Nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa labas ng gate ng village. Nagtungo kami sa sakayan ng jeep at doon pumila.
"Lima pa! Lima pa! Aalis na!" sigaw ng tsuper ng jeep.
"Kuya, sigurado ka ba'ng kasya pa ang lima dito? Mukhang hindi na nga kasya ang dalawa eh," sarkastikong tanong ko.
Halos magsiksikan na nga ang mga nakaupo sa loob ng jeep. Anong akala nila sa sasakyan nila, expandable? Na i-stretch?
"Kasya pa `yan. Kung ayaw niyong sumakay, bahala kayo!" sigaw niya. Agad naman nagsalubong ang dalawang kilay ko at akmang sasagot pa sana nang hatakin na ako ni Syrojj palayo.
"Tara na," anya habang gaya ako paalis doon.
"Hindi! Sandali lang! Dapat sa mga katulad niya sinasampal! Akala mo kung sinong may ipagmamalaki!" Todo awat na sa akin si Syrojj pero hindi ako nagpapatinag. Nahinto lang ako ng makalayo na kami. "Malasin ka sana!" malakas na sigaw ko sa direksyon kung na saan ang tsuper.
"Tss, huwag mo na kasing patulan. Mag-bus na lang tayo," aniya saka ako binitawan.
"Hindi dapat pinapalampas ang mga ganon! Masyado ka kasing good boy eh. At saka totoo naman ang sinabi ko di'ba? Ni hindi na nga halos makakilos ang mga nakasakay doon sa loob tapos sasab-"
"Pag hindi ka pa tumigil hahalikan na kita." Agad akong natigilan sa pagsasalita dahil sa sinabi niya.
Hindi siya nakaharap sa akin at hindi rin siya tumingin ng sabihin niya iyon. Seryoso lang siyang nag-aantay ng bus.
Feeling ko ay pulang-pula na ako dahil sa sinabi niya pero parang wala lang naman iyon sa kanya. May isang bahagi sa utak ko na nagsasabing mag-ingay pa ako upang halikan niya ako. Pero may isang bahagi rin ng utak ko na nagsasabing manahimik na lang ako dahil baka sabihin niya ay gustong-gusto ko na mahalikan niya.
'Chance mo na yan!'
'Matitikman mo na ang matamis niyang halik at mararamdaman mo na kung gaano kalambot ang mga labi niya!'
'Naku, manahimik ka na lang at baka makahalata siya at layuan ka pa.'
Mas pinili ko na lang manahimik at mag-abang na rin ng bus upang makaalis na kami doon. Ang kaninang nag-iinit kong ulo ay nawala ng parang bula dahil sa sinabi niya. Kung sana lang ay alam niya kung ano ang kilig na hatid sa akin ng mga sinasabi niya, baka kanina pa ako nagtutumili.
Ilang minuto lang ay nakasakay na kami ng bus. Ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay huminto na agad ang bus. Taka akong sumilip sa bintana ng bus. Nasa kaliwa ko si Syrojj at ako ang nasa tabi ng bintana.
"s**t! Twenty minutes na lang ay mali-late na tayo," bulong kong sabi sa katabi ko na tutok sa panonood ng TV sa loob ng bus.
Nilingon niya ako at saka nagtama ang aming mga mata. "Di ka pa na sanay, lagi namang traffic dito sa Pilipinas. H'wag mong istresen ang sarili mo dahil wala namang mangyayari. I-enjoy mo na lang," natatawa niyang tugon na agad kong nginusuan. Muli siyang bumalik sa panonood ng TV.
Hayss, ano pa nga ba? Buti na lang at katabi ko siya ngayon. Magiging pabor pa sa akin ang bwisit na traffic dahil makakasama at makakatabi ko ng matagal si Syrojj.
'Pero mas okay sana kung na sa akin ang atensyon niya.'
"Sy," tawag ko sa kanya.
"Yes, Glen?" balik tawag niya at kunot noo akong nilingon.
"May gagawin ka ba this weekend?"
"Ahm," anito at tila nag-isip sandali. "Wala naman. Bakit?" curious niyang tanong.
"Puwede ba'ng patulong ako sa project namin sa Gen. Math? Please?" Binigyan ko siya ng nagmamakaawang mukha at pinagdikit ko pa ang aking mga palad na tila nagdarasal sa kanya.
"Hm... Let me think it first-Aw!" natatawa niyang anya ng hampasin ko siya sa braso dahil sa sinabi niya.
"Tss, ang damot mo talaga! Alam mo naman na pagdating sa ating dalawa ikaw lang ang magaling sa mga busit na numbers na iyan eh!" pagrereklamo ko. Masama akong nakatingin sa harapan namin na tila nakikipagbuno ng titigan sa upuan habang naka-cross arms.
"Hindi ako magaling. Marunong lang talaga," pa-humble niyang wika.
"Tss, ewan ko sayo!" pagtataray ko at saka bumaling ng tingin sa bintana. "Ang damot-damot. Makikipag-date lang naman," bulong ko.
"Hey! Wala akong ka-date," sambit niya na inirapan ko lang. "Ikaw, napakamatampuhin mo talaga," sabi niya habang ginugulo ang buhok ko.
"Ano ba?! Tigilan mo nga iyan!" singhal ko sa kanya habang pilit inaalis ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. "Kasusuklay ko lang ginulo mo na naman."
Tumawa lang siya at saka ako inakbayan at niyakap. "Joke lang 'yon. Siyempre tutulungan kita. Ikaw pa ba eh malakas ka sa akin," nakangiti niyang sabi.
Hindi ko alam kung narinig ko pa ba ang sinabi niya dahil titig na titig ako sa guwapo niyang mukha. Sa singkit niyang mga mata na lalong sumisingkit pagtumatawa siya at sa malalim niyang dimple na ang hirap pagsawaan.
Ilang segundo ata akong hindi huminga at nanatiling nakatitig sa kanya habang wala pa ring reaksyon sa mga sinabi niya na dapat kong ikatuwa. "Hey, okay ka lang?"
Bakit ba kasi ang guwapo-guwapo niya? Hindi ko tuloy maiwasang hindi mahulog kahit alam ko namang imposible niya akong magustuhan. Kung sana lang ay kaya kong umamin ng nararamdaman ko. Kung sana lang ay kaya kong ipakita ang tunay kong nararamdaman para sa kanya... Kaso hindi ko kaya dahil ayokong masira yung mga pinagsamahan namin. Hindi ko kaya dahil ayokong lumayo siya sa akin. Hindi ko kaya dahil takot akong magsakripisyo ng bagay na pinakaiingatan ko.
'Ayokong isakripisyo ang samahan namin.'
"Uy!" Bumalik ang ulirat ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat at saka alugin. "Okay ka lang?" tanong niya.
"A-Ah? O-Oo, Oo. Bakit?" nahihiyang tanong ko.
"Hays, natutulog ka na naman ng gising. Ang sabi ko tutulungan kita sa paggawa mo ng project," pag-ulit niya sa sinabi niya kanina.
Agad namang nanlaki ang mga mata ko at sumilay ang ngiti sa aking mga labi. "T-Talaga?" natutuwang tanong ko. Ngumiti naman siya at ilang ulit na tumango. "Yieeeeee! Thank you! Thank you! Thank you!" natutuwang sabi ko at hindi ko na namalayan ang pagyakap ko sa kanya.
Agad akong bumitaw at nahihiyang yumuko. Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Nag-sign naman ako ng peace bilang paghingi ng paumanhin dahil sa pagyakap ko sa kanya.
'Geez! Lupa kainin ako! Ngayon na!'