GLENDA : 3

943 Words
Nang makarating kami sa tapat ng University ay agad kaming nagtaka dahil sa katotohanang wala kaming makitang mga estudyante. Seven forty-eight am na pero ni isang estudyante ay wala maliban sa amin. Kadalasan ay wala pang 7:30 marami na ang tao ngunit iba ang ngayon. "May na banggit ba sa inyo na walang pasok?" tanong ni Syrojj. "Wala naman," iiling-iling na sagot ko. "Baka na sa room na sila or nasa gym? Ano sa tingin mo?" "Hm, siguro nga. Tara na," aya niya saka kami naglakad papasok ng gate. Agad kaming nagtungo sa building namin. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng makitang nagsisimula na ang klase sa mga room na nasa pang-ibabang bahagi ng building. Lahat ng estudyante ay tutok na tutok sa sinasabi ng teacher nila na kahit hindi naman namin naririnig dahil sa salamin na nakaharang ay malalaman mo pa ring seryoso ang sinasabi nito. "Hala! Nagsisimula na ang klase!" gulat kong sigaw. "Bilisan na natin." Hindi ko na namalayan ang paghawak ni Syrojj sa kanang kamay ko at agad akong hinila paakyat ng hagdan. 'Jusqo! Glenda, mamaya ka na kiligin!' Hindi ko na tuloy namalayan kung paano kami nakaakyat ng mabilis patungo sa fourth floor ng building dahil sa kalutangan ng utak ko. Namalayan ko na lang na pareho kaming naghahabol ng hininga at pawis na pawis habang nakayukong nakahawak sa magkabilang tuhod namin. "N-Nakakapagod s**t!" hinihingal na sigaw ko. "Para daw pumayat ka," natatawa niyang anya na hinihingal pa rin. Agad akong napabaling sa kanya dahil doon. At tila gusto kong maistatwa dahil sa guwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon. Para siyang isang modelo sa tv na kakatapos lang maligo at biglang iiling ang ulo upang tumalsik ang mga tubig sa kanyang buhok. Tumutulo ang kanyang pawis sa makinis at maputi niyang balat. Parang ang sarap niyang yakapin at hubaran sa ganoong lagay. 'Glenda, tama na. Masyado ng mahalay.' Che! "Uy! Nakatulog ka na naman?" natatawa niyang tanong habang pinupunasan ng panyo ang kanyang mukha. "Ahm, h-hindi kas--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang lumapit siya at ipangpunas sa akin ang panyo niya na kanina lang ay ginagamit niyang pamunas sa kanyang pawisang mukha. 's**t! Kahit yung pawis niya ang bango pa rin!' Lihim akong napangiti at alam kong kulay kamatis na ang mukha ko dahil sa ginagawa niya. "Grabe, pinagpawisan tayo doon ah," natatawang sabi niya. Tahimik lang ako habang pinupunasan niya ang mga pawis ko sa mukha at leeg. Minsan akong nagugulat pag nararamdaman ko ang pagdampi ng kanyang balat sa balat ko. Lalo ang pagdampi ng kanyang hinlalaking daliri sa labi ko na alam ko namang hindi niya sinasadya pero hindi ko pa rin maiwasang mailang. "Ayan, okay na. Papayat ka na niyan," biro niya pa pagkatapos ako punasan. Pareho kaming natawa dahil sa biro niyang iyon. "Baliw! Di naman ako ganon ka-taba noh. Pero thank you ah. Naiwan ko kasi yung panyo ko dahil sa pagmamadali." "Welcome. Lagi mo namang nakakalimutan iyon eh." Tawa siya nang tawa na lalong nagpapabilis ng t***k ng puso ko dahil habang tumatagal ang pagtingin ko sa mukha niya, feeling ko ay mas lalong lumalalim pa ang nararamdaman ko. "Tara na," aya niya na hinawakan pa ang kanang kamay ko. Tinanguan ko lang siya at saka kami naglakad patungo sa room namin. Pagtapat namin sa pinto ay agad niyang binuksan iyon. Papasok na sana kami sa loob pero agad na natigilan ng mapansin na iba ang teacher at mga eatudyante na naroon. Agad na napakunot ang noo ko at alam kong ganoon din si Sy. "Yes?" tanong sa aming ng guro sa loob. "Na saan po ang mga grade 12 na dito naka-room?" tanong ko. "Ay, walang pasok ang mga grade 12 ngayon dahil may monthly exam ang mga grade 11," sagot ng guro. Naiwan namang nakabukas ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Wala kaming pasok at 'yun ang malinaw. Pero bakit wala kaming alam?! "Ah, salamat po. Pasensya na rin sa istorbo," nakangiting tugon ni Syrojj at saka namin isinara ang pinto. "Bakit walang nagsabi sa atin?" inis kong tanong. "Aba'y ewan ko." Tumawa pa siya na akala mo biro ang sinabi niya. Ito ang hirap sa lalakeng ito. Lahat na lang ng bagay ay tinatawanan. Hindi nga ata siya marunong magalit eh. "Tsk! Nagmadali pa tayong pumunta dito! Hiningal pa tayong umakyat ng hagdan! Tapos wala naman pala tayong pasok!" inis kong wika. "Hayst." Umakbay siya sa akin at saka siya nagsimulang maglakad na sinabayan ko naman dahil tangay-tangay niya ako. "Hayaan mo na lang. Nandito na tayo, eh. Wala na tayong magagawa diyan," mahinahong sabi niya. "Hindi iyon puwede! Dapat inirereklamo ito sa Dean dahil wala silang abiso na may magaganap pa lang ganito!" singhal ko. "Ayst, hayaan mo na lang. Mabuti pa ay pumunta na lang tayo ng mall para mawala iyang init ng ulo mo." "Hmp! Ganon na nga lang talaga. May magagawa pa ba ako?" mataray kong tanong at tumawa lang siya. Naka-akbay sa akin si Sy hanggang sa makarating kami sa mall. Harutan at tawanan. Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan sa tuwing may makakakita sa amin. May iba pa na nagbubulungan at sinasabing 'ang sweet naman nila'. Alam ko naman na ginagawa niya lang iyon para mawala sa isip ko na wala pa lang pasok. Para mawala ang init ng ulo ko. Pero kahit ganon ay hindi ko pa rin maiwasang kiligin dahil sa mga sweet gestures niya lalo kapag sinasabi niya na 'Wag mo na lang silang pansinin. Ang mahalaga masaya tayo.' Oh diba! Ano pa ba ang dapat kong isipin diyan? Gusto niya rin akong makasama kaya wala siyang pake alam sa sasabihin ng iba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD