33rd Chapter

1675 Words

NAGULAT si Gia nang pagbukas niya ng pinto, sumalubong sa kanya si Vincent na inalalayan siya sa pagbaba. Mukhang nanghihina talaga siya dahil pagbabang-pagbaba niya, bigla siyang napasandal dito. Hindi yata ito natuwa sa panghihina na malamang ay naramdaman nito sa kanya kaya walang sabi-sabing binuhat na siya. Hindi na nagreklamo si Gia dahil wala na siyang lakas na magmatigas. Kumapit na lang siya sa leeg ni Vincent at tumingin sa harap kung saan nakita niyang binubuksan ni Jeremy ang gate. Halatang nagulat ang lalaki nang makita siyang buhat-buhat ni Vincent. "Gia, 'you okay?" nag-aalalang tanong ni Jeremy nang lumapit sa kanya. "Ano'ng nangyari?" "Medyo napagod lang ako," sagot niya para palisin ang pag-alala nito. "Anong medyo?" sita ni Vincentna kunot-noong nakatingin sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD