December 21, 2017 (5:39 AM) "GIA, ARE you okay? Narinig ko kasing umiiyak ka no'ng napadaan ako dito sa room mo." Suminga muna si Gia sa hawak na tissue bago siya nag-angat ng tingin kay Jeremy na nakasilip sa nakabukas na pinto ng kuwartong inookupa niya sa bahay nito. Base sa porma nitong fitted white shirt, jogging pants, at running shoes, mukhang may balak mag-jogging ang lalaki. "I'm not okay," sagot niya sa basag na boses, saka inginuso ang kaharap na laptop habang nakahiga sa kama. "Nanonood ako ng Boys Over Flowers. Naisipan kong i-Google ang difference ng Korean adaptation sa Meteor Garden. 'Tapos, may article na lumabas tungkol kay Barbie Shu. Kasal na pala siya, 'tapos, may anak na rin. Pero hindi si Vic Zhou ang nakatuluyan niya. Sila pa naman ang gusto ko." Naisip niyana pa

