11th Chapter

2344 Words
"GIA, DON'T leave the house, okay?" "Sure," sagot ni Gia na nakadapa sa kama at titig na titig sa malaking flat screen TV. Kitang-kita sa mukha ng babae ang pagkamangha. "Grabe, Jeremy. Pati TV sa 2017, slim na rin. Sing slim ng smartphone at laptop mo." Napangiti lang siya sa sinabi ng babae. "Nasa paperbag 'yong malinis na damit at underwear na puwede mong gamitin. Maligo at magbihis ka na para pagdating ng mga kaibigan mo mamayang gabi, presentable kang tingnan. Ang dumi na kasi ng damit mo at baka hindi ka na comfortable since kagabi mo pa 'yan suot." Binigyan siya ng babae ng kakaibang tingin. "Ikaw ang bumili ng underwear para sa'kin?" Nag-init ang mga pisngi niya kahit alam niyang nang-aasar lang ito. He couldn't believe a child was capable of teasing him this way! Get a grip, man. "Siyempre, hindi. Kagabi pa ko nakiusap sa kasambahay namin sa Manila na mamili ng pambahay at casual clothes at underwear para sa isang payat na teenaged girl, 'tapos pinahatid ko siya dito sa driver namin para maabot sa'kin." Natawa ang babae at kapag tumatawa ito, lalo itong nagmumukhang bata. "Hindi ba nagtaka 'yong kasambahay niyo sa weird request mo?" Tumikhim siya para pagtakpan ang pagkapahiya niya. "Hindi ko 'yan naisip dahil emergency ang tingin ko sa sitwasyon mo kagabi. Pero salamat sa pag-bring up. Ngayon, hindi na ko mapapakali sa kakaisip kung ano ang iniisip ni Manang tungkol sa'kin. Thank you so much, Gia." Tinawanan lang nito ang sarcasm niya, pero mabilis ding nawala sa kanya ang atensiyon nito nang matapos na ang mahabang introduction sa simula ng concert ni Vincent Eusebio. Yep, ilang oras niyang dinownload ang tatlong solo concert ng singer habang nagluluto siya ng lunch kanina. Kailangan may pagkaabalahan si Gia habang wala siya sa bahay. Mukhang tama ang desisyon niya dahil nang ipakita pa lang si Vincent sa screen, tumili na ang babae na parang teenager. Wait, she is a teen. "Kapag may problema, tawagan mo lang ako," bilin ni Jeremy sa babae na tutok na tutok na ang mga mata sa TV at ngiting-ngiti pa. "I-long press mo lang number one sa keypad. Tinuruan na kita kung pa'no gamitin ang phone ko, 'di ba?" "Oo. Alam ko na 'yon," distracted na sagot nito dahil nagsasalita na si Vincent sa pinapanood nito. "Kapag nagutom ka, may cake sa ref o kaya initin mo na lang 'yong leftover ng lunch natin kanina," pagpapatuloy niya. "Dadalhan kita ng pasalubong pag-uwi ko. Anong gusto mo?" "Mcdo!" Nilingon siya ng babae, nanlalaki ang mga mata. "Wait, may Mcdo pa naman sa Pilipinas ngayong 2017, 'di ba?" Natawa siya ng mahina. "Of course. Hindi na yata mawawala ang Mcdo sa'tin." Halatang nakahinga ito ng maluwag. "Thank God for Mcdo." Na-glue na naman ang mga mata nito sa TV nang magsimula nang kumanta ng original song si Vincent. "Bye, Jeremy. Ingat." Tumango lang si Jeremy, saka niya maingat na sinara ang pinto. Alam niyang wala ng sense na magpaalam pa kay Gia verbally dahil nakatuon na ang buong atensiyon nito kay Vincent– kahit pa nasa TV lang ang lalaki. She doesn't really remember me the way I wish she does. It sucks, but what could he do? Wala namang may alam kung pa'no napunta sa future ang teenager na si Gia. Hindi rin kasalanan ng batang version nito kung hindi nito alam ang tunay na sitwasyon ngayon. She came from 2007 so naturally, she had no idea of what happened for the past ten years. Bumuga na lang siya ng hangin at lumabas na ng ancestral house. Ayaw niyang iwan si Gia pero kailangan talaga niyang umalis para i-"brief" ang mga kaibigan nito sa kakaibang pangyayari na 'yon. Pagsakay pa lang niya ng kotse, tiningnan na niya ang "work" phone niya (iniwan niya ang personal phone niya kay Gia dahil mas nagamay na 'yon ng babae). Ang dami niyang missed call at mga text mula sa magkakaibang tao. Wendy E. Maj Sy. Aron Anderson. Vincent Eusebio. "Huh. Some people are finally taking me seriously, huh?" bulong ni Jeremy sa sarili habang iiling-iling. Binabasa kasi niya ang text ng mga kaibigan ni Gia. "These children don't know how to chill." Ang totoo niyan, nagsinungaling siya kay Gia kanina. Hindi totoong wala siyang masyadong alam sa mga kaibigan nito. Kahit pa'no, konektado siya sa naging buhay ng mga ito sa lumipas na sampung taon. Para bang may malakas na puwersang humihila sa kanila palapit sa isa't isa kaya kahit ayaw nila, hindi pa rin tuluyang naghihiwa-hiwalay ang mga landas nila. Ga'no man lumawak ang mundo ng bawat isa, parati pa rin silang nagkakaro'n ng dahilan para magsama-sama uli. Well, he was admittedly an insignificant part of the clique but still, he often found himself involved with this tight group of friends somehow. Just like now. But of course, Gia was their only "common denominator"– always had been, always would be. From Vincent Eusebio: "Follow the plan we've made last night. I'm not sure if I could make it in time so please take care of Gia for me. And don't let our friends overwhelm her with their bombs." Bombs. Code iyon na naiintindihan ni Jeremy kahit hindi na ipaliwanag ni Vincent. Napailing na lang siya sa pagiging bossy nito. Mukhang ako na naman ang magiging babysitter ng barkada na 'to, ha? Barkada? Muntik na siyang matawa sa sarili. Madalas niyang marinig kay Gia ang salitang iyon noon pero hindi na ngayon. 'Squad' na kasi ang modern at "millennial" term ngayon para sa barkada. Pero ngayong bumalik ang teenager na Gia, mukhang mapapa-throwback din silang lahat. Throwback. She would like that word for sure. Napangiti siya at nagsimula nang mag-drive papunta sa café kung saan sila nagkasundo-sundong magkita-kita. Maliban kay Vincent na kabababa lang ng eroplano at bibiyahe pa pa-Bulacan. Sana lang, hindi ma-stranded sa airport ang singer na madalas sinasalubong ng mga showbiz reporter. Si Vincent ang una niyang pinagsabihan sa pagsulpot ni Gia dahil, well, hindi naman talaga mapaghihiwalay sina Vincent at Gia sa anumang timeline. May direct contact siya sa lalaki dahil magkatrabaho sola at "sort of friends" na rin. Nag-video call siya sa singer para ipakita ang natutulog na si Gia (pagkaalis ng doktor na tumingin dito kagabi) para patunayang totoo ang email niya rito. Sinabi niya rito na ang huling memory ng babae ay ang Christmas party ng 3-1. And it was also the fateful day that changed their lives. The very moment that the "center" of 'their' universe didn't remember. "Only tell Gia the things I want her to believe for now," bilin sa kanya ni Vincent sa videocall pagkatapos nitong sabihin sa kanya ang mga bagay na gusto nitong sabihin niya kay Gia. Kilala nito ang babae kaya siguro may ideya na ito sa mga itatanong ng teenaged girl kapag nagising. "Ako na ang bahalang magsabi ng nangyari sa barkada namin. Sasabihan ko rin sila na i-private muna ang mga account nila para walang makita si Gia. And please, Jeremy. Don't get her too familiar with social media platforms." Humugot ng malalim na hininga si Jeremy pagkatapos i-park ang kotse niya sa tapat ng concept café kung saan sila nakipagkita kina Maj, Aron, at Wendy. Malapit lang iyon sa bahay niya dahil hindi siya mapapakali kung sa Manila pa siya makikipagkita. Hindi niya puwedeng iwan ng matagal si Gia ng nag-iisa, lalo na't hindi ito familiar sa modern furnitures at appliances. Tatlong full concert videos naman ni Vincent ang na-download niya kaya meron siyang mahigit tatlong oras ngayon. Kailangan niyang makauwi agad bago pa ma-bore ang "alaga" niya at magdesisyong lumabas ng bahay kahit sinabihan niya itong huwag lalabas. The last time she sneaked out of the house, something really bad happened. Let's get this done and over with. Bumaba siya ng kotse at nakakainis man, pagkasara pa lang niya ng pinto, bigla na siyang nakaramdam ng panghihina. Sumandal muna siya sa sasakyan at mariing pumikit. Kapag gano'n ang nararamdaman niya, kadalasan, nawawalan siya ng malay at dumadanas ang katawan niya ng matinding pananakit. 'Wag kang sumabay ngayon, please. Mukhang nakisama naman sa kanya ang katawan niya dahil ilang minuto lang, bumuti na uli ang pakiramdam niya. Bago pa siya muling "atakihin," dumeretso na siya sa loob ng café. Hapon niyon pero kaunti lang ang customers. Nakita agad niya sa sulok ang mga hinahanap nang kawayan siya ni Aron. Paglapit niya sa mesa, napansin niyang tahimik at parehong nakasimangot ang dalawang babae. Awkward. Wendy looked gorgeous in her simple outfit: white 'boyfriend polo' with three buttons opened which exposed the valley of her breasts, denim short shorts, and black ankle books. She had her ash blond hair in a high ponytail and she wore huge sunglasses. Her lips were bloody red and she seemed to have less makeup at the moment but her skin still glowed beautifully. Long gone were her acnes and dark spots – the girl was flawless now and she wasn't afraid nor shy to show it. Maj, on the other hand, still looked pretty as before. But contrary to her f*******: display picture, the girl had gained weight over the years and it showed in her chubby cheeks and bloated belly that her loose gray shirt failed to hide, if that was her intention for wearing a shirt that looked too big for her size. Her face remained beautiful and the reason she gained weight was none of his business. "Long time no see, Jeremy," nakangiting bati sa kanya ni Aron nang umupo siya sa tabi nito, sa tapat ni Wendy na katabi naman si Maj pero masyadong malaki ang space sa pagitan ng dalawang babae. Anyway, the dentist looked decent and smart in his tailored dress shirt that showed the fruits of his religious workout in the same gym as Vincent and him. Yeah, we're sort of gym buddies. "So, what's up–" "Let's just get straight to the point," malamig na pagputol ni Wendy sa pangangamusta ni Aron. Kahit naka-shades ang babae, ramdam niyang sa kanya naka-focus ang matalim nitong tingin. "Vincent sent us a weird email with a strange video last night." "That was Gia in the video!" halatang iritadong sabi naman ni Maj na masama ang tingin kay Wendy. "Hindi ka naman bulag kaya bakit hindi ka naniniwala na napunta nga ang teenaged version niya dito sa future? Well, future para sa kanya at present namin natin." Tumawa ng mahina si Wendy habang iiling-iling– tawa na walang buhay at halatang iniinsulto lang si Maj na namula naman ang matatambok na pisngi sa galit. "I've always known you're stupid but I didn't realize you could be this foolish until now, Maj. Naniniwala ka ba talagang mapupunta sa future ang isang tao? Do you think we're in some low-budgeted sci-fi film?" "I've always known that you're an insecure, manipulative b***h but I didn't realize you could be this desperate, Wendy," nakangising ganti naman ni Maj na bumura sa ngiti ni Wendy. "Natatakot ka ba sa teenaged Gia na malamang eh napunta sa time na 'to para putulin ang delusions mo?" Hinubad ni Wendy ang suot na shades at napansin niyang nakasuot ito ng light brown contact lense bago nito nilingon si Maj para bigyan ng masamang tingin. "Bakit naman ako matatakot sa isang bata eh wala naman akong ginagawang masama?" "Exactly," natatawang sagot ni Maj. "Bakit nga matatakot kung wala kang ginagawang masama?" Hindi nakasagot si Wendy pero namula ang mukha nito sa matinding galit. "Oh, man," iiling-iling na komento naman ni Aron habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa dalawang babae. "Kung nandito lang si Gia..." "Nandito nga si Gia," mariing sabi ni Jeremy dahilan para tumingin sa kanya ang lahat ng kasalo niya sa mesa. Nanatili siyang seryoso para seryosohin din siya ng mga ito. Isang taon lang ang tanda niya sa mga ito pero sigurado siyang mas mature siya sa grupo at iyon ang gusto niyang ipakita. "Hindi siya kamukha ni Gia na pinagpapanggap namin para lang pag-trip-an kayo. We're not that close to begin with so why would I play a prank on you? Plus, tingin niyo ba mag-pa-prank si Vincent gamit si Gia? Puwede niyang paglaruan ang lahat ng babae sa mundo pero hindi si Gia. We all know it." Hindi nakasagot ang tatlo pero alam niyang nakukumbinsi na niya ang mga ito na totoo ang mga sinasabi niya ngayon. "Hindi ko rin alam kung bakit napunta ang teenaged Gia dito," pagpapatuloy niya sa seryosong boses. "Pero ang huli niyang memory eh 'yong memory ng Christmas party ng Section 3-1." The three suddenly went pale. "f**k," bulong ni Aron sa frustrated na boses, saka inihilamos ang mga kamay sa mukha. "If that's true, then life must be playing a cruel game on us." "That girl really loves dramatic entrance," nakangiti pero emosyonal na komento ni Maj. "Siya nga talaga ang Gia natin." Tiningnan siya ng babae na may pag-aalala sa mukha. "Sinabi mo na ba kina Tita Gina ang nangyari?" Marahan siyang umiling. "Ang sabi sa'kin ni Vincent, huwag daw muna nating sabihin sa family ni Gia ang nangyari. Nasa Hongkong pa kasi sina Tita Gina kaya mas okay daw kung hintayin na lang natin silang makauwi ng Pilipinas. Kaya for now, gumagawa muna ako ng excuse para hindi magpumilit si Gia na puntahan namin ang family niya." Napapitik siya sa ere nang may maalala. "By the way, Gia has come up with her own theory. Iniisip niyang nagkapalit ang adult at teenaged version niya. Sakyan niyo na lang ang theory niya para hindi siya matakot sa nangyayari sa kanya." Halatang nalungkot sina Maj at Aron na parehong tumango lang. "I still can't believe this," halatang naiinis na sabi ni Wendy, saka siya tiningnan ng masama. "You're wasting our time, Jeremy. Kayo ni Vincent, pina-absent niyo ba kami sa trabaho para lang sa ka-bullshit-an na 'to? If that's the case, then I'll just leave–" "Let's go to my house and meet teenaged Gia yourself," hamon ni Jeremy. "And just so you know, your de facto leader Vincent Eusebio is on his way to see his girl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD