntik ko nang makalimutan kung ga'no ka ka-cute at ka-inosente." Sa pagkagulat niya, umangat ang kamay nito at marahang hinaplos ang pisngi niya. Parang mas naging gentle din ang mukha nito. "I've missed you." "Bakit? Hindi na ba cute at inosente ang adult version ko?" Sumimangot siya at pumalataktak. "Nagbago ba ang values ko no'ng tumanda ako?" Ngumiti ito at umiling, pagkatapos, inalis na ang kamay sa pisngi niya. "Hindi naman sa gano'n. Hindi mo pa maiintindihan pero habang tumatanda ang isang tao, mas dumarami din ang emosyon niya. Bata ka pa kaya ganyan ka pa ka-inosente." Bago pa siya makapagtanong kung ano ang ibig nitong sabihin, marahan na nitong "inusod" ng kamay ang mukha niya palayo sa screen. "Anyway, sino ba ang una mong gustong hanapin sa mga kaibigan mo?" "Si Vincent!" "Wala nga siyang social media account. Puro fake accounts lang since marami siyang fans." "Ahh," tumatango-tangong sabi niya. "Si Maj na lang muna ang hanapin natin." "Okay," sagot nito. Nagsimula na itong i-type ang 'Maj Sy' sa search box. Maraming lumabas na account na may gano'n ding pangalan. Pero base sa nakita niyang mga picture, wala sa mga 'yon ang kaibigan niya. Pero nang i-type nito ang full name ni Maj, nakita agad nila ang account ng babae. "We found her. 'Yong display picture, siya 'yan, 'di ba?" "Oo, si Maj nga 'yan." Napapalakpak si Gia nang mapunta sila sa account ni Maj at matitigan niya ang "display picture" nito. Maganda pa rin ang kaibigan niya pero mas mature na itong tingnan lalo na't naka-makeup ito sa picture at red na red pa ang lipstick. Ang sexy din nitong tingnan dahil sa suot nitong putol na shirt na nagpapakita sa flat stomach nito. "Ang mature na niya." "Naka-private ang account ni Maj kaya hindi natin makita ang mga post niya," komento naman ng lalaki. "Pero ayon dito sa profile niya, CSR siya sa isang BPO company." "BPO company? CSR?" kunot-noong tanong niya. "Ano 'yon? May kinalaman ba 'yon sa pagsusulat ng script para sa mga movie?" Umiling ito. "No, Gia. Ang mga CSR eh mga agent na sumasagot sa tawag ng mga customer na kailangan ng tulong sa certain services na in-o-offer ng mga company." Ewan ba niya pero nalungkot siya sa narinig. "So wala 'yong kinalaman sa scriptwriting?" Tiningnan niya ang picture ni Maj. Mukha naman itong masaya habang naka-pout pa ang mga labi sa camera. Pero bakit hindi siya mapakali? "Nagbago rin ba ang pangarap niya?" "Puwede. Pero puwede mo namang itanong 'yon kay Maj kapag nagkita na kayo." Tumango lang siya at pinilit alisin sa isipan ang masamang kutob. "Puwede bang si Aron naman ang hanapin natin? His full name is Aron Anderson." "Sure." Maraming 'Aron Anderson' na lumabas sa resulta pero pagkatapos ng ilang segundong pag-ba-browse, napatili siya nang makita ang kaibigan. "That's Aron!" masayang bulalas ni Gia, saka tinuro ang account ng lalaki. "Okay. Let's go to his profile." Saglit itong natigilan. "Ah, naka-private din ang account niya." Napasinghap siya nang "mapuntahan" ni Jeremy ang profile ni Aron. Pagkatapos, hindi niya mapigilang matawa sa saya nang mabasa niya ang nakasulat sa profile ng kaibigan. "Naging dentist si Aron. Ang sabi niya dati, hindi niya gagayahin ang parents at older sister niya na pare-parehong doktor." Tinitigan niyang mabuti ang picture ni Aron. Mas mature na nga itong tingnan lalo na't may stubble na ito na nag-emphasize sa foreign features nito. Sa litrato, nakaupo ito sa isang reclining chair at nakasuot ng white robe. Todo-ngiti ang kaibigan (at napansin niyang naka-brace ito na bumagay naman dito) habang may hawak na model ng pustiso. "Dentista nga siya. I can't wait to hear his story." Kumunot ang noo niya nang may maalala. "Sila pa ba ni Maj?" Nagkibit-balikat si Jeremy. "Naka-private ang account ng friends mo at wala ring nakalagay na relationship status nila. I'm not close enough to your friends to know about their love life." "Malalaman ko rin naman 'yon kapag nakita ko sila," pag-console niya sa sarili, saka niya tinapik-tapik ang mga pisngi. "Anyway, gusto kong makita si Wendy." "Wendy is famous," sabi ng lalaki sa pantay na boses, saka nito kinuha ang smartphone at kinalikot 'yon. "Wala siyang f*******: account pero active siya sa i********:. We follow each other on IG since we've worked together before." "i********:?" nagtatakang tanong niya dahil nagsalitang alien na naman si Jeremy. "At bakit famous si Wendy? Ano bang work niya?" "'Yong first question mo muna: i********: is a photo-sharing app," sagot nito na siyempre, hindi na naman niya naintindihan. Pagkatapos, inabot nito sa kanya ang phone. "Second question: Wendy is famous because she has worked with several big stars in showbiz, including Vincent. Third question: She has worked with several celebrities because she's an influential fashion blogger and also a writer in a huge magazine. She always hangs out with famous people until she has made a name for herself." Muntik nang mabitawan ni Gia ang phone nang makita ang unang picture ni Wendy na sumalubong sa kanya– halos nakahubad na ang kaibigan sa picture! Sobrang baba ng neckline ng suot na dress ng babae kaya nakita na ang cleavage at valley ng dibdib nito. Ang mature nitong tingnan lalo na't naka-brush up ang sleek nitong buhok at naka-full makeup pa. Naka-pout pa nga ang mga labi nito na nude shade siguro ang lipstick na bumagay sa nude color ng sexy dress nito. Bagay na bagay ang kulay na 'yon sa pagiging morena ng babae. Sa totoo lang, nakakabigla ang pagbabago nito sa pananamit at pag-aayos. Conservative ang mahiyaing Wendy na kilala niya. Pero 'yong Wendy na tinititigan niya ngayon, mukhang fierce na at malaki ang kumpiyansa sa sarili. "Wendy is so gorgeous," nakangiti at puno ng paghanga na komento niya. Hindi niya alam kung ano ang fashion trend sa panahong 'yon pero ang sigurado lang niya, ang ganda-ganda ni Wendy dahil puno na ng confidence ang babae. Nakikita niya 'yon sa mga ngiti nito sa mga picture. "Alam kong ma-re-realize din niyang maganda siya. Nakaka-proud." Bumaba ang tingin niya sa ilalim ng picture kung saan may nakasulat na: realvincenteusebio, 6,069 likes "Ano 'tong "realvincenteusebio?" Si Vincent ba 'to?" nagtatakang tanong ni Gia, saka niya tiningnan si Jeremy na napansin niyang nakatitig na naman sa mukha niya. "Saka bakit may numbers sa ilalim ng picture ni Wendy? May heart at bubble thought pa. Nakakalito." "First question: that is Vincent's official i********: account though he rarely posts pictures," sagot ni Jeremy. "'Yong numbers naman na nakikita mo eh it means ganyan karaming i********: users ang nag-"like" o "heart" sa picture ni Wendy. Meaning, they literally like her picture." "Ah. Pa'no mabibilang ang "like" mo dito?" "Pindutin mo lang 'yong heart icon na nakikita mo or double tap the pic." Pinindot niya ang "heart icon." "Hey!" reklamo ng lalaki, nanlalaki ang mga mata. "Bakit mo ni-like ang picture ni Wendy gamit ang account ko?" Bumungisngis siya at nag-peace sign dito. "Eh gusto ko rin ang picture ni Wendy, eh. Ang ganda at ang sexy niya kaya dito." Binalik niya ang phone ni Jeremy na parang biglang na-stress sa ginawa niya. Nginitian niya lang ito ng matamis. "Gusto kong makita ang i********: account ni Vincent. Saka 'wag ka nang magalit kasi deserving naman ang picture ni Wendy para i-like mo." "I don't like pictures of girls I don't... ah, nevermind," iiling-iling na sabi nito habang kinakalikot ang phone. "O, 'yan ang account ni Vincent Eusebio pero wala masyadong post since hindi nga siya active sa social media. But look, his IG feed is interesting." Kinuha agad niya ang phone at natigilan siya sa "IG feed" na nakita niya. May siyam na frame ng pictures na parang collage pero napansin niyang sa iisang picture lang nag-originate ang nabuong image. Para bang puzzle ang mga litrato na pinaghihiwa-hiwalay ang mga parte at nang magtugma ang tamang mga piraso, nakabuo iyon ng napakagandang larawan. Si Vincent ang nasa sentro ng litrato. Nakasuot ito ng denim jacket at nakahalukipkip habang nakasandal sa railing sa likuran nito. Mukhang nasa rooftop ito ng isang mataas na building dahil nakikita niya ang ibang gusali sa paligid. And most importanty, he had the beautiful night sky behind him as a background. Vincent and the night sky were two of her most favorite things in the world so that collage was absolutely wonderful. "Ang guwapo pa rin ni Vincent," nakangiti at kinikilig na komento niya habang tine-trace ng daliri ang maliit na mukha ni Vincent sa picture. Mas malaki kasi ang sakop ng night sky sa litrato kaya mula ulo hanggang baywang lang ng lalaki ang makikita sa litrato. Gaya ng mga kaibigan niya, napansin niyang mas gumuwapo ito at nag-mature din. Pero may isang hindi nagbago– ang pagsimangot nito. "May suplado at masungit vibes pa rin siya." "Suplado at masungit pa rin talaga si Vincent," pagkumpirma ni Jeremy. "Kahit na nagsisimula na siya ng career sa pagiging artista, hindi pa rin siya nagpapakaplastik. Well, hindi naman siya rude. Mabait siya sa fans niya. 'Yon nga lang, pinapatulan niya ang mga basher at sinasagot ang mga reporter na nagkakalat ng fake news tungkol sa kanya. But overall, his fans love his genuineness." Natawa si Gia. "That sounds like Vincent indeed." Niyakap niya ang phone at nakangiting tiningnan si Jeremy. "Jeremy, gusto ko ng makita ang friends ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD