KABANATA 2

2848 Words
MAHAHAROT NA MUSIKA ang nangingibabaw ngayon sa magkabilang taingan ni Daisy. Abala siya sa pag-iinom ng mapait na alak at gumuguhit ang pait noon sa lalamunan niya kapag lumulunok siya. Inis na inis siya sa sarili niya ngayon dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Gusto niya nang wakasan ang kaniyang buhay pero hindi naman niya magawa. Hindi na niya mahal si Hugo nang iwan siya nito at kinalimutan na rin niyo pero bakit ganoon? Bakit palaging pinupuno nito ang utak niya? Napamura siya sa sarili at tumungga sa hawak niyang baso. This isn't enough. Uuwi lang siya kapag hindi na niya kaya. Kung maaari nga'y lumupasay na siya sa sahig. Wala siyang ideya kung bakit niya gustong mangyari iyon. Isa lang ang goal niya ngayong gabi, at iyon at tanggalin ang pagka-inis sa sarili. "Are you for real, Daisy?" Natigilan siya sa malalim na pag-iisip nang marinig iyon mula sa kaniyang likuran. Ibinaba niya ang hawak na baso at hinarap iyon. Bahagya siyang nagulat nang makita si Joshua, ang bakla niyang kaibigan. "What do you mean?" walang buhay niyang tanong dito saka muling humarap sa posisyon kanina, kinuha ang baso, at muling uminom doon. "I mean, seryoso ba iyang pinaggagagawa mo? You're drinking. Alam mo ba iyon?" anang Joshua at umupo sa stool na nasa tabi niya. "Seryoso ako na ginagawa ko ito, ang mag-inom. Bakit ka ba nangingialam? Bakit hindi mo ako iwanan? I want to be alone!" "You're just joking, Daisy! Alam ba ito ng asawa mo? Where is he? Gusto mo bang ipasundo na kita sa kaniya?" Natawa siya. Hindi pa nga pala niya nasasabi ang tungkol sa kanilang dalawa ni Hugo. At dahil sa maling akala nito, nakipaghiwalay ang walang hiya niyang ex-husband. Hindi niya maaaring sisihin si Joshua hindi dahil ito ang naging ugat kung bakit ginawa ni Hugo ang makipaghiwalay sa kaniya. Wala siyang maaaring sisihin dahil alam niya sa sarili niya na wala silang label ng kaibigan niya. Tarantado lang talaga si Hugo dahil hindi muna nito inalam ang katotohanan. "Gaga ka, wala na kami ni Hugo," natatawa niyang wika saka inubos ang laman ng baso kapagkuwan ay binalingan ang bartender na nasa harap lang din niya. "Isa pa nga," aniya. Kaagad namang tumango ang bartender at muling sinalinan ng alak ang baso niya. Nang mangalahati, ibinigay na nito ang baso sa kaniya. Daisy gave the bartender a smile before she looked at Joshua who looks shocked. Kita niya sa mukha nito ang matinding gulat at bahagya pang nakanganga ang bibig. Muli siyang natawa saka uminom ng alak. "Wala na kayo ni Hugo? How does it happen, huh?" takang tanong ni Joshua. "Dahil sa malaking akala," sagot niya na hindi man lang ito binibigyan ng atensyon. "Kanino?" "Sa iyo!" diretsahan at walang pag-aalinlangang sagot niya saka bumaling dito. Lalo pang bumakas ang gulat sa mukha nito at sinamahan pa ng pagtataka. "Nang dahil sa akin kaya nakipaghiwalay si Hugo sa iyo? Paano nangyari iyon, Daisy? I'm a gay and we don't have an affair. Can you explain it to me, huh? Hindi ko maintindihan ang nangyayari ngayon," naiiling na bulalas nito saka bumaling sa bartender. "Can you give a glass of rum?" tanong ni Joshua rito. Nakita ni Daisy na tumango ulit ito habang si Joshua naman ay parang natakot dahil sa hitsura nito ngayon. Gusto niyang tawanan ito pero ayaw niya dahil iba itong magalit lalo pa't mag-iinom ito ngayon. Hindi pa siya lasing at alam niyang tama pa ang iniisip niya. Nakakatatlong baso pa lang siya. Nang maibigay ng bartender ang order ni Joshua, saka siya nagsalita. "Naalala mo ba iyong pinuntahan mo ako sa restaurant ko? Iyong iniimbitahan mo akong pumunta sa birthday party ng mommy mo?" Tumango ito. "Yeah, I remembered that, why?" "Sinabi sa akin ni Hugo na papunta na sana siya sa loob nang bigla niya akong nakita na kasama ka. Sinabi niya na niyakap mo raw ako at hinalikan pa sa pisngi. May ipinakita siya sa aking mga larawan na magkasamang tayong dalawa. I tried to explain him na magkaibigan lang tayo pero hindi siya naniwala sa akin. Sinabi ko na bakla ka pero wala talaga kaya ayon, she broke up with me and left me alone!" natatawa niyang paliwanag dito saka sunod-sunod na nilagok ang laman ng basong hawak niya at inubos iyon. Nang maubos na, marahan niya iyong ibinaba sa counter at nangingiting nag-angat ng mukha sa kaibigan. "Bakit hindi siya naniwala sa iyo?" tanong ni Joshua. Umiling siya. "Hindi ko alam sa tarantadong iyon. Wala na akong magagawa, ayaw ko nang ibalik ang lahat. Kung bibigyan siya nang pagkakataong makipagbalikan sa akin, huwag na... hindi ko na siya tatanggapin. Kinalimutan ko na ang gagong iyon! I don't love him anymore!" "Kapag nakita ko ang mukha ng asawa mong iyon, babangasan ko siya!" may kadiinang saad ni Joshua saka inubos ang laman ng basong hawak. "Hindi mo siya kaya, bakla ka! Hindi mo kayang kalabanin ang gagong iyon dahil mas malakas at mas laki ang katawan niya kaysa sa iyo. Hindi mo siya kaya, pinapangako ko iyan. Kung gusto mo talaga siyang bangasan, magpakalalaki ka!" may kalakasan niyang saad saka tumayo sa kinauupuan ay hinawakan ang isang kamay ni Joshua. "Hindi ako magpapakalalaki, no! And hey, don't touch me. Kung lalaki ka, papayag ako! Aalis na ako. Ikaw na ang magbayad ng ininom ko!" nakairap na wika nito saka binawi ang kamay na hawak niya at walang ano-ano'y umalis. Gusto lang naman niyang makipagsayaw dito, e! Tsk! "Gaga ka talaga, Joshua! Gusto mong tulian kita?!" natatawa niyang sigaw habang tinitingnan ang papalayong bulto nito. Hindi niya mapigilang makita ang mga taong nakatingin sa kaniya. Naitaas na lang niya ang mga kilay niya saka umupo sa kinauupuan kanina at muling um-order ng alak. Lulunirin niya ang sarili sa alak para matahimik naman ang utak niyang walang ibang laman kundi ang tarantado niyang ex-husband. Hindi na niya namalayan kung ilang oras na siyang nag-iinom. Basta't naramdaman na lang ni Daisy na umikot ang paningin niya. Mahigpit siyang napahawak sa gilid ng counter at parang matutumba siya ano mang oras. Marami na ang nainom niya kaya ganito na siya. Paano siya makakauwi nito? Hindi na niya kayang maglakad mag-isa at papikit-pikit na rin siya. "Ma'am, lasing na po kayo," rinig niyang sabi ng bartender. Ngumiti siya rito. "No, I'm not drunk," sagot niya habang nilalakasan ang katawan na hindi magtaob sa kinauupuan niya. "Gusto niyo po bang ihatid ko kayo sa sasakyan niyo?" tanong pa nito. Umiling siya. "N-No, hindi ko kailangan ng akay. Kaya ko ang sarili ko dahil hindi pa naman ako lasing," pagsisinungaling niya saka biglang napabitaw sa gilid ng counter. Tila'y nagising siya nang maramdamang magtataob na siya. Ngunit ilang segundo pa lang ang nakakalipas, hindi niya naramdamang lumapat ang sarili niya sa sahig ng bar. At naramdaman niyang parang may pumuwesto sa unahan niya at masasabi niyang ito ang dahilan kaya hindi siya nagtaob. "Huwag ka nang mag-alala dahil ako na ang bahala sa kaniya. Kilala ko siya," anang isang pamilyar na boses. Hindi na niya nagawa pang makaimik at pansinin iyon. Inaantok na siya at unti-unti ng nandilim ang kapaligiran niya. Kalaunan ay naramdaman niyang may bumuhat sa kaniya patungo kung saan. Hindi niya nagawang kumilos o gumalaw. Hinayaan niya lang itong buhatin siya. Nakapikit lang siya pero gising pa ang diwa niya. "S-Si-ino k-ka?" nauutal niyang tanong. Wala siyang narinig na tugon sa nagbubuhat sa kaniya. Hanggang sa naramdaman na lang niyang dahan-dahan siyang ibinaba sa isang malambot na kama. Napasinghap siya nang dahil doon. Sino kaya ito? Sigurado siyang lalaki ang bumuhat sa kaniya dahil malalaki ang mga braso nito. "Matulog ka na riyan, aalis na ako," saad ng lalaki. "Don't, huwag mo akong iwan," nakapikit niyang wika saka inangat ang kamay at kinapa ang kamay ng lalaki. Hindi niya inakalang mahahawakan niya iyon. Nang buo na niyang nahawakan ang kamay ng lalaki, hinila niya ito patungo sa kaniya dahilan para mapunta ito sa ibabaw niya. Naaamoy niya pang ang hininga nito... ang bango! Wala siyang alam sa sarili niya kung bakit niya ito ginawa. Ni hindi siya nakaramdam ng hiya rito. Basta't ang nasa isip niya ngayon ay hawakan magdamag ang lalaking ito. "Huwag mo akong iwan," mahina niyang bulalas saka tuluyan nang napabitaw sa kamay ng lalaki at ang diwa niya'y nilamon na ng kadiliman. PARANG BINIBIYAK ANG utak ni Daisy nang magising ang kaniyang diwa. Binuksan niya ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang kulay puting kisame. Medyo malabo pa ang paningin niya pero kalaunan ay luminaw na rin. Samantalang ang sakit sa ulo niya'y hindi pa rin nawawala. "Nasaan ako?" wala sa sarili niyang tanong saka dahan-dahang umupo sa kaniyang kinahihigaan. Ganoon na lang ang gulat niya nang may madali siyang kung ano sa tabi niya. Kabang-kaba siyang binalingan iyon at wala pang ilang segundo ang nakalipas, bigla na lamang nanlaki ang mga mata niya nang makakita ng isang taong nakahiga sa tabi niya. Nakatagilid ito sa kaniya at kita niya lang ang likod nito— maski ang maputi nitong puwet ay nakita niya. Gusto niyang sumigaw ngunit hindi niya magawa, wala siyang lakas. Sino ang lalaking ito? Anong ginagawa nito rito? Bakit sila magkatabi? Dahil sa kuryosidad, hinawakan niya ang braso ng lalaki at tinihaya ito. Kaagad siyang napasigaw nang mapagsino ang lalaki. Nahulog pa siya sa kamang kinalalagyan niya. She can't be wrong, ang lalaking iyon ay si Hugo, oo, ang kaniyang ex-husband. Hindi alintana ang sakit na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Umupo siya sa sahig at sinilip si Hugo. Tulog pa rin ito pero may napansin siya rito na ikinalunok niya. Tayong-tayo ang alaga nito. He's naked and he's so sexy! Diyos ko, bakit niya ba pinagmamasdan ang ex niya? Bakit hindi siya umalis o tumakbo? Wala siyang alam sa nangyari sa kanila dahil wala siya sa sarili kagabi dahil lasing na lasing siya. Kung hubad ito. Napanganga siya at tiningnan ang sarili niya. "Ahhhhhhhhhh!" malakas niyang sigaw nang makitang hubad din siya. Galit siyang tumayo sa pagkakaupo at kinuha ang unan na malapit lang sa kaniya saka walang pagdadalawang isip na inihampas iyon kay Hugo dahilan para magising ito. Galit siya dahil sa nangyari sa kanila nito. Kahit hindi niya alam, sigurado siyang may nangyari sa kanila. "Hayop ka, Hugo! Hayop ka! Bakit mo ako ginalaw?! Sino ang nagsabi sa iyo na galawin mo ako? I don't love you anymore, you're just my ex. Pero bakit mo ako ginanito? Ang sama-sama mong gago ka! Mamatay ka na!" nanggagalaiti niyang wika habang walang tigil itong hinahampas ng unan. "Stop, Daisy! Tumigil ka!" ani Hugo habang inaabot ang unan na hinahampas niya rito. "Hindi ako titigil, gago ka! You raped me!" mangiyak-ngiyak niyang saad saka napaupo na lang sa sahig at doon humagulhol nang humagulhol. Bakit sa lahat ng lalaki, si Hugo pa ang makakasiping niya? She already forgot this jerk pero bakit nangyari ito sa kanila? Hindi ba puwedeng ibang lalaki na lang kaysa ang gagong ito? Iyon ang hindi niya matanggap. Paano kung mabuntis siya? Paano kung may mabuo? Anong gagawin niya? Magmamakaawa sa lalaking ito na muling mahalin siya para sa anak nila? No, hindi siya magmamakaawa rito dahil hindi niya ugaling gawin iyon. "Hindi kita ginahasa, Daisy! I didn't rape you just so you now! You forced me to do what I did, no, what we did," mahinahong ani Hugo saka bumaba sa kama. Nag-angat siya ng ulo rito. "Hindi kita pinuwersa at wala akong naaalalang pinuwersa kita!" sigaw niya at sinamaan ito ng tingin at parang ito ang pinakamasamang tao sa mundong ito. "Wala kang naaalala kasi lasing na lasing ka! Hindi mo ako pinaalis kagabi kaya wala akong magawa kundi ang manatili sa tabi mo. Natulog tayo ng tabi at ikaw ang nagsimula ng lahat. You kissed me hanggang ang halikan ay nauwi sa s*x. We had s*x, Daisy!" "Tanga ka ba, Hugo?" Inis siyang tumayo at dinuro ito. "Kung hinalikan kita, bakit hindi mo ako pinatigil? Bakit hindi ka tumakbo o umalis at iwan akong mag-isa? Why, Hugo? Why?!" sigaw niya— galit na galit. "I tried, I tried to leave you pero hindi ka pumapayag. Ayaw mong iwan kita. Naging asawa kita, Daisy kaya naawa ako sa iyo at hindi ako umalis sa tabi mo. Akala ko'y hanggang pagtabi lang natin ang mangyayari pero mali ako. Sinimulan mo ang hindi na natin ginagawa dahil walang tayo, Daisy! It was your fault, ikaw din ang may kasalan kung bakit iyan nangyari sa iyo!" wika ni Hugo habang nakatitig sa mga mata niya. Natatawa siyang umiling. "Ayon nga, e. Walang tayo pero bakit mo ako ginalaw? Bakit hindi mo pinigilan ang sarili mo? Napakamanyak mo kasi, e! Bastos kang gago ka! Wala akong pake kung naging asawa kita... I already forgot you, Hugo. Kinalimutan na kita alang-alang sa sarili ko! Paano kung may mabuo? Anong gagawin ko, huh?! Ipapalaglag ko? Magiging masama ako mawala lang ang nabuo natin dahil wala ng tayo?" Bawat salitang binibitawan niya rito ay mahahalaga. Hindi niya hahayaang maging masama siya sa tingin ng iba dahil lang sa galit niya sa hayop niyang ex-husband. "Dahil nakaramdam din ako ng init, Daisy! Parehas lang tayong uhaw! Hindi ako manyak at bastos! Ikaw ang nag-udyok sa aking gawin iyon. We're just same, I already forgot you too. At huwag na huwag mong ipapalaglag ang mabubuo riyan sa sinapupunan mo dahil makikita mo ang totoong ako! Kung ayaw mong buhayin ang bata, ibigay mo sa akin, huwag mo lang siyang saktan. Sa akin ka magalit, huwag sa inosente at wala pang alam! Maghihintay ako, Daisy... maghihintay ako na darating ang araw na may ibibigay ka sa aking bata. Huwag kang papatay dahil lang galit ka sa akin. Huwag kang mandamay ng iba! Ito ang tandaan mo, malaman ko lang na may ginawa kang masama sa mabubuo riyan, ako ang makalaban mo, Daisy! Wala rin akong paki kung naging asawa kita. Now, you're just my ex too at wala akong paki sa iyo! Sa mabubuo, oo, may pake ako! Tandaan mo itong sinabi ko sa iyo, gagawa ako ng paraan malaman lang na buntis ka..." mahabang lintaya ni Hugo at nagsimula nang isuot ang mga damit na nasa lapag. Nang matapos, nag-angat ito ng mukha sa kaniya. "Hindi porke may nabuo, magbabalikan na tayo! Hindi pa rin mawawala sa utak ko na manloloko ka! Habang-buhay kong itatanim sa utak ko na wala kang kuwentang asawa!" Dahil sa galit, nasampal niya ito ng mag-asawang sampal. Narinig niya pang lumagitik ang palad niya sa mga pisngi ni Hugo. Pero ang gago, wala yatang pakiramdam, manhid yata dahil hindi man lang nito nagawang ngumiwi dahil sa sakit. "Gago ka talaga! Hindi ako manloloko dahil kaibigan ko lang ang lalaking inakala mong lalaki ko. Napakasama mo, Hugo! Parang hindi ka nagiging tupa ng tayo pa!" nanggagalaiti niyang bulalas saka matalim itong tiningnan. Ngumisi ito at umiling kapagkuwan ay umalis na. Nang makalabas ito sa kuwartong kinalalagyan niya, muli siyang napaupo sa sahig at humagulhol muli dahil sa sakit at galit na nararamdaman niya. Bakit hindi ba ito naniniwala sa mga sinasabi niya? She's telling the truth na wala siyang lalaki at hindi siya manloloko. Napakagago talaga! Tanga-tanga ng ex-husband niya! Napailing siya at tumigil sa pag-iyak kapagkuwan ay tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Sinuot niya ang kaniyang mga kasuotan at bahagyang nag-ayos ng sarili. Bago niya buksan ang pinto, nagpakawala muna siya ng hangin sa bibig saka binuksan iyon. Hindi na siya nagulat nang makitang nasa bar pa siya hanggang ngayon. Napairap na lamang siya at naglakad na paalis. Habang naglalakad, dinukot niya ang cellphone niya sa kaniyang shoulder bag at tinawagan doon ang numero ng papa niya. Ilang ring lang ang lumipas, sumagot na ito. "Hello, anak! Bakit ka napatawag?" Ang papa niya. "Pa, hindi ba't may balak kang bangasan si Hugo?" She has an idea. "Oo, anak. Bakit mo natanong? At bakit parang gusto mo nang gawin ko kaagad iyon? Nabibingi lang ba ako, Daisy?" natatawang sabi ng papa niya sa kabilang linya. Napaling siya. "Hindi na po ako makapaghintay na makitang bangas ang mukha ng gagong iyon, papa. Kung maaari ay gawin niyo na po..." "Sige, anak. Huwag kang umasa na ngayon ko gagawin ang plano ko sa lalaking iyan. Baka bukas o sa isang araw, anak." "Sige po, papa. Sige na po, papasok na po ako sa trabaho." "Sige, anak. Mag-ingat ka." Tumugon pa siya saka pinatay na ang tawag. Nang makalabas sa bar, kaagad siyang pumunta sa parking lot at tinungo ang kotse. Bubuksan na sana niya ang pinto ng kotse niya nang may nakita siyang isang lalaki na patungo sa kaniya. Kilala niya iyon. It's Uriel, Hugo's friend. Muli siyang umiling at pumasok na sa kotse saka pinaandar iyon patungo sa restaurant niya. Yari ngayon si Hugo, hindi na siya makapaghintay na makitang bangas ang pagmumukha nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD