"JAIDYLEEN, napanood namin ang interview ni Angel. Grabe! Ang haba ng buhok mo, girl," bungad ni Meleena pagdating niya sa opisina. Mugto pa ang mata niya dahil sa magdamag na pag-iyak pero sa tulong ng magaling na pagme-make up ay hindi iyon halata. "Ayaw mo naman sa kanya, di ba? Pwedeng sa akin na lang siya. Kahit na di niya ako mahalin. Ayos na sa akin ang halik na ibinigay niya sa iyo," sabi naman ni Gordon. "Ambisyosa much!" pang-aasar ni Bettina dito. "Excuse me. Kakausapin ko lang si Miss Maegan," sabi niya at iniwan ang mga ito. Matapos ang interview ni Angel ay nag-iba ang tingin sa kanya ng lahat. It became a story of unrequited love. Binura ni Angel ang masamang impresyon sa kanya ng marami. She was not that slutty teacher anymore. Pero hindi naman niya kayang harapin ang s
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


