PANIMULA
NAKAHALUMBABA SI DAISY habang ang tingin ay nakatuon sa may pinto ng maliit niyang opisina. Nasa Macalintal Sweet Restaurant siya. She's the owner of the said reastaurant and manager at the same time. Minana lang niya ito sa namayapa niyang mama. Halos araw-araw ay nandito siya dahil palagi siyang kailangan dito. Hindi naman niya puwedeng iwan ito na walang nag-aasikaso dahil nangako siyang siya mismo ang mamahala ng restaurant ng mama niya.
She heaved a deep sigh. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ngayon ay pagod na pagod siya kahit kakarating lang niya. Kailangan niya yata ang asawa niyang si Hugo ngayon. Isang taon na silang kasal ni Hugo at iyong totoo'y wala pa silang anak. Anak lang ang gusto niya, para hindi na siya mapapagod araw-araw kakaupo.
Natigilan na lang siya sa malalim na pag-iisip nang biglang may kumatok sa pintuan ng opisina niya. Bago siya sumagot, inayos muna niya ang kaniyang suot na bahagyang nagusumot. Kapagkuwan ay umupo siya nang maayos. Nang makuntento, saka lamang niya ibinuka ang bibig.
"Pasok!"
Nang magbukas ang pinto, pumasok doon si Nicole habang may hawak pang tray. Si Nicole ay isa sa mga waitress niya. Kaagad na nangunot ang noo niya ng mga oras na iyon. She thought it was a guest, but she was wrong.
Naglakad si Nicole patungo sa kaniya. "Ma'am Daisy, may lalaki pong naghahanap sa inyo," anito.
Lalo pang nangunot ang noo niya. "Lalaki? Tinanong mo ba ang pangalan niya?" tanong niya.
"Lalaki po siya pero hindi ko po natanong ang pangalan niya. Sabi niya magkakilala raw po kayo. Pero parang hindi po siya lalaki, p-parang bakla po, Ma'am Daisy. Pero tingin ko lang po iyon, a. Nasa T12 po siya."
T stands for table.
Tumango siya. "Sige, lalabas na ako. Nga pala, kapag labas mo ay tawagin mo kaagad si Chef Alvin dahil kakausapin ko siya. May ipepresinta kasi akong bagong recipe na tiyak na magugustuhan ng marami. Sige na, lumabas ka na," nakangiti niyang sabi kay Nicole.
Tinanguan lang siya nito bago lumabas ng opisina niya. Samantalang siya naman ay tumayo at nilakad ang pinto para makalabas. Sino kaya iyong tinutukoy ni Nicole? Lalaki tapos parang bakla? Magkakilala pa raw sila? Napailing na lamang siya.
Nang makalabas, kaagad niyang dinako ang tingin sa T12 at may nakita siyang nakaupo roong isang lalaki at nakatalikod ito. Naku-curious tuloy siya kung sino ito. Kaya naman hindi na niya pinatagal pa ang oras, naglakad na siya patungo sa lalaki.
"Good morning, sir. Ano pong kailangan niyo?" magalang niyang tanong nang makarating sa likod nito.
Dahan-dahang humarap ang lalaki. At ganoon na lamang ang gulat niya nang mamukhaan ito. Hindi siya maaaring magkamali. This man, she knows this man. It's Joshua, her bestfriend.
"Yuck, Daisy. Did you call me sir?" parang nandidiring tanong nito at iminuwestra ang upuan sa harap nito. "Sit there, may pag-uusapan tayo," sabi pa nito.
Oo nga pala, Joshua is a gay! Nicole's right.
She nodded and walked towards the chair. She sat down and looked at Joshua. "It's been a year nang makita natin ang isa't-isa. Saan ka ba nanggaling at nawala ka na lang na parang bula?" kunot-noo niyang tanong sa kaibigan.
"I'm sorry kung nawala ako. My family problem kami before and my mommy decided na pumunta muna kami sa Spain para roon muna magbakasyon. Kaya nawala ako and yes, I came back and I won't leave you."
Napatango siya. "That's good. I thought you already forgot our friendship."
"No, hindi ko kinalimutan ang pagkakaibigan natin. Nag-unwind lang ako. Nga pala, nandito ako para imbitahan ka sa birthday party ng mommy ko this Saturday. Ano, pupunta ka ba?" nangingiting tanong nito.
"Oo naman, I will come. Na-miss ko na rin kasi si tita, e."
"Thank God, she misses you too. Sige na, hindi na ako magtatagal since may pupuntahan pa ako. Saka na tayo mag-usap nang todo kapag hindi na ako busy. Bye, Daisy. I love you."
Tumayo ito kaya naman tumayo rin siya.
"Sige, mag-ingat ka. Dadalo ako, asahan mo iyan. I love you too," aniya.
Nagyakapan pa silang dalawa at bago umalis, hinalikan muna siya ni Joshua sa pisngi niya. Bahagya siyang nagulat doon pero hindi niya iyon binigyan ng malisya since magkaibigan lang naman ang turing nila sa isa't-isa at hindi siya umaasang magugustuhan siya nito. Lalaki ang gusto nito at hindi katulad niyang babae. Pero hindi niya nakikitaan ng kabaklaan si Joshua. Sa mga mata niya, lalaking-lalaki ito. Sadly, he chose to be a gay.
Napabuga na lamang ng hangin mula sa bibig si Daisy at bumalik na sa munti niyang opisina. 'Pagpasok niya, saktong pumasok din si Chef Alvin. Kaya naman inumpisahan na niyang i-discuss ang bagong recipe na ihahain sa restaurant niya.
Nang sumapit ang gabi, umuwi na rin siya sakay ng kotse niya. Nasa bahay na kaya ni Hugo? Hindi niya masasabi kung nasa bahay na ba nila ito o wala pa. Minsan kasi'y gabing-gabi na kung umuwi ito galing sa trabaho. Mina-manage nito ang Ellis Hardware na minana pa ng asawa niya sa papa nito. Malaki ang hardware ni Hugo at maraming mga branch dito sa bansa.
Nang nakarating sa bahay nila, sarado ang ilaw. Isang lang ang ibig-sabihin noon, Hugo isn't home. Hindi na bago iyon sa kaniya. Ayaw niyang paghinalaan ang asawa niya. Nang maigarahe niya ang kaniyang kotse sa garahe, nangunot ang noo niya nang makita ang kotse ni Hugo. Wait, he's home?
Sunod-sunod siyang napailing at bumaba sa kotse niya saka tinungo ang main door ng bahay nila. Kinuha niya ang susi sa bag niya para mabuksan ang pinto. Pero laking gulat niya nang makitang hindi iyon naka-lock. Kaagad siyang kinabahan ng mga sandaling iyon. Inangat niya ang kamay at itinulak ang pinto, bumukas ito. Baka nasa loob na si Hugo. Pero bakit hindi bukas ang ilaw?
Nang mabuksan niya ang pinto, kinapa niya ang switch ng ilaw. Nang makapa, kaagad niya iyong pinundot at bumungad ang isang lalaki sa kaniya. Medyo malayo ang puwesto nito sa kaniya. He's holding a bottle of wine. It's Hugo, her husband.
"W-What are you doing there?" tanong niya saka naglakad palapit sa asawa.
Pero umatras ito. Habang naglalakad siya, umaatras naman ito. Anong nangyayari rito? Gulong-gulo siya, hindi niya alam ang gagawin niya. Kaya naman tumigil siya sa paglalakad, tumigil din ito sa pag-atras.
"Anong nangyayari sa iyo, Hugo?"
"Anong nangyayari sa akin?" tatawa-tawa nitong tanong saka itinapon ang hawak nitong bote dahilan para mabasag iyon. "Anong nangyayari sa akin?!" kapagkuwan ay sigaw nito.
"Bakit ka sumisigaw? What did I do para ganituhin mo ako?" Tears from her eyes fell down to her cheeks.
"What did you do? Bakit ako ang tinatanong mo niyan, Daisy? Ask yourself at para malaman mo!"
"Hindi kita maintindihan. Bukas na lang tayo mag-usap. You're drunk," aniya saka dinako ang direksyon ng kusina.
Nakakailang hakbang pa lang siya, bigla itong nagsalita. "You are a cheater, Daisy! Manloloko ka! Paano mo nagawang manlalaki? I saw you lately, nakipag-usap, yumakap, at hinalikan ka ng lalaki mo. Lahat iyon, nakita ng mga mata ko. Don't deny it, Daisy! Manloloko ka!"
Kaagad na nanlaki ang mga mata niya dahil sa tinuran nito. Manloloko siya kasi may lalaki siya? Paano naman nito nasabi iyon? May ebidensya ba ito na may lalaki talaga siya? She clenched her fists in annoyance and faced at her husband.
"I'm not a cheater, Hugo! Wala akong la—"
"Don't deny it! Ano ito?" From his pocket, kinuha ni Hugo roon ang sariling cellphone kapagkuwan ay lumapit sa kaniya. "I have evidences na may lalaki ka, Daisy. Huwag mo nang ipagkaila pa, niloloko mo lang talaga ako. What is this?" nakatiim na wika nito saka hinarap ang cellphone sa kaniya.
She saw herself and.. and Joshua? Tama ba ang pagkakaintindi niya? Inaakusahan siya nitong may lalaki siya? Oh God, hindi niya lalaki si Joshua. Iyong picture na ipinakita nito, kanina lang iyon. Iyong pag-uusap nilang dalawa ni Joshua.
"He's my friend. He's Joshua. At bakla siya, paano ko magig—"
"Shut up!" nanggagalaiting anas ni Hugo. "Pinuputol ko na ang ugnayan natin. Maghiwalay na tayo! I don't love you anymore! Magsama kayo ng lalaki mo!" At padaskol itong tumalikod— iniwan siyang nakatulala.
Dahil lang doon, nakipaghiwalay na ito sa kaniya? Hindi man lang siya nito pinagpaliwanag nang maayos. Hindi na niya namalayan na unti-unti nang tumutulo ang luha sa kaniya mga mata at ilang segundo pa ang lumipas, rumagasa na ang mga iyon. Hindi siya makapaniwala sa inakto ng asawa niya. Hindi siya gagawa ng ikakasira ng relasyon nilang dalawa. Napaupo na lamang siya sa sahig at doon umiyak nang umiyak!